Dedicated ko po ito sa Kuya ko (cousin) Torpe kasi siya. kaya naisipan ko siya gawan ng story ^_^ Sana magustuhan niyo po to :) makaka relate ko kayo dito.
tungkol po ito sa isang lalaking nagmahal ng isang kaibigan ng hindi inaasahan. hindi niya masabi ang kanyang nararamdaman sa girl kasi natatakot siyang masaktan ulit. ^_^
Chapter 1:
Sayang bakit hindi kita niligawan Ngayon ako'y nanghihinayang Kasi naman tatanga-tanga pa ako noon
Walang humpay na paghintay Sa hindi dumarating na pagkakataon
Lagi namang kitang nakakasama Ewan ko kung bakit ba wala akong nagagawa
Kahit na napakagaling mong kausapin Ewan ko ba kung bakit ang hirap pa ring angkinin Madalas naman tayong naglolokohan
Dinadaan ko lang sa biro ang tunay kong nararamdaman Kaya siguro hindi mo sineryoso aking mga sinabi Yan tuloy wala.....
*Pak*
Marielle: "Sapul! Hahaha."
"Marielle! Ano ba naman. Batuhin ba ko ng unan. Saka bakit mo pinatay yung radyo!"
Hay. Nako. Magkaroon ka ba naman ng kapatid na ganyan. Ewan ko na lang ano. Sakit sa ulo as in.
Marielle: "Haay.. Kuya JC.. Di ka pa nagsasawa sa kantang yan. Sa bagay, bagay na bagay sayo." (sabay ngiting nang-aasar)
Binato ko nga ng unan. Sabay takbo naman siya palabas ng kuwarto ko. Lagi na lang ako inaasar nun. Kala mo naman siya may boyfriend.
Subukan lang may manligaw dun nako. Sapok ang aabutin sakin ng mga yun.
O Sige. Fine. Strict na kung Strict. Eh Second Year Higschool pa lang tong kapatid ko.
Sabi nina Papa, minsan OA ako. Mas strict pa raw ako sa kanila. Ewan ko ba.
"Eh maghanap ka na kasi ng girlfriend, iho.. Aba, Second Year College ka naman na eh.."
Haay. Yan ang laging sinasabi ng mga magulang ko sa akin. San ka pa? Sila pa nagsasabi na manligaw na ko. Oo. Wala pa akong girlfriend.
Naiinis ako minsan natsismis akong bading sa school. Aba naman. Si John Christopher Delgado, bading?? Sa Guwapo kong ito?!