Ayesha’s POV
ilang linggo na pala ang nakalipas simula nung makita ko ang hambog na lalakeng iyon.
wala na sa akin yun at ngayon ang aking inaalala dahil ngayon ako ipapakilala ni jacob sa mga magulang niya.
nakakainis nga si katarina dahil inaasar pa ako dahil baka daw maihi ako sa panty ko -_- napaka bastos ng bunganga ng isang iyon.
kriiiiing kriiiiiingggg
"hello mahal asan ka na ba??" wika ko na naiinip, tsk ang tagal ko kayang nagantay dito sa bahay ko. naka simpleng white dress lang ako
(sorry eto na malapit na ako mahal I love you) sabi ng kabilang linya
ilang minuto na lang at narinig ko na ang pagtigil ng kanyang makina. kaya dali dali akong lumabas at nilock ang pintuan.
he gave me a smack, diba sweet ng mahal ko? kaya nga di ko siya iiwan eh kasi napakamapagmahal at wala ka ng mahihiling pa sa kanya
"ready??"tanong niya
tumango na lang ako dahil kinakabahan ako, nananalangin ako na sana ay matanggap ako ng pamilya rosales,
trenta minutos din ang inabot namin sa byahe papunta sa hacienda ng mga rosales. talagang mapapanganga ka sa lawak ng kanilang mga lupain.
pinagbuksan ako ni jacob ng pintuan at napaangat ang ulo ko sa mujha niya dahil talagang matangkad siya sa mantalang ako ay nasa ilalim lang ng balikat niya.
he cupped my face and he kissed me to my lips na para bang sinasabi niya na "everything will be alright"
napangiti ako, at buo na ang desisyon ko na di ko siya iiwan at handa akong isakripsyo lahat para sa kanya.
di bale ng makalimutan ko ang aking sarili basta makita ko lang na masaya si jacob ay masaya na rin ako.
sinalubong kami ng malaking pintuan nila, napakalaki at napakaganda. may nga katulong sila at lahat ng mga iyon ay pinakikisamahan ni jacob ng maayos. habang busy ako sa pagtingin ng kanilang mansyon may nakita akong isang babae at isang lalake na sa tingin ko ay magulang uto ni jacob
"hijo!! halika na at kumain na tayo" hinalikan nito si jacob at hinfi man lang ako pinasadahan ng tingin. ang kanyang ama naman ay tinanguan lang ako
"wait ma, pa, this is ayesha pinacpac my..... girlfriend, my one and only" napangiti ako sa sinabi ni jacob at nakita ko ang magulang ni jacob na napatingin sa akin at binigyan ako ng pilit na ngiti ng kanyang ina. di naman ako tanga para di ko maramdaman na ayae nila sa akin. sino ba naman ako, ako lang naman si ayesha pinacpac ang nagmamahal sa hindi ko kauri at kailanman ay hindi yun katanggap tanggap lalo na sa paningin ng magulang niya.
"magandang gabi po sainyo" nagmano ako at nagbow sa kanila upang bigay galang.
nagsimula na kami pumunta sa hapag kainan, tahimik. tanging mga kutsara at tinidor lang ang naririnig mo. hanggang sa
"hijo buti at dinala mo ang magandang dilag na ito??" wika ng kanyang ama, napangiti ako dahil may nabuhay na pag asa sa aking dibdib.
napatingin ako kay jacob na pinunasan niya muna ang kanyang bibig at uminom bago magsalita
"yes pa! sa katunayan po ay kaya ko po siya pinakilala sa inyo ay dahil alam ko naman pong matatanggap niyo po siya"
napaubo ang kanyang mama sa kanyang sinabi kaya dinaluhan ito ng kanyang ama
"I’m sorry, hija anong trabaho ng iyong magulang dito sa ating bayan??" pagsusuri ng kanyang mama
"hmm ano po k-kasi ahmmm si nanay ay nagtitinda lamang at ang aking ama ay sikat na pintor dito sa ating bayan" kinakabahan na sabi ko
pinakalma ako ng hinawakan ng mahigpit ni jacob ang aking kamay sa ilalim ng lamesa
"oww okay" ngiting pilit na sabi bg mama ni jacob na para bang may hindi siya nagustuhan sa aking sinabi at wala siyang choice kundi umoo dahil andun nga si jacob sa aking tabi.
natapos kami sa pagkain at medyo gumaan ang atmosphere dahil madalas kinakamusta ng kanyang ama ang lagay ng mga tanim
"okay ka lang ba mahal??" pag aalala na tanong ni jacob
humagikhik ako at pinalo ng kunwari ang kanyang dibdib
"ano ka ba mahal, wag mo ko aalalahanin strong kaya ako" at umarte pa ako na pinapatigas ko yung biceps ko
"hahahaha sige mahal tawag lang ako ni dad dyan ka lang ahh" tumango ako at hinalikan niya ako sa may buhok, tuluyan na siyang umalis.
"hija can i talk to you privately??" wika ng mama niya, malayong malayo sa kanina, kung kanina ay mukhang sweet ngayon naman ay may halong otoridad ang kanyang boses.
napatango na lang ako
"Ms. Pinacpac di na ako magpapaliguy ligoy pa, I don’t want you to be with my son, I just wanted the best for my son." wika niya ng di nakatingin sa akin. nakatanaw lang siya sa veranda habang iniinom ang kanyang red wine.
napayuko ako pero di naman pwede yung sinasabi niya
napabuntong hininga ako
"tita--
"don’t call me that, just call me ma’am" taray na sagot ni ma’am
nalulungkot ako pero kailangan ko siyang ipaglaban
"ma’am mahal ko po ang anak niyo, ang dami na po namin napagdaanan para lang bitawan siya dahil sinabi niyo---" di niya ako pinatuloy
"di sapat ang salitang mahal sa isang relasyon, sige nga sabihin mo sa akin?? kapag nilayo ko ba si jacob sayo ay makakaya mo ba yun gayong sanay kayo na magkadikit palagi.. oo alam ko na madalas kayo magkasama pero di ko kayo ginulo. kung tutuusin yang sinasabi mo na madaming pinagdaanan ay wala pa yan sa kalingkingan ng aming pamilya"
wala akong makapa na mga salita upang may maipangtapat sa mga sinabi. tama siya tama siya at dun ako naiinis dahil di ko maipagtanggal ang relasyon namin.
"maam, wag niyo po kaming maliitin dahil --"
"ayesha, wala ka pang natatapos ay--"
talagang nauubos na ang respeto ko sa mama ni jacob kaya ngayon ay nauuwi kami sa sagutan
"alam ko yun maam, pero mawalang galang lang po. papatunayan ko ang sarili ko sainyo na karapat dapat ako para sa anak niyo. mahal ko ang anak niyo at gagawin ko itong sakripisyo na ito hindi para sa iyo o para sa imahe ng pamilyo niyo, gagawin ko to para kay jacob, para sa mahal ko!! excuse me"
tuluyan na akong umalis , tinakpan ko ang aking mukha upang itago ang aking mukha na puno ng hinanakit at hirap, naririnig ko din na nagtatalo ang daddy niya at si jacob, palabas na siya sa isang kwaryo at nagulat siya sa nakita niya sa akin dahil umiiyak ako
hinigit niya ako palabas ng kanilang hacienda at niyakap niya ako ng mahigpit
niyakap ko siya at humagulgol ako, wala akong naririnig kay jacob kundi puro mura
"jacob ayaw nila sa atin, gagawa ako ng hakbang para di sila umayaw sa atin" umiiyak ako habang sinasabi ko yan
hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinarap niya ako
"no ayesha, i know what you’re thinking don’t leave me please, i will talk to them again" pakiusap ni jacob na ngayon ay naluluha na rin
"please jacob, pagbigyan mo ko ayoko na minamaliit ako ng parents mo. i will do this not for them but for you" pakiusap ko
"*sighed* let’s not talk about this hayaan mo muna akong yakapin ka ng ganitong kahigpit"
I let him to hug me for the last time, dahil bukas we will decide for our relationship
YOU ARE READING
The Paint Of Love
Teen FictionAyesha Pinacpac. Isang probinsyanang pintor. Mahal na mahal niya si Jacob Rosales but his family doesn't want her because of her background. Sinabi ng magulang ni Jacob na magtapos muna siya pag aaral ng sa ganun ay matanggap siya ng magulang nito. ...