The Phone Call - Feat. JuliElmo

6.6K 92 30
                                    

Mabilis na dinial ni Julie ang number ng kaibigan nya. Hindi pa man nakaka-pag salita ang nasa kabilang linya, dali-dali na syang nag kwento.

Julie: Maqui, hindi ko na alam kung anung gagawin ko. Mahal na mahal ko si Elmo and I don’t think ganun din ang nararamdaman nya saakin. I mean, sa tuwing nakikita ko sya, hindi ko mapigilan ang mapangiti. Minsan nahuhuli nya akong nakangiti sa kanya. Ngumingiti rin naman sya saakin kaya naman nanlalambot ang mga tuhod ko at parang may butterflies ako sa stomach. Alam ko iniisip mo rin na cute and adorable sya pero if you look past that, at pinakinggan mo yung sinasabi nya parang ibang tao sya. Elmo is so caring and considerate at feeling ko parang hindi ko deserve ang isang katulad nya. Well, sa totoo lang, hindi ko talaga sya deserve. Masyado syang perfect. Tignan mo na lang lahat ng babaeng nagkakandarapa sa kanya. Never akong magiging kagaya nila, magaganda at sexy sila..ako hindi. Gusto ko sanang i-compare ang sarili ko sa kanila, pero ang layo, sobra. Pero sa tuwing naiisip ko si Elmo, hindi ko talaga mapigilang mapangiti ng sobra. Hindi ko pala na-ikwento sayo nung isang araw, tinawagan nya ako tungkol sa upcoming project namin. Sinasabi ko sayo sobrang nakakahiya talaga ako. Nabubulol ako the whole time na magkausap kami kasi nga kaming dalawa lang diba? Pero napaka-sweet nya kasi instead na pagtawanan nya ko, tuloy parin yung pag uusap namin and he made me feel better. Haaayy, Elmo is so perfect talaga, Maqui. Hindi ko talaga sya deserve. Pero bakit I keep wishing and praying na mapansin nya ko? Bakit?!?!?… Maqui? Maqui andyan ka pa ba?

Person on the other line: Hindi si Maqui ‘to.

Julie: (nagtaka) Huh? Eh, sino pala ‘to?

Elmo: Ako yung guy na nagpapalambot ng tuhod mo sa tuwing nginingitian ka.

Julie: (In mind: Elmo?!? holy crap!!!)

Elmo: Gusto ko lang sabihin na lahat lahat ng sinabi mo ngayon, yun ang mga salitang matagal ko ng gustong sabihin sayo nung una palang tayong magkakilala. Naunahan mo lang ako.

Julie: (speechless at sobrang wagas ang kilig)

The End

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 30, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Phone Call - Feat. JuliElmoWhere stories live. Discover now