Kasabay Ng paghampas Ng dagat sa dalampasigan at paghuni Ng mga Ibon sa himpapawid ay ang mga masasaya at Mapapait na Alaala na nagbabalik.Sa lugar na ito nabuo ang Pangarap natin at ang pangako na hanggang sa tumanda tayo ay tayo pa rin ang magkasama. And daming tanong na gusto kong itanong.kumusta ka na? Masaya ka ba? Mga tanong na akin na munang isasantabi. Pero naririnig mo ba ang tibok Ng aking puso na para Sayo Lamang tumitibok Ng ganito,di maipaliwanag sa tuwing ika'y nakikita dito sa malayo. Ang iyong mga Ngiti na dati sa akin Lamang, na gusto kong masilayan Ng malapitan ngunit ngayo'y may iba Ng nagmamay-ari. Gustong gusto kitang hagkan Ng mahigpit ngunit para Isang Pangarap na Lamang na sana'y ako ang nasa iyong piling,sa iyo'y nagpapasaya at mamahalin ka ng sobra sobra higit pa sa buhay ko. Pero hindi ako mawawalan Ng Pag-Asa na ika'y babalik pa sa piling ko Sinta, na magiging akin ka din ulit sa Tamang Panahon, at pag dumating yun wala Ng Sinuman o anuman ang makakapaghiwalay sa atin.Dahil Kahit paulit ulit Mangyayari to sayo pa rin titibok ang puso ko.
BINABASA MO ANG
Sayo Lamang
Short StoryMagkahiwalay man tayo Ng ilang taon pinagtagpo pa rin tayo Ng tadhana sa ikalawang pagkakataon. *sayo Lamang * ilalaan ang pag ibig na Tunay.