Simula:

17 4 25
                                    

"Lord bakit ganito,pagpalain mo man lang sana ako ng kahit ni isang pagpapala,wala na ngang mukha,wala pang ni isang kusing,at higit sa lahat WALA PANG BOYFRIEND.",palangin ko habang nakaluhod dito sa isa sa mga upuan dito sa simbahan.

"Pero okay lang yun handa naman po akong maghintay,baka balang araw darating din yan sakin.",matapos kong sabihin yun ay nagsign of the cross na ako bago lumabas ng simbahan.

"Oh tapos ka na?.",bungad sakin ni Seira nang makalabas ako.Oh yeah hindi man lang ako sinamahan ng babaeng ito sa loob,tinatamad daw kasi siyang pumasok,napakawalanghiya talaga kahit kelan,may balak pa siyang tamarin sa loob ng simbahan,nakakagago.Inismiran ko lang siya at naglakad palayo.

"Hoy,wala kang balak sumabay sakin Ariela Faye Starr,sige ka malate ka niyan,tic tac tic tac,3 minutes left,Im waiting,baka magbago ang isip ko at iwanan kita dito.",lumingon ako dahil palagi akong talo.She's unbelievable.

"Tsk...ang daming arte,sasabay din naman pala.",inirapan niya ako.Cactus for her.Galit akong tumingin sa kanya.

"Wag kang magalit mas lalo kang pumapangit.",sabay hagalpak ng tawa niya.Nakakainis!,alam ko!,bakit kailangan niya pang sabihin.Ipapalandakan niya pa talaga sakin kung gaano siya kaganda at pagpiyestahan ng mga kalalakihan sa campus namin.Mayaman siya at maganda kaso nga lang mapanglait.Kung gaano siya kaganda ganun naman kapangit ang ugali niya.Hindi ko nga alam kung bakit naging bestfriend ko to eh,ang laki ng kaibahan namin.Nasa langit siya nasa lupa ako.Maybe because she's my childhood bestfriend.

Pinatunog niya ang magara niyang kotse at pumasok ako doon.Hayst ang swerte niya talaga sa buhay,kaiingit!.

"Psssh...ano na naman ang ipanalangin mo doon sa loob.",panimula niya habang busy sa pagdadrive.

"Wala ka ng pake tungkol dun.",walang gana kung tugon.

"Haha,hula ko,sana magka boyfriend na po ako Lord,yung magmamahal sa akin ng tunay,pashnea,wala ng ganun,pwe!.",parang diring diring amp*ta.Eh pakialam niya ba.

"Eh ano naman ngayon,kapag napatunayan ko yan,who u ka sakin.",sagot ko habang turo turo sa mukha niya.

"Kapag hindi babatukan kita.",ngisi niya.Eh batukan mo!.-

"Ewan ko sayo!.",irap ko sa hangin.

"Sus,wag kang mag inarte ang pangit mo kaya.",eh ano naman ngayon!.tsk...nakapang iinit ng ulo,kanina pa siya sa pangit na yan.

"I know right!,wag mo ng sabihin,wala akong magagawa kong pangit ako.",sabay pout ko.Eh ang pangit ko naman kasi talaga.Kahit ganyan si Seira mahal ko parin yan,siya lang kasi ang kaisa isang taong may ganang samahan ako at kausapin sa campus namin.Eh yung iba kasing mga estudyante ang layo ko pa lang sa kanila diring diri na,mukhang susuka.Kaya nagpapasalamat ako sa kanya kasi nandyan siya lagi sakin.

"Eh bakit kasi ayaw mong sundin yung sinabi ko sayong magpaganda ka.",seryoso niyang tugon.

"Alam ko naman na kahit magpaganda ako walang mababago sa itsura ko at wala din akong pera pambayad kung sakali.",simangot ko.

"Tutulungan naman kita eh...tsk..mapride kasi.",seryoso parin siya.

"Nakakahiya na sayo Seira,marami ka naring naitulong sakin.",lingon ko sa kanya.

"Hindi naman ako humihingi ng kapalit.",she said.

"Kahit na.",sagot ko.Natahimik kami ng ilang minuto at sa wakas narating namin ang Skylight Academy.Pinark niya muna ang sasakyan niya at sabay kaming naglakad papasok.Tilian na agad ang sumalubong samin.

"Ano na naman toh.",naiiritang sambit ni Seira.Nakikisiksik kami sa mga studyanteng nakapalibot.Ano naman kaya ang meron dito?.

"Tsk..another girl.",bulong ko sa hangin.Mukha na agad ng lalaking yun ang nakita ko,walang iba kundi si Ash Adam Smith,walang ginawa kundi saktan ang damdamin ng karamihan sa babae dito.Hes kind of jerk and a playboy.Kitang kita ko naman ang babaeng nakaluhod sa harapan niya,nagmamakaawa sa gagong yan.

"Stupid.",sabi ko sa isip.Bakit kailangan niyang magmakaawa sa lalaking yan.She's out of her mind.Hindi na dapat binibigyan ng pansin ang mga lalaking yan.

"Ash please,wag mo namang gawin sakin toh.",pagmamakaawa ng babae.

"Do I know you?,wag ka ngang mag assume na naging tayo.",sabay basa sa ibabang labi niya.Fucking asshole.

"Dont deny it,merong tayo,may nangyari na nga satin.",shit!.Sari saring bulungan ang pumaimbabaw sa paligid.Yung iba nakatakip sa bibig.

"I dont remember,kung sakali man na may nangyari satin kagustuhan mo yun,not me.",sagot ni Ash.

"Your such ahh..",sagot nung babae at agad tumakbo paalis.So embarrasing,pinapahiya niya lang ang sarili niya.

"Nice one bro.",sabi ng isa sa mga barkada ni Ash.They are all bad boys.Humagalpak sila sa tawanan at umalis narin.

DAMN PLAYERS!

"Lets go.",hinila ako ni Seira papasok sa classroom namin.

"Napakawalanghiya talaga ng lalaking yun.",saad ko.

"Wag mo ngang sabihin yan,yung babae kamo,ipanaglalaban niyang sila ni Ash pero hindi naman talaga,such a bitch.",Is she's out of her mind.Yung lalaking yun pa talaga ang ipinagtatanggol niya.

"Bakit mo ba siya pinagtatanggol,nakita mo naman diba.",yeah I admit I am a little bit sensitive,madali akong mapikon.

"Pumasok na nga lang tayo,pag aawayan pa natin ang ganyang bagay.",change topic siya.Nagkibit balikat lang ako at umakyat na kami ng classroom.

Enjoy reading!,hope magustuhan niyo ang kauna unahang gawa kong story,newbie pa lang po ako,hope you enjoy it!.










"
























Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Half  CrazyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon