Maagang nagising si Natasha at nagpasiyang lumabas ng mapansin ang maid sa may labas ng pinto na hirap na hirap sa pagpupunas ng napakalaking bintana.Agad niya itong lalapitan at kukuha ng basang basahan upang tulungan ang dalaga ng mabigla ito sa ginawa ni Natasha.
''Mam wag na po ako na po ang bahala dito.''wika ng maid kay Natasha na ngingitian lamang ito at patuloy na magpupunas ng bintana.
''Hayaan mong tulungan na kita,hindi kasi ako sanay na walang ginagawa sa umaga.''wika ni Natasha ng biglang dumaan si Patricia sabay tingin ng masama sa kanya.
''So you must be my other sister,nice way to make sipsip sa may ari ng bahay nato.''wika ni Patricia na tila hindi nagustuhan ni Natasha.
''Sipsip? nagpunas lang ng bintana sipsip agad dba pwedeng sinipag lang?''sabat ni Helga ng marinig nitong asarin ni Patricia si Natasha.
''Ow so your making an alliance sa isang ito,well good luck sa inyong dalawa.Bagay nga kayong magkakampe parehas kayong mga basura.''wika ni Patricia na ikinagalit ni Natasha at ni Helga.
''Pare parehas lang naman tayong basura dito,ikaw lang ang alam kong basura na mataas ang tingin sa sarili kahit nilalangaw na.''wika ni Natasha sa maiinis na si Patricia na akmang sasampalin ang kapatid ng pigilan ng isang kamay.Gulat ito na ang kamay ay kay Violeta na tila hindi gusto ang kanyang nakita sa magkakapatid na bastarda.
''Ang aga aga away agad ang bubungad sa akin sa araw nato.Let me remind you na wala sa inyo dito ang may karapatan sa pamamahay ko.Parehas lang kayong mga anak sa labas na pinagsisiksikan ang mga sarili sa bahay ko.Kung hindi lang dahil kay Mariano kung ako lang ang masusunod wala sa inyo ang dapat pamanahan ng yaman naming mag asawa.''wika ni Violeta sa tila napahiyang mga bastarda.Patalikod na ito ng biglang magsalita si Natasha.
''Hindi naman kasalanan kung bakit kami iniluwal sa mundong ito.Kung hindi niyo itinali ng maayos ang asawa mo wala kami dito bilang mga bastarda sa buhay niyo.Paalala lang din po,ang asawa niyo ang nanloko sa mga nanay namin.Nang iwan at nang gamit ng babae,ang asawa niyo nagpakasaya habang ang mga Nanay namin naghirap para iluwal at palakihin kami.Ni singko walang hiningi ang mga Nanay namin kaya kung andito man kami un ay dahil sa karapatan namin.''wika ni Natasha na ikinagulat nina Helga, Patricia at Violeta.
''Naku naku mapapaaga ata ang elimination round,wrong move girl hindi mo dapat kinalaban ang legal wife hahaha.''wika ni Patricia sa sarili na maagang nagdiwang ng sagutin ni Natasha si Violeta.
''Matapang ka para sagut sagutin ako bastarda,hindi mo ba alam na kaya kitang palayasin kahit kelan ko gusto.''wika ni VIoleta na nakatingin ng deretso kay Natasha na kamukha ng namayapa niyang anak na si Desiree.
''Palayasin niyo pero bago un sisingilin mo muna ang asawa niyo sa 17 years na pagpapakain sakin ng Nanay ko.''wika ni Natasha na matapang na hinarap si Violeta.
''Hanep tong babaeng to mas palaban pa sakin,gusto ko siya.''wika ni Helga sa sarili na pilit na itinatago ang pagtawa ng sagutin ni Natasha si Violeta.
''Your funny but i like your attitude.Palalampasin ko yang pagsagot mo sa araw na ito,makinig kayong tatlo.Nuevez Company is not just an ordinary company sa bansang ito, kung may hahalili man sa inyong tatlo kailangan ang ganitong attitude tulad ni Natasha.May paninindigan at alam kung saan dapat ilulugar ang pagrarason.For today this girl gain my attention,but im still against the quarelling in this house.Breakfast is ready,kumain na tayo.''wika ni Violeta habang napanganga si Patricia sa hindi inaasahang advantage ni Natasha sa labanan ng mga bastarda.
''Nice one gurl bilib ako sa ginawa mong un ah.''wika ni Helga sabay tulak ng balikat sa naguguluhan parin na si Natasha.
''Hindi ko parin maintindihan ang sistema ng bahay nato.''wika ni Natasha ng harapin siya ng nagtaas na kilay na si Patricia.
''This is a contest my dear,paligsahan kung sino sa ating mga bastarda ang karapat dapat na tagapag mana.Nanguna ka man ngaun ill make sure na hindi na mauulit un.Wag ka munang magdiwang hindi pa tapos ang laban.''wika ni Patricia na agad tatalikuran si Natasha at Helga na walang magawa kungdi hayaan na lamang ang masungit na kapatid nila.
''Ganun ba talaga kayabang ung bruhang un? akala mo kung sino.''wika ni Natasha sa matatawang si Helga.
''Ganun talaga un ang rason kasi niya model ang nanay niya samantalang mga nobody naman ang mga nanay natin kaya siya dapat ang tingalain.Nasapak ko na un noong isang araw laitin ba naman ang nanay ko.Oo prostitute nanay ko pero hindi rason un para insultuhin ng Patricia na yan pati ang pagkatao ko.''wika ni Helga na kumakampi kay Natasha.Alam ni Helga na malaki na ang advantage ni Natasha sa umpisa pa lang dahil aside sa kamukha nito ang anak na namayapa ni Violeta na si Desiree at nafeel nito na pinapaboran ng matanda ang dalaga.
''Feelingera pala ang hitad na un,hindi uubra ang katarayan nun sakin.Parehas lang naman tayong mga bastarda dito kaya wag siyang mag angas.''wika ni Natasha na agad maglalakad papunta sa dining hall habang nakatingin ng nakangising demonyo naman si Helga sa kanya.
''Sa ngaun didikit muna ako sayo,alam ko hindi ako mananalo pero pag didikit ako sayo maaring malaki ang chance ko na maambunan ng grasya mo.''wika ni Helga na agad nakaisip ng mga plano para sa sariling kapakanan niya.
Itutuloy.................
BINABASA MO ANG
BASTARDA,ANAK NG KABIT
ChickLitNang mamatay sa sakit na cancer ang nag iisang anak ni Mariano Nuevez tatlong anak sa ibat ibang babae ang papasok sa mansion nito upang gampanan ang pagiging tagapag mana ng mayamang Don.Si Helga,anak sa isang prostitute.palaban at matalas ang dila...