untitled

9 0 0
                                        

Para sa aking mahal
isang tula ay iaalay
Damdaming di masabi
Salitang di mabanggit
Idadaan sa letra
Idadaan sa pagka matalinghaga

Naway liparin ng hangin itong saloobin
Patungo sa lugar kung saan ikaw ay nakatingin
Baka sakali ito ay iyong mapansin
Ibubulong sa langit ang hinaing
Kasabay ng pagbagsak ng ulan
Baka sakaling ito ay iyong marinig

Sa pagsikat ng araw,
Ay ang pagasang umaga para satin
Sa lamig ng hangin,
Yakap mo ang tanging hiling
Pipikit, pipikit, pipikit
Baka sakaling sa pagmulat ikaw ay kapiling

Sa dilim ng gabi
Ikaw ang syang nagbigay liwanag
Bwan na nagbibigay ilaw
Bituwin na syang pinapangarap
Muli ay titingala, ngingiti na lamang
Tatanggapin na sa malayo ka lang pwedeng pagmasdan

Dadamhin ang hangin
Alalahanin ang umaga
Pagmamasdan ang gabi
Ako ay muling pipikit
Dahil aking batid
Mahal ko ay sa panaginip ko na lang makakapiling.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

random thoughts....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon