Dear diary,
Time Check: 8:00 AM (Buwan ng Wika)
Malapit na kami mag-perform. Doxology pa lang naman to, hindi pa yung mismong contest. Pero... KINAKABAHAN AKO LIKE HELL! Paano kung magkamali ako? Or makalimutan ko yung ibang steps? Nakaka-stress! Juice colored!! Pero sana manalo kami sa contest mamaya... May contest kasi ang lahat ng sections ng lahat ng grades, the whole section will either sing, dance, declaim, or kung ano pang talent na kayang gawin ng buong section as a group. Ang gagawin ng section namin ay isang skit. Hindi kami nagpa-practice dito sa school, patago lang kami mag-practice. Kahit kahapon nung rehearsals, hindi kami sumayaw... Para surprise! Ayy! Magdo-doxology na kami... Maya ulit!
–•–•–
Sana talaga manalo kami! Break time namin ngayon, 5 minutes left. Minamadali ko na talaga ang pagsusulat para sulit! Maya na nga ulit! Badtrip! Feeling ko mapuounit na ang page na to!
–•–•–
Diarrrryyyyyyyy!!! Tapos na ang performance namin! Ibang sections na ang magpe-perform ngayon. 12 performer kami out of all 18 sections.. Sana awarding naaa!! I'm excited... And also very nervous!
–•–•–
Kyaaaaaahhh!! Awarding na shooooooocccckkkssss! Ang babanggitin na na grade & section ngayon ay ang champion... Buong section namin ay sunisigaw ng 11-CRYSTAL!
Emcee: The grade & section that I will announce will be the champion!
Hindi yan ang exact niyang sinabi... Pero parang ganyan na rin...
11-Crystal: 11-Crystal! 11-Crystal!! 11-Crystal!!!
Emcee: Huh? Ano kayang babanggitin kong grade at pangalan ng section? Hmmm?
11-Crystal: 11-CRYSTAAALLL!!!!
Emcee: You're right... You may now have your breaktime...
All students: NOOOOOO!!!!
Emcee: You're right!! 11-CRYSTAL!
11-Crystal: YYYEEEEESSSSS!!!
Me to Tropa: PANALO TAYOO!!
De to Tropa: CONGRAAATS!
Buong tropa: *Group hug*
Me to De: Panalo tayo De! Yieeee! *Niyakap si De*
De to Me: Panalo tayo! Waaaaaaahhhhh!!!! *Bumawi ng yakap*
Lou:
You're the apple to my pie
You're the straw to my berry
You're the smoke to the high
And you're the one I wanna marry
Me & De to Lou: *Sinamaan ng tingin. Binatukan*
BINABASA MO ANG
Walang Forever ✔️
Teen FictionNagmahal ka na ba ng taong alam mong iiwan ka lang din pala at hindi ka na babalikan pa? Kahit gustong-gusto niyang bumalik, pero... hindi talaga pwede... Kasi hindi niya alam kung paano... Kung paano pa siya babalik sa lupa. Kahit anong pilit mo...