8

53 3 0
                                    

Lei

Nandito na kami sa may paanan ng aakyatan naming bundok, Mt. Banahaw.

Natanaw ko ang grupo ng mga hikers na sasalihan namin.

"Valeroso!" Tawag ng isang lalaki na siguro nasa 20's. Nakasuot it ng gray t-shirt at black jogging pants.

"Valeroso ka din." Sagot niya ng wala man lang expression sa mukha.
"Lei, my brother." at tinignan ko yung lalaki. Brother? Nakangiti? Wow.

"Charles, nice to meet you." At kinamayan ako nito.
"May girlfriend ka na pala ha." Kumunot ang noo ko.

"Wala akong girlfriend." Sabat nito.
"Whatever." At may iginiya itong babae na maputing maliit na chubby.

"This is Jodie, my girlfriend." At ngumiti naman ng matamis ang babae at sinuklian ko rin ito ng ngiti.

"So guys listen up, our group is consist of 6 members, Seb and Lei, Jodie, Isabel, Austin and Me. Always follow me para di tayo mahirapan, okay ba?" Pagkatapos itong ianunsyo ng kuya ni Seb ay nagumpisa na kaming kumilos.

Meron kaming stop over para magpahinga o kaya kakain.

Ala-una na nung tumigil kami para magpahinga ng naramdaman ko na may tumabi sa akin.

"Hey." bati ni Charles.
"Hi." Tipid kong bati pabalik.

"Alam mo buti nahatak mong magmountain climbing si Seb. Napakabihira niyan lumabas ng bahay eh. Sasama lang yan sa labas ng bahay pag kasama mga kaibigan niya."
Pakikinig ko.
"Walang ibang inatupag yan kundi magdrawing o kaya magchess." Pagtuloy nito.

"Ganun ba? Buti pala pumayag siya." Tugon ko. Kinuha ko yung bote ng tubig ko at uminom.
"Girlfriend ka ba niya?" Nasamid ako sa tanong niya.

"Hindi nga kuya haha." Loko kulit nito ah.
"Eh kasi bakit naman napakadali sayo na kaladkarin siya sa ganitong activity." Pagtataka nito.

"Pero sige, puntahan ko na girlfriend ko, and call me kuya Charles okay?" Kumindat ito at umalis. Napakaopposite nilang magkapatid.

Ang daldal nitong kuya niya pero siya napakatahimik at di pala kibo. Palangiti kuya niya pero siya laging nakapokerface. Mas gwapo ang kuya niya sa kanya kaso bakit mas magandang tignan si Seb?

"Kumain ka na ba?" Halos mapatalon ako sa gulat ng tumabi sa akin si Seb. Para siyang ninja wtf biglang sumusulpot ng di mo alam kung kelan.

"Oo kanina." Sabi ko.
"Baka mahilo ka nanaman, kumain ka ulit."
"Hoy tama na madami na pinakain yung girlfriend ni kuya Charles sa akin." napakunot ang noo niya.
"Kuya?"
"Oo, sabi niya eh." Sabi ko ng nakangiti.

"Tss. Whatever." Sabi nito at tumayo.

Nagsimula na ulit kaming maglakad.

Tumigil lang kami nung 7 na ng gabi. Nagtayo kami ng tent. Ang mga kasama ko sa tent eh yung kaming mga babae at sa kabila naman ay grupo ng mga lalaki.

Gumawa sila ng bonfire at kumain kami. Pagkatapos nun ang pumasok na kami sa tent at natulog dahil maaga pa kami para bukas.

Kaso 11 pm na at lahat-lahat ay hindi pa rin ako makatulog. Ang bilis ng oras.

Lumabas muna ako ng tent at umupo sa tapat ng bonfire.

Kung ano-ano nanaman ang pumasok sa isip ko. 1 month and 19 days na lang pala ako mabubuhay. Dapat sa loob ng mga panahon na yun, makita ko na si papa at magawa lahat ng nasa listahan ko.

Tumigil ako sa pagiisip ng narinig kong bumubukas ang tent ng mga lalaki.

Iniluaw non si Seb. Mukhang hindi rin siya makatulog.

"Ikaw din?" Tanong ko.
"Obviously." Tipid na sabat nito.

"Lamig ng hangin no?"
"Yep." He answered.

"Seb."
"Hmm?"
"Have you ever been inlove?" I asked.
"Nah."
"Bakit naman?" Tanong ko.
"It's just a waste of time." At tumango ako.

"Ikaw? Nainlove ka na ba?" Tanong niya. Napalayo ang tingin ko.

Naka-move on naman na ako pero siyempre malaki ang epekto sa akin num.

"O-oo." Tipid kong sagot.
"To whom?"
"Sige ikwento ko sayo." At nakita kong ipinako niya ang tingin niya sa akin. Tinignan ko yung mga bituin sa langit.

"There was this guy, si Julius. Hindi naman naging kami pero pinaramdam niya na meron. I invested my time, effort and feelings. But it turns out hindi naman pala talaga ako ang gusto niya. He acted like nothing happened. And i also acted like nothing happened. But the truth is, i'm shattered in pieces. Years passed, I already moved on. Pero yung epekto nun, andito pa rin" pointing my chest. "So i'm scared in taking risks because it didn't turned out well." Nagbuntong hininga ako at tumingin ako kay Seb.

Nakatingin siya sa akin ng walang emosyon.
"That asshole." Yung lang ang sinabi niya pero ramdam mong may galit.

"Uy, chill matagal na yan eh." Medyo natatawa kong turan.
"But it left you an emotional scar." Seryosong saad niya.

"Oo, pero wala naman na tayong magagawa."
"Tss." Inis niyang turan.

Sus akala mo siya yung pinaasa eh hahaha. Medyo nakakaramdam na ako ng antok kaya tumayo ako at uminat.

"Tulog na ako. Goodnight, Seb." At dumerecho ako sa loob ng tent.

Bago ko pa man maisara yung zipper ng tent.

"Wait."
"Yes?"
"Night, and uh- sweetdreams." Agad siyang kumilos ng mabilis papasok ng tent.

Oh okay.

At tinuluyan ko ng isara ang zipper ng tent.

Humiga na ako sa tabi ni ate Jodie.
"Sweetdreams din." Sabi ko sa sarili ko habang nakangiti.

At tuluyan na akong pumikit.

...

The bucket-listTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon