Chapter 3

2.2K 160 44
                                    



Oath of Love
Written by Yuan

Kabanata 3

Abala ako sa pwesto sa palengke dahil dagsa na naman ang mga tao na namimili ng gulay. Wala namang bago. Lagi namang maraming tao sa pwesto ng mga gulayan kapag umaga eh. Madalas din namang kaming aligaga sa pag-aasikaso ng mga bumibili.

Etong si Aling Mercedes mainit na naman ang ulo. 'Yung kasamahan ko kasi nagkamali ng pagbigay ng sukli doon sa isang customer namin. Sumobra ang sukli niya ng beinte pesos. Ibinalik naman ito nung customer pero nung marinig ni Aling Mercedes na sobra ang kanyang sukli, nagsimula na naman siya ng kanyang mga litanya at galit na galit na namang nagsisigaw sa harapan namin.

"Ano ba yan, Emedora!? Malulugi tayo sa ginagawa mo! Hindi kaba marunong sa Math at pagsusukli lang ay nagkakamali kapa?!"

"Ang hirap-hirap kumita ng pera tapos ipamimigay mo lang?! Aba, Emedora, hindi ako tumatae ng pera!"

"Ayusin mo ang trabaho mo!!! Ayokong malugi ang negosyo ko!"

Paghihisterikal na naman ni Aling Mercedes.

Mabuti nga't ibinalik naman 'yung sobrang beinte pesos. Paano pa kaya kung hindi? Baka nagwala na siguro itong si Aling Mercedes. Baka tumaas na naman ang presyon nito sa sobrang galit niya.

"Ibinalik naman yung beinte pesos pero etong si Aling Mercedes eh walang tigil sa kapuputak!" saad ni Emedora "Talaga 'tong matandang hukluban na 'to, masyadong mukhang pera!" Pabulong na dagdag pa niya kasabay ng pag-ikot ng kanyang mata.

Si Emedora ang katulong ko sa pagtitinda kay Aling Mercedes.

"Hayaan mo na siya, Dora.. Intindihin mo nalang at matanda na kasi." Pag-awat ko.

"Naku! Kung hindi lang talaga matanda 'yan, baka pinatulan ko na 'yang magkukulam na 'yan! Pasalamat siya at may respeto parin ako sa mga matatandang katulad niya." Himutok pa uli ni Emedora na halatang nagpipigil kay Aling Mercedes.

"Pagpasensyahan mo nalang. Ganyan talaga si Aling Mercedes noon pa."

"Buti nga nagtyatyaga pa tayo sa matandang 'yan kahit napakasama ng ugali niyan. Akala mo madadala niya sa langit 'yang pera niya! Eh baka nga sa langit hindi siya tanggapin dahil sa sama ng ugali niya!"

Gigil na gigil si Emedora na halos sampal-sampalin niya na si Aling Mercedes sa isip niya. Kulang nalang ay kurut-kurotin na nito sa sobrang gigil niya.

Masama kasi talaga ang pag-uugali ni Aling Mercedes kung kaya't hindi nagtatagal sa kanya ang mga tindera niya. Kadalasan, konting pagkakamali lamang ipinapahiya niya na ito sa harap ng mga namimili.

Maswerte nga siya at napagtyatyaan pa namin ni Emedora sa kasamaan ng ugali niya. Siguro kung ibang tao 'yon baka pinatulan na siya. Baka hindi na makapagpigil at labanan na siya.

"Anong binubulong-bulong ninyo dyan ha?!" Tanong niya habang nanlilisik pa ang mga mata "Hala sige! Bumalik kayo sa trabaho ninyo!" Pasigaw niyang saad sa amin.

"Tse! Mangkukulam ka!" Pabalang na tugon ni Emedora na siya namang tinawanan ko.

Talaga 'tong si Emedora. Matapang din 'tong babaeng 'to eh. Kapag may customer kaming maldita at minalditahan siya talagang pinapalagan niya.

Wala siyang pinapalampas lalo na't alam niyang nasa tama siya. Kay Aling Mercedes lang talaga siya hindi lumalaban. Bukod kasi sa matanda na si Aling Mercedes kailangan niya rin ng trabaho para sa pag-iipon niya para makapag-aral ulit.

Sa dami ng customer, hindi na naman kami magkandamayaw ni Emedora. Madaling-madali kami dahil ayaw ng matandang si Mercedes ang babagal-bagal kami.

Oath of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon