Siguro alam mo na
Na mahal daw kita
Wag kang umasa
Baka niloloko ka lang nila
Huwag kang magpauto
Ako ba sila?
Hindi naman diba?
Huwag kang maniwala
O kung gusto mo
Maniwala ka nalang,
Yun ang gusto mo diba?
Ang makarinig ng hiyawan habang ika'y dumadaan
Pa-famewhore ka kasi
Pasikit at napakaarte
Akala mo siguro may gusto ako sa'yo
Di naman ako ganon ka bulag para mabighani mo
Sino ka ba?
At sa tingin mo'y kaakit-akit ka?
Ganda, postura at pera lang naman ang iyong lamang
Sa mga karaniwang babaeng madalas kong maging kasintahan
At kung tutuusin,
Ang laman ng iyong utak ay puro lang naman hangin
Ano pa ba ang magiging resulta
Ng isang babaeng tulad mo na puro lang paporma
Baka akala mo gusto kita,
Ang hindi mo alam
Napagtripan ka lang ng tropa
At ang masama pa,
Ako ang napili nila
Upang gawing kasintahan ng tulad mong tanga
Nang magkaroon ako ng oras,
Ikaw agad ang una kong tinuklas
Sinundan kita
Pero hindi mo man lang ako nahalata
O kaya'y nakita
Isang araw nagpakilala na ako sa'yo
Ano pa ba ang silbi kung patatagalin ko pa to?
Isang tanong, isang sagot
"Pwedi bang manligaw sa'yo?"
Tumawa ka lang
At sinabing
"Sure"
Easy diba?
Parang instant noodles lang,
Mag-antay ka lang ilang minuto
Mag-syota na kayo
Binalita ko to sa tropa
At ang sabi nila?
"Idol, paturo naman ako"
Ulol niyo mga gago