Chapter 02: How to be BlackWeak?
(A/N: Puro company pa lang po yung mapag-uusapan dito. Pasensya na wala pang pumapasok na ideya sa akin eh)
Xander's POV
4 na taon na yung nakalipas simula ng mawala siya. Hindi pa rin ako makapaniwala. Fresh pa din kasi yung mga ala-ala.
Madaming nagbago sa buhay na ginagalawan namin. Gaya ngayon, girlfriend ko si Koreen.
Hindi ko alam pero parang natatali lang ako sa isang klaseng relasyon. Feeling ko kasi ako lang yung nagmamahal.
Nagpunta na ako sa office ko. Nagtatrabaho na ako. Pero hindi pa sa akin binibigay yung kompanya, malamang si Val yung pagbibigyan nila.
Nabanggit ko na siya sa inyo dati. Siya si Vallery Mander Wright. Kapatid ko. Naging dahilan kaya hindi ko kasama sina mom at dad. Kung bakit? Basahin mo yung book 1 para malaman mo.
Kasama ko sina Dad at Mom dito. Pero nakatira pa din ako sa Mansion.
Agad ko ng inayos yung mga files.
"Uhmm, sir. Appointment with Mr. Sison and The New CEO of The AES Cor." sabi nung secretart ko."Uh, yes. Papunta na" sabi ko.
Nang makapunta na ako sa office, ako na lang pala ang hinihintay. Nandito na sina Dad kasama si Tito Dren. Dad ni Dwayne.
Nga pala, di ko pa ba nasabi sa inyo na simula ng mawala si Kyrille ay lumipat na din si Dwayne?
Bumalik na siya sa bahay nila at dun na tumira. Lagi niya akong iniiwasan.
Hindi lang naman siya eh, silang tatlo. Una siyang umalis tapos sumunod si Drake. May kailangan daw siyang asikasuhin sa states. Nanduon ang company nila eh.
Si Zich naman, pinauwi na din ng Mommy niya pero lagi pa rin namang bumibisita sa amin. Ako lang ang hindi umalis.
Bakit? May babalikan ba ako?
Atsaka, mabuti na iyon para kasama ko yung girlfriend ko sa iisang bahay.
Inihanda ko na yung presentation na ginawa ko. Nang magsalita si Mr. Cuizon.
"Kahit ano pang gawin niyo. Mapapabagsak pa rin kayo ng 3M Inc."
Agad namang napatingin sa kaniya sina Dad at Tito halos lahat kaming nandito.
"Kung nandito ka lang para asarin kami, lumayas ka na. Atsaka hindi ka naman kasama sa meeting na ito ah?" Biglang sabi ko pero hindi niya sinagot yung tanong ko.
"Kung ayaw niyong makuha nila ang kompanya niyong ito. Mas mabuti pang bilhin ko na lang ito. Name your price" sabi ni Mr. Cuizon kay Tito Dren.
Agad akong napatulala. Mas mayaman kami sa kaniya dati pero ngayon, siya na yung mas mayaman?
"Haha! Nagpapatawa ka ba? Sa tingin mo mabibili mo itong company namin ng ganun ganun lang? Eh pano kung sabihin kong $900,000,000,000,000 yung price. Mabibigay mo ba? Bagsak na nga iyang kompanya mo diba?"
BINABASA MO ANG
Book II: Love The Way You Die #YourChoice2018
RomanceHighest Rank #19 in Action/June-06-17 This is the Book 2 of The Gangster Heiress/ Love The Way You Lie. On-Hold po muna itong story due to some reasons and privacy concerns. tsaka focus muna ako sa study ko. Salamat sa lahat ng sumuporta.