7

47 4 0
                                    

Lei

Nagising ako ng naramdaman kong tumama sa mukha ko ang sikat ng araw na tumagos sa bintana. Mga 7:15 umalis ang bus sa terminal at medyo matraffic na kaya napansin kong sa isang oras at 30 minuto na tulog ko eh nasa Maynila pa rin kami.

Sa wakas ay tinapunan ko na ng tingin ang kasama ko. Naka-black ito na sweater at naka-gray na jogging pants. Tas yakap-yakap niya yung bagpack niya.

Tulog pa siya. Nakataas pa rin ang buhok niya tulad nung mga araw na nakikita ko siya. Maputing-maputi ito. Kung gising siya ay napakasuplado ng mukha nito pero kung tulog eh napakaamo.

Nakaharap eto sa akin habang natutulog. Kaya kitang-kita ko ang bawat detalye ng mukha niya. Gwapo pala siya kung titignan maigi. Maganda ang pagkakahulma ng panga niya. Yung mga pilik-mata niya ay mahaba.

Lumapit ako ng konti dahil may naamoy ako sa kanya.

Lumapit pa ako ng konti sa may bandang leeg niya. Uy ang bango ha.

Ay ano ka ba naman Adelyda, ano ba ginagawa mo. Behave!

Nang lumayo na ako ay napatapat ako sa mukha niya ng sobrang lapit na nagtatama na ang mga ilong namin at nakatingin sa akin ang mga mata niyang sadyang suplado.
.
.
.
.
.
.

Teka

"Aaaaaaaaah!" Sigaw ko at tumama ang batok ko sa bintana.
Pero siya ay nakatingin pa rin sa akin at nagtatanong ang mga mata niya na what-are-you-doing? At nakakunot ang noo nito, hala ang suplado ng mukha huhu.

Ano Adelyda isip palusot!
"M-may langgam sa may leeg mo, tas ano tinignan ko kung buhay pa. He-he" kunwaring tawa ko. Maniwala ka please.
"Tala-"
"Ma'am, Sir ano po ang problema?" Tanong ng kundoktor sa amin.

"Ah w-wala kuya hehe sige tulog na ulit ako bye hehe" at hinarap ko sa bintana ang katawan ko at nagkukunwaring natutulog.

Makina ng bus, kainin mo ako huhu.

Seb

"Malapit na po tayo sa stop over, yung mga iihi po at gustong kumain pwede pong bumaba. 30 mins. lang po dahil isang stop lang po at wala ng susunod." Anunsyo ng kundoktor sa harapan.

Nilipat ko tingin ko kay Lei. Tulog ba ito o nagtutulug-tulugan dahil sa ginawa niya kanina.

Parang gusto nanaman niya ako nakawan ng halik. Di naman niya kailangan nakawin, ibibigay ko naman.

Ay ulol Sebastian tumigil-tigil ka nga.

"Lei, kung gusto mo kumain b--"
"Tara!" Maligayang bungad neto.
Tumayo na ako at nakasunod siya pagbaba namin.

Nagtungo kami isang sari-sari store at bumili ng cup noodles at chichirya.

Nagpaalam si Lei na magsi-CR. Pero sabi ko sa loob na lang kami ng bus magkita at pumayag naman siya.

Mabilis lang ako bumili para sa loob na lang kami kakain.

Natanaw ko siya na palabas nung mall.

Medyo nagpagewang-gewang ang lakad nito at napahawak sa sentido.

Napatigil siya sa paglalakad.

At bigla itong bumulagta. Napamura ako at kumaripas ng takbo paea makarating sa kanya.

Agad kong ipinatong ang ulo siya sa hita ko.

"Lei! Lei! Gising!" Di ito nagrerespond. Agad ko itong binuhat. At may mga mabuting loob na nagdala sa amin sa isang clinic.

Inilapag ko siya sa kama at lumapit ang mga nurse para tignan ang lagay niya.

Sana okay lang siya.

...

Lei

Nagising ako at bumungad sa akin ang puting kisame.

Pinilit kong bumangon ng may maramdaman akong kamay na pumigil sa akin.

"Magpahinga ka muna." Paglingon ko nakita ko ang nagaalalang mukha ni Seb.
"Anong nangyari?" Tanong ko at umupo na ako.

"Bigla ka na lang nahimatay, gutom ka  ba?" Sabi niya. Kasama na sa sakit ko yun, fatigue. Di lang naman to yung unang beses na nawalan ako ng malay.

"Ah oo, kain na tayo." Paglulusot ko.

...

Kumakain kami ngayon sa isang karinderya.

"Edi naiwan tayo ng bus?!" Tanong ko habang punong-puno ang bibig at may nagtalsikan pa sa mukha ni Seb.
"Oo nga, kulit." Suplado mode nanaman siya huhu.

"Eh pano tayo niyan." 1 hr pala akong tulog eh yung binigay nung kundoktor na limit sa stop over eh 30 mins. lang.
"Di ko rin alam, pero may mga bus naman dito na papuntang Lucban eh." Sabi niya habang ngumunguya.

Tumango na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"By the way, bakit ang dami mong pasa sa katawan?" Napatatigil ako sa pag-nguya. Kasama rin yun sa mga taong may leukemia.

"Uy may bus na papuntang Lucban!" Mabuti na lamang ay dumating na ang bus nasasakyan namin at nawala na sa usapan namin yun.

Ayoko talagang pag-usapan ang bagay na yun kasi gusto ko sulitin ang buhay ko na hindi nangangamba na baka mapaaga yung taning nung doctor.

...

The bucket-listTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon