10

54 1 3
                                    

Lei

Tatlong araw na simula ng umuwi kami galing sa mountain climbing. Pero tatlong araw na rin akong hindi kinocontact ni Seb.

Ang huling alaala ko lang sakanya nun eh pagkababa namin sa terminal sa Pasay eh direderetso itong sumakay ng taxi at di man lang ako nilingon o nagpaalam.

Okay naman siya nung pababa kami at nung nasa bus pero bigla na lamang to nanlamig.

Well cold naman talaga si Seb pero hindi ko naman akalain na darating sa point na di siya magpapaalam at magaaktong hindi ako kakilala.

"Haaay bahala na." Bulaslas ko ng uminat ako.

Baka nabored na siyang kasama ako.
*sigh*

*kriing *kriiing

Narinig kong may tumatawag sa phone ko. Inabot ko ito at tinignan muna kung sino ang tumatawag.

Bella

Agad ko itong sinagot.

"Yes?" Bungad ko.
"Lei, may sasabihin ako sayo." Sabi ni Lani na may seryosong tono.

Napakunot ang noo ko.

"What is it?"
"Si Julius" marinig lang ang pangalan niya ay gusto ko na siyang iflush sa inidoro.

"O?" Walang gana kong tugon.
"Gusto ka raw niya makita." Sabi nito. Psh as if i know bored lang siya at wala siyang mapaglaruan.

"Raw? Sabihin mo busy ako." Ang totoo nakatunganga lang ako sa bahay.

"Nasa ospital siya ngayon, naaksidente siya." Tss. Baka tatanga-tanga nanaman.
"O? Nasaakin ba dextrose niya?" Ayoko talaga siyang makita.

"Adelyda, please. Oo may ginawa siya sayo pero bisitahin mo man lang siya please?" Hay, mabuti na lang ay good girl pa rin ako.

"Sige." Sabi ko.
"Pag sinipag ako." Dugtong ko at pinatay ko ang tawag.

Joke, di ako good girl HAHAHA.

Pero kahit papaano ay kaibigan ko pa rin si Julius. Kaya pupunta ako pag sinipag nga lang ako.

Nagsearch ako sa youtube ng mga pelikula dahil bored ako ngayon.

Ang napili ko ay "The longest ride"

Habang nanonood ako ay hindi ko mapigilang maisip si Seb.

Kamusta na kaya siya? Ano kaya ginawa niya ngayon?

At naalala ko yung ngiti ni Seb nung nasa tuktok kami ng bundok.

At napangiti rin ako.

Teka ano ba.

Pinatatampal ko ang noo ko dahil sa kinilos ko.

"Ano ka ba Adelyda? Baliw ka na ba ha?" sabi ko sa sarili ko.

At napatingin na ako sa bidang lalake sa pinapanood ko.

Teka alam ko si Scott Eastwood ang bida dito ah?

Bakit

Bakit

Bakit si Seb ang nakikita ko?

Shinake ko ang ulo ko sa nakita ko.

At naging si Scott Eastwood na yung nasa TV.

Ano ba nangyayare sa akin? Hangover ba to dun sa bundok? Ganito ba epekto pag nakaakyat ka na ng bundok?

Wag mo na isip si Sebastian.

At nagfocus ako sa pinapanood ko.

Focus

Focus

Focus

HALA POTEK BAKIT SI SEB NANAMAN NAKIKITA KO HUHUHU

Pinatay ko na ang pinanonood ko at nagtungo sa banyo. Aalis na lang ako para malibang ako.

...

"Chocolate sundae po." Sabi ko sa cashier nang umorder ako sa isang sikat na fast food chain.

"Ah okay po ma'am. Diyan na lang po sa tabi." At pumwesto ako sa gilid.

Nang makuha ko na ang order ko eh lumabas na ako para mag-ikot ikot.

Habang naglalakad ay may nakasalubong akong lalaki. Pag angat ko ng tingin dito ay si

SEB?!

pinikit pikit ko ang mata ko at ibang tao pala.

Weird.

At naulit iyon ng  3 beses at iba't ibang lalaki ang inaakala kong si Sebastian.

Ano.ba.meron.

Hindi kaya

Miss ko na siya?

"Hoy Adelyda!"

"Ay miss!"Muntik na akong mapatalon sa gulat.

"Ano ba Bella ha? Nakakagulat ka naman eh." Sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko.

"Diba sayo ko sayo bumisita ka kay Julius? Tyaka anong miss ha? Sino miss mo?" Yung seryosong mukha niya ay napalitan ng panunukso.

"Miss? Sino miss ko? Wala. Tyaka bat nandito ka?" Pag-iiba ko.
"Eh ikaw bat nandito ka? Hinahanap ka nga ni Julius." Sabi nito.

"Bakit naman, nasa akin ba mga gamot niya?" Pagtataray niya.
"May sasabihin daw siyang importante." Wow.

"Bakit? Di na ba makakapaghintay yan? Mamamatay na ba siya?" Tuloy tuloy kong sabi.

"Hay ewan ko sayo Mejia, tara na." At hinatak na ako ni Bella hanggat sa makaalis kami ng mall.

Medyo okay na rin kasi baka malapit na akong maloka sa sobrang daming Seb ang nakikita ko.

...

The bucket-listTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon