CHAPTER FOUR

4K 83 0
                                    

Hindi makapaniwala si Natasha sa laki ng bahay na ngaun ay titirhan niya.Namangha ito sa yaman ng amang si Mariano ngunit kahit ganun pa man nanaig parin sa puso niya ang galit na nadarama sa sariling ama.Naghintay siya sa may sala ng bahay habang hinihintay si Violeta na nooy pilit na pinapakalma ang sarili simula ng makita siya.

''You wont believe what i saw downstair mahal ko,ang huling bastarda na dinala satin dito ni Keith kamukhang kamukha siya ng anak natin.Hindi ako makapaniwala parang nabuhay ang anak natin sa pagkatao niya.''wika ni Violeta sa tila mapapangiti na si Mariano.

Sa tatlong bastardang dinala ni Keith sa pamamahay nito ngaun pa lang nagsalita si Violeta tungkol sa isa s amga anak niya.Madalas ay reklamo ang sumbong ng asawa sa naunang dalawang anak na andun na sina Helga at Patricia.

''Maari mo ba siyang dalhin dito? gusto kong makita ang anak ko.''wika ni Mariano sa abogadong si Keith na agad aalis upang sunduin sa baba si Natasha ng biglang harangan ng halik ni Patricia.

''Not now Pat,i have work to do.''wika ni Keith na iiwasan ang tila nakasimangot na si Patricia.

''Wala ka ng time sa akin Keith,im getting bored in this house.''wika ni Patricia kay Keith na naging bf nito bago pa siya pumasok sa bahay ng kanyang tunay na ama.

''Hindi ko na problema un,andito ako para magtrabaho find something for fun ok.''wika ni Keith na agad aalis upang sunduin ang naghihintay na si Natasha.

Inis na pumasok na lamang ng kanyang kwarto si Patricia habang si Helga naman ay napataas ng kilay sa nasaksihan nitong paglalandi ng kapatid sa abogado ng pamilya.

''May sabwatang nagaganap dito,pwes hindi ako papatalo sayo Patricia.''wika ni Helga na papasok na rin sa kanyang kwarto at magiisip ng plano para madispatya ang dalawang kapatid nito.

''Hindi pa ata ako handang harapin siya attorney,''wika ng kabadong si Natasha na sinamahan ni Keith papunta sa kwarto ng kanyang ama.

''Kelan ka pa magiging handa? saka mabait ang mga Nuevez,medyo disiplinado lang sila sa kanilang pamumuhay kaya tingnan mo ang yaman nila.Naniniwala ako na sa inyong tatlo ikaw ang deserving na pamanahan Natasha kaya gawin mo ang lahat mapalapit lang ang loob mo sa kanila.''payo ni Keith sa tila mapapaisip na si Natasha.

''Hindi ko naman kailangan ng lahat ng yamang ito,sapat na sakin ung may pang tustos ako sa mga kapatid ko at makatapos ng pag aaral sa kolehiyo.''wika ni Natasha sa mapapahangang binata.Simple lang talaga ang dalaga,ibang iba sa ambisyosang mga kapatid na gusto ang lahat ng yaman para lang sa mga sarili nila.

''Are you ready? relax and smile.''wika ni Keith na bubuksan ang pinto ng kwarto ng mag asawa at doon masisilayan nito ang ama at ang asawa nitong si Violeta na katabi nito sa kama.

''Siya na ba yan?''tanong ni Mariano na agad ilalapit ni Keith sa kama ng matanda upang lalong makita si Natasha.

Nangilid ang mga luha sa mata ni Mariano ng makitang kamukhang kamukha nga ni Natasha ang namatay nilang anak ni Violeta na si Desiree.Pilit na pinipigilan naman ni Violeta ang damdamin nito habang pinagmamasdan ang asawa na hindi alam ang nararamdaman ng makita na nito si Natasha.

''Anak payakap naman.''wika ni Mariano sa tila walang pakiramdam na si Natasha na susunod na lamang sa kahilingan ng matanda at yayakapin ito ng mahigpit.

''Ikaw po pala ang tatay ko,mabuti at nakilala ko na kayo.''wika ni Natasha sa amang hahawakan ang kamay nito at mukha.

''Patawad anak kung wala ako sa tbi mo habang lumalaki ka,alam kong marami akong pagkukulang sayo at sa Nanay mo.Hayaan mo sanang makabawi ako sayo sa pagtira mo dito.''wika ni Mariano sabay tingin kay Violeta na nagawa ng maikalma ang sarili at titingin sa tila kabadong si Natasha.

''Sa totoo lang hindi ako plastic para sabihing ok na sakin ang lahat.Masama parin ang loob ko kasi noong mga panahong kailangan namin kayo hindi naman kayo mahagilap.Andito ako para hingin ang karapatan ko bilang anak niyo.Hindi ko kailangan ng lahat ng yaman niyo sapat na sa akin ung pag aralin niyo ako sa kolehiyo ng makatapos at makatulong sa mga kapatid ko sa probinsiya.''deretsong wika ni Natasha na ikinagulat ng mag asawa.

Sa tatlong magkapatid si Natasha lang ang tila alam ang gustong mangyari sa buhay.Noong unang pumunta si Patricia upang ipakilala sa kanilang dalawa.Halatang pilit ang pakikipag close nito kay Mariano at kay Violeta.Si Helga naman ay parang batang humagulhol na parang daig pa ang namatayan sa pagka artista ng makita nito ang ama.Ibang iba ang approach ni Natasha kaya naman buo na ang pasya ni Violeta na lalong kilatisin ang bastardang nasa harap niya.

''Well wag kang mag alala bukas na bukas ay pupunta kayo ni Keith sa university at doon pwede ka ng pumili ng kursong gusto mong kunin.Sa ngaun doon ka muna sa kwarto ng anak ko na si Desiree.Paalala ko lang sa pagtira sa bahay na ito,ako parin ang legal na asawa ni Mariano kaya ako ang masusunod mula sa mga simpleng bagay na meron ang pamamahay nato.Si Yaya Lolita ang magsasbai ng house rules,andito kayo para makilala naming mabuting mag asawa.Nsa inyo kung pano niyo kami pakisamahan pero isa lang ang hinihingi ko RESPETO.''wika ni Violeta na kahit nakaramdam ito ng pagkagusto kay Natasha ay gusto niyang maging patas ang pagtingin sa tatlong bastardang nakatira sa bahay nila.

''Opo masusunod,salamat sa mga tulong niyo.''wika ni Natasha na matapos ang ilang kwentuhan at pakikinig ay ihahatid ni Keith sa kwarto niya.

''I think u made a good impression kay Mrs.Nuevez Natasha,keep it up at magiging ok ang lahat.''wika ni Keith na agad aalis at iiwan si Natasha na namangha sa napakalaking kwarto na tutulugan niya.Mapapansin nito ang larawan ng isang dalagang may kulay brown ang buhok at magugulat ito ng makitang kamukhang kamukha niya ang babae sa larawan.

''Ito ba ang namatay na anak nila? grabe kamukha ko nga!''wika ni Natasha na hindi makapaniwalang sa co incidence ng pagkakahawig ng mukha nila ni Desiree.

''You like her.''wika ni Mariano habang inaayos ni Violeta ang kanyang kama.

''No i dont,i was amazed na kamukha lang niya si Desiree but that wont change a fact na bastarda parin siya.She has to prove herself to us,fair dapat ang pagtingin ntin sa kanilang magkakapatid para malaman natin kung sino ang dapat pamanahan ng lahat ng ating yaman.''wika ni Violeta na agad maiintindihan ni Mariano.Kailangan nilang maging patas,hindi porket kamukha ni Natasha si Desiree ay siya na agad ang mapipili na tagapag mana sa magkakapatid.Attitude and personality ang basehan ni Violeta para makapili ng tagapag mana na kayang pamunuan at pamahalaan ang negosyo nilang mag asawa.She cant wait to test the three of them,excited siyang makita ang tunay na kulay ng tatlong bastarda.

''Mukhang nalalamangan na ako ng bagong salta Mommy,i think Violeta likes her.Kamukha daw siya ng namatay na anak nila ung Desiree.''sumbong ni Patricia sa ina nito na si Paula.

''Gawin mo ang lahat para ikaw ang magustuhan ng bitch na yan,make an impression and dont waste your time patol dun sa anak ng pokpok.Ikaw dapat ang pamanahan kaya magpakabait ka dyan.''payo ni Paula sa nagiisang anak niya na si Patricia.

''Dont worry Mom ill make sure na ako ang magiging tagapag mana dito.The fun will begin tommorow,hindi ako mapapataob ng isang probinsiyang tulad ng Natasha na iyon.''wika ni Patricia na confident sa mga plano niya.

''Thats my girl.''wika ni Paula na hindi makapag hintay na makuha ng anak ang lahat ng kayamanan ng mga Nuevez.

Itutuloy.....................

BASTARDA,ANAK NG KABITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon