Chapter 13: The Unexpected Enemy from Istatum
***
JULIAN's POVNasaan na ba si Migrid?
Usapan, alas onse, magkikita kita kami dito sa tapat ng meeting room at may gagawin kami. Pero, ala-una na, wala pa rin sya.
"Julian, nasaan na si Migrid?" iritadong sabi ni Queen Royal.
"Hindi ko po alam. Wala po sya sa dorm nung nagising ako." paliwanag ko.
"Sana naman, walang nangyaring masama kay Migrid." nag-aalalang sabi ni Mildred.
Wala nga ba?
***
MIGRID's POVNasaan ako?
Pagtingin ako, nasa malawak akong silid na may bookshelf sa may kanang bahagi ng kwarto. Naka aircon din ito kaya medyo makapal ang kumot na nilagay ng kung sino sa akin.
Pero, sinu nga ba?
Umupo na ako nang maayos. Kinakabahan ako. Una, kinakabahan ako kung nasaan ako. Pangalawa, yung sa pagbigay ko ng kapangyarihan ng kalikasan sa di ko naman gaanong kilala.
Describe Migrid Aguas: Tanga.
Oo. Tama ang nakikita nyo. Walang halong kasinungaligan ang limang letrang nakikita nyo sa itaas. Oo. Tanga ako.
Biglang bumukas ang pinto na kinagulat ko. Pagkatingin ko sa mukha..
"Buti naman at gising ka na. Tara. Kailangan ka na ng hari," sabi ng isang tagapaglingkod.
Tumayo na ako at nag-ayos. Ilang sandali pa, umalis na ako.
***
"Dito," aniya.Lumapit ako sa parteng itinuro niya. Dahan-dahan akong lumakad dahil sa presyon at kaba na humahalo sa hangin na aking binubuga.
"Migrid," ani Hari.
Pamilyar ang kanyang boses. Parang narinig ko na to eh. Teka..
"Mr. Marasigan?," tanong ko.
Tinanggal nya ang kanyang hood. Sinasabi ko na nga ba. Si Mr. Geronimo Marasigan nga.
Pero, nasaan ako?
"Nasa Istatum ka," simpleng sagot nya.
Yan na namam ang makapanindig balahibo nyang mind reading.
"Anong ginagawa ko dito?," tanong ko. Bumaba sa ng isang hagdan mula sa trono nya.
"Mamaya lang ay malalaman mo," aniya.
Mainit dito sa Istatum. Nakapaligid ang sandamakmak na mini bonfire sa bawat sulok ng punong bulwagan. May mga nakasabit din mas maliliit pang mini bonfire sa taas.
It's so hot.
Pinaupo nya ako sa kaliwa nya. May isa ring upuan sa kanan nya at may apoy din ito sa gilid. So it means, may apoy din ako sa gilid ko.
Hindi naman sila masyadong mayaman sa apoy.
"Mire ive bularmi iyo kesni (Tawagin nyo ang aking anak)," ani Haring Geronimo.
Masikip ang espasyong kinaroroonan ko. Konting galaw ko lang, baka mapaso ako sa apoy na siguro, 1 inch lang ang layo sa akin.
May makisig at matangos ang ilong na lalaki ang nakapagpa hawi sa batalyong tao sa punong bulwagan ng Istatum. Ka-kulay nang kanyang damit ang damit ng hari ang suot nya.
Pamilyar ang mukha nya.
Parang..
Teka...
"Prince Jordan?" I asked. Bakit sya nandito? Diba sya ang lider ng konseho? E bakit nandito sya?
YOU ARE READING
Royal Academy: Earth VS. Fire (On Going)
FantasiAre you finding a magical academy whose queen and king ruled by it? An academy which is not as ordinary as any other school? Well. You find the right place to study on. Welcome to ROYAL ACADEMY.