Cubicle Love Story

45 5 0
                                    

Dismissal...

"Uy, Cloud! Rian! Una na kayo sa gym, palit lang ako ng damit." sabi ko kila Cloud.

"Oo na! Bilisan mo!" sigaw ni Cloud sa 'kin habang paalis na sila.

Pumunta na kong CR para magpalit ng damit or should I say.. isusuot ko na yung pang disguise ko? Manonood kasi ako ng practice sa basketball ni Sky, ang aking lovidudes~

BOYFRIEND KO?

Hoooo~ In my dreams! XD

Hindi naman ako napapansin nun, saka ang dami kayang nakapalibot na magaganda dun. Lalo na yung mga cheerleaders na patay na patay sa kanya. Mga higad! Masyadong makakati! -____-"

Buti pa ko quiet lang, nagsusuot ako ng wig saka ng damit panglalaki para di niya ko makilala. Classmate ko kasi siya, saka baka makahalata siya kung araw araw niya kong makita na nanunuod ng practice nila. Malaman niya pang may gusto ako sa kanya.

Halos 3 years ko na 'tong ginagawa, ang tyaga ko no? ganun ata talaga kung mahal mo yung tao.

MAHAL agad?!

Oo! Who cares! Sila ba nagmamahal? -____-"

K, back to reality na.

Lumabas na ko ng cr, saka dumiretso sa gym.

Pagdating ko umupo agad ako sa tabi nila Cloud and Rian.

"Tagal ah!" -Rian

"Sorry naman, hirap kaya ikabit nito." sabi ko kay Rian sabay turo sa wig na suot ko.

Mahirap naman talaga ilagay, minsan kasi may nahuhulog na buhok ko eh.

"Psh. Oo na! Cloudy ko~ bili mo kong foods!" sabay yapos pa niya sa braso ni Cloud, boyfriend niya eh. Sila na sweet. -____-"

"Ikaw Sunny? May papabili ka?" -Cloud

"C2 na lang" sagot ko dito sabay abot nung pambili.

Tumango na lang siya saka umalis.

Pagbalik niya kinuha ko agad yung C2, uhaw na uhaw na ko eh.

Pinanuod ko na ulit maglaro si Sky, ang gwapo talaga! Kahit pawis na pawis ang HOT pa rin!

Maya maya nakaramdam ako ng call of nature.

Nagpaalam muna ko kila Cloud na pupunta muna kong Cr.

Pagpasok ko sa cr, nagtilian yung mga babae sa loob.

"Ah bakit?" -Ako

"Anong bakit?! Cr kaya ng babae to! Bastos!" -Girl#1 sabay tulak sa 'kin palabas.

Efff! Nakalimutan ko! Mukha nga pala kong lalaki ngayon kasi naka disguise ako! >____<

Shems! San ako magc-cr ngayon? Ihing ihi na ko!

Napatingin ako sa pinto ng cr na lalaki na nasa tabi ng cr ng babae.

Dun na lang kaya? Kaso nakakahiya baka may tao sa loob!

Ano ka ba Sunny! Mukha ka naman lalaki eh! okay na yan! urgent!

No choice! Pumasok na ko, sabay takbo sa isang cubicle dun then do my thing. Buti na lang walang tao.

Palabas na sana ko nang may  narinig akong nagsalita.

"So, ano nang plano mo 'tol? 4 years ka nang may gusto dun oh." -Lalaki#1

"Bukas na ko aamin, nakahandana yung Surprise ko kay Summer."-Lalaki#2

Teka, kilala ko yung boses na yun! Si Sky yun! S-sino yung S-summer? O___o

"Yawn! graduated ka na din sa TU." -Lalaki#1

"TU?' -Sky

"Torpe University! iba na talaga pag in love! May pa surprise surprise ka pang nalalaman ah!Mahal mo talaga si Summer!"-Lalaki#1

Summer?! M-mahal? May mahal na siyang iba?! Awtsuu~ Wala na talaga kong pag asa sa kanya? TT__TT

Napatungo na lang ako nung naisip kong wala na nga talagang chance na maging kami. Hinubad ko yung wig ko saka ko tinakip sa mukha ko para kung maiyak man ako di nila maririnig.

"Haha, oo naman si Summer ata yun! Tara nga, baka hinhintay na nila tayo sa labas!-Sky, na tatawa tawa pa.

Napaiyak na lang ako sa narinig ko kay Sky, haha akala mo naman girlfriend ako kung maka-react. Sa bagay, kasalanan ko naman na nasasaktan ako ngayon eh. umasa kasi ako, ang shunga shunga ko talaga!

Lumabas na ko ng cubicle, gusto ko ng umuwi! Ayoko na dito. TT_____TT

"A-anong ginagawa mo dyan?!" napatingin ako dun sa nagsalita.

 O_______O !!!!

________________________

Pangit ba? Walang ka-thrill thrill? TT_____TT

May part 2 po 'to. Wala lang trip ko lang? HAHA :D

 Hala! Sino kaya yung nakakita kay Sunny?

Baka magkaroon na ng bagong apple of the eye si Sunny!

Plssss. Vote ang comment po. :)

Salamuch! :*

Cubicle Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon