9

53 3 2
                                    

Lei

Kaunti na lang ay makakarating na kami sa tuktok ng bundok. Excited na ako makita yung magandang view sa taas.

"Excited ka na ba, Lei?" Tanong ni ate Jodie. Isang masaganang tango ang isinagot ko dito habang nakangiti.

Omg excited na talaga ako.

At eto na nakarating na kami.
Ang gandaaaaa nakikita ko yung masasaganang berdeng puno at sa kalayuan naman ay ang mga kabahayan at estraktura sa probinsya ng Quezon.

"Woooooooooh check na check!"
✅9. Climb a mountain.
"Oh ang saya mo naman, Lei." Bati ni kuya Charles.
"Oo naman kuya! First time ko to eh" at bakas sa mukha namin ang achievement sa pag-akyat dito. Umabot kami ng 2 araw at kalahati sa pag-akyat dahil 4 kaming beginners pero napagtagumapayan naman namin yun.

Tinitignan ko yung magandang view at di pa rin ako makapaniwala na makakarating ako dito.

Hala ang saya ko talaga, at habang nakapikit ako at inistrech ko ang dalawang braso ko, nararamdaman ko yung hampas ng malamig na hangin dala ng nasa mataas na lugar kami.

Nalipat ang tingin ko kay Seb at kumukuha lamang ito ng litrato.

"Oh picture-picture muna." Aya ni kuya Charles. Nilabas niya ang kanyang phone at selfie stick at kumuha kami ng mga litrato na magkakasama o may solo o may kasama ang nobyo tulad na lamang ni ate Jodie at kuya Charles.

Ang sweet nila tignan, hindi sila ganun ka-clingy pero mararamdaman mo yung intimate bond nila.

"Oh, Seb and Lei. Picture naman kayo oh." May halong tukso sa boses ni kuya Charles na nakangiting turan sa amin.

"A-ano w--"
"Tara." Hinila ako ni Seb sa may magandang view sa likod namin.

"Uy bagay sila." Panunukso nila Isabel at Austin.

Namumula na siguro ako.

"Seb, smile naman diyan. Tyaka akbayan mo naman si Lei." At naramdaman kong umakbay si Seb.

Habang kinukuhanan kami eh nacurious ako kung ano itsura ni Seb pagnakangiti.

Kaya inangat ko ang tingin ko sa kanya. Nakangiti siya.

Nakangiti siya na kasama ang mga mata. Ngayon ko lang siya nakitang nakangiti kaya naninibago ako pero parang gusto ko makita lagi.

"Uy Lei tingin naman sa camera, nakukyutan ka na sa kapatid ko ha." Pag tapat ko sa camera ang ngumiti din ako.

"Ayan! Ang sweet." Turan ni ate Jodie ng makita ang litratong kinunan nila.

Hindi na ako nakigulo sa mga litratong kinunan dahil busy ako sa pagtingin ng view.

Pero bakit ganun? Bakit parang mas maganda na yung ngiti ni Seb kesa dito sa view na nasa harapan ko?

...

Seb

Pagkatapos ng panibagong 2 araw pababa ng bundok ay pabalik na kami ng maynila. Lulan kami ngayong ng bus pabalik sa Pasay.

Natutulog ngayon si Lei sa tabi ko. At ako eto dinudutdot ang phone ko.

Ng makarating ako sa gallery photos ko ay napangiti ako.

Flashback

Natatanaw ko si Lei na excited na makarating sa tuktok ng bundok. Tss. Para talagang bata.

Pinaguusapan nila ni ate Jodie kung gaano siya ka-excited makarating sa tuktok nito.

Nang makarating na kami ay naririnig ko pa siyang naghihiyaw

"Woooooooooh check na check!"
"Oh, ang saya mo naman, Lei" narinig kong usisa ni kuya.

Inilabas ko ang phone ko at kumuha ng magagandang litrato.

Napatingin ako kay Lei. I felt a familiar beat inside my chest the moment i laid my eyes on her.

Dinadamdam niya ang simoy ng hangin habang nakapikit at nakastrech ang magkabila niyang braso.

Nasilayan ko kung gaano siya kaganda. Ang ganda niya kapag carefree siya yung tipong di niya iniintindi yung sasabihin ng iba o kung ano pa itsura niya.

Ano ba tong nararamdaman ko sa tiyan ko? May bulate na ba ako sa tiyan?

She looks beautiful while praising the beauty of what she is looking at. But still, she IS the view.

Gah, ano ba pinagsasabi ko ha. Bumibilis lalo ang tibok ng puso ko at ramdam na ramdam ko ang bawat pintig nito.

I took a photo of her, she looks stunning without even trying.

But right before she catch me taking a photo of her, i swiftly turn to my left and acted taking a photo of a tree.

Ugh ano ba ginagawa ko? Ano ba nangyayare sa akin?

"Oh picture - picture muna." Kuya announced. Tss.

Di ako sumali sa kanila dahil di talaga ako mahilig magpapicture.

Over my dead body.

by looking at kuya and ate taking intimate pictures together makes me  cringe but at the same time i want to feel that kind of love. You feel me?

"Oh, Seb and Lei. Picture naman kayo oh." Kuya teased.

Nangaasar siya kasi alam niya na di ako nagpapapicture sa kahit anong circumstances.

"A-ano w--" but fuck it this is the chance.
"Tara." I grabbed her hand and we stand fore a good view.

"Uy bagay sila." I overheard.

Ano ba Sebastian? Bakit ka pumayag magpapicture? Baliw ka na ba?

"Seb, smile naman diyan. Tyaka akbayan mo naman si Lei." Ate Jodie suggested. So i did. Kinda awkward.

And i smiled, like one of my smiles when i win over something or when i get to buy my favorite food or when i see my crush.

After that i did my own thing and acted like i don't give a damn about that picture.

But deep inside why do i want a good copy of it?

Tyaka bakit ako pumayag magpapicture?

Why am i praising her features?

I even stole a picture from her.

Am i sick?

End of flashback

I turned to my right where Lei is asleep.

"What's with you?" I asked.
...


The bucket-listTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon