Pinakinggan na namin ang rules and regulation na sinasabi ni ma'am herra. medyo matagal din bago natapos si ma'am."Okay class magpapakilala kayo isa isa simulan natin kay Ms. Franklyn" sabi ni Ma'am herra.
Sinimulan na ni jermine ang pag papakilala. Bago din si Maria Jermine Franklyn mukha naman syang mabait pero sana maging kaibigan namin sya. Buti na lang talaga pangalawa ako sa dulo kasi ayaw ko talagang magpakilala. Habang hinihintay kong matapos na lahat tinignan ko si rose at may sinusulat sya sa papel.
"Ano yan rose?" Tanong ko sa kanya
"Psssh! Wag ka maingay sinusulat ko yung sasabihin ko" pagpapaliwanag nya.
"Kailangan pa ba yan?" Tanong ko ulit
"Dipende kong gusto mo" sabi nya at pinagpatuloy ang pagsusulat
"Ewan ko sayo" sabi ko sa kanya.
Tumingin na ako sa harap at nakita kong si stefhane na ang susunod na magpapakilala. patay kang bata ka katabi nya lang ako edi ibigsabihin ako na ang sunod kinakabahan ako. Habang nagaalala ako di ko na malayan na ako na pala ang susunod na magpapakilala.
"Amara ikaw na" sabi ni stefhane sabay kalabit sakin.
Tumayo ako at nagsimulang maglakad papuntang harap hala ka lagot ang lola mo nangangatog ako. Nang nasa harap na ako huminga muna ako ng malalim bago nagpakilala.
"Hi! Good morning I'm Amara Bailey Smith you can call me Amara I'm 15 years old and I love singging and dancing that's all thank you" ewan ko ba kung bakit yun yung sinabi ko. Okay na yun atlis tapos nako magpakilala. Pagkatapos kong magsalita agad naman silang nagpalakpakan kaya agad agad akong naglakad para umupo na. Susunod na si rose sya naman excited na excited pumunta na sya agad sa harap at nagsalita.
Rose's Pov
"Hi! Classmates ako nga pala si Rose Marie Gonzales, I'm 15 years old ang faborito kong kulay ay violet at mahilig akong kumanta katulad ni Amara hahaha yun lang" pag papakilala ko.Pinalakpakan ako ng mga classmate ko di ko nasabi yung sinulat ko ano bayan nasayang effort ko hay nako okay na nga yan. Naglakad na ako pabalik ng upuan ko nako lagot ako kay amara ang sama ng tingin sakin huhu! lord tulungan moko.
"Huy! Rose bakit ako nadamay sa mga sinabi mo?" Sabi nya
"Sorry naman bessy wag mokong sasaktan hah bata pako, wala na kasi akong maisip eh sa subrang excited ko nakalimutan ko na yung sasabihin ko" pagpapaliwanag ko
Naputol ang paguusap namin ng biglang tinawag ni ma'am si amara.
Amara's Pov
Akalain mo may hiya palang tinatago tong si rose. Magsasalita pa lang ako ng tinawag ako ni Ma'am herra. Bakit ba sa tuwing magsasalita ako may sumisingit hay nako.
"Amara ka ano ano mo si King Smith?" Tanong ni ma'am sakin.
"Kuya ko po sya ma'am" sabi ko
"Ah okay " yun na lang ang sinabi ni ma'am
Bigla na lang nagbulungan ang mga classmate namin well ganyan lang naman kasikat ang mapangasar kong kuya. Pati yata si ma'am herra may gusto kay kuya walastik talaga tong si kuya, di ko naman matatanggi gwapo naman kasi talaga si kuya. Na pagtingin na lang ako kay rose tuwang tuwa sya parang bata ano kayang nagyari sa kanya.
"Rose okay ka lang para kang baliw dyan?" Tanong ko sa kanya
"Eh kasi recess na haha! kaya pwede nakong kumain" sabi nya
"Kala ko kung ano na nabaliw kana dyan pagkain na naman nasa isip mo maghintay ka naman" sabi ko
"Oo na" sabi nya sabay pout
Ang cute nya pag ganyan sya. Kinuha ko na yung wallet ko sa bag at hinintay ko silang dalawa na kumuha din ng wallet nila.
"Guys tayo na sa canteen" sabi ni stefhane
"Sge" sabi ko
"Yey!! Recess na " tuwang tuwang sabi ni rose
Nauna na si rose sa paglalakad para syang bata na tuwang tuwa kasi excited na daw syang kumain kahit kailan talaga puro pag kain ang gusto nya kala mo di kumain ng isang taon
*Sorry mga bessy ito lang ang Ud ko may sakit kasi ako ngayon at yan lang din ang inilabas ng imagination ko.
- Author😚
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY Inlove with a BadBoy (On-going)
Novela JuvenilKwento ito tungkol sa isang babaeng Hindi naniniwala sa LOVE simpleng babae lang sya meron syang tatlong Bestfriend na subrang gulo at Meron syang masayang family Maniwala kaya sya sa love pag nakilala na nya si the one? Makahanap pa kaya sya ng m...