Billionaire Own's Me

70.2K 1.1K 65
                                    

Christine's POV

"TINE? Buksan mo ang pinto. Lumayas ka na sa bahay ko. Ang tagal-tagal mo ng hindi nakakabayad ng utang, Puro ka nalang bukas, bukas at bukas! Kaya ako laging minamalas dahil lagi kitang pinagbibigyan."

Bigla akong napamulat ng sumigaw si Aling Leng.

"Tine! Lumabas ka diyan at mag-impake ka na ng gamit mo."

Dali-dali akong bumangon at tumakbo sa may pinto.

Nabungaran ko si Aling Leng na nakabusangot at may hawak na pamaypay.

"Goodmorning po Aling Leng." Nakangiting sabi ko, patay malisya kunwari.

"Wag mo ako magoodmorning-goodmorning diyan Christine! Naku! Asan na ang pinangako mo kahapon?" Hays... Halos araw-araw nalang akong pinupuntahan ng matandang ito at sinisingil ng upa ng bahay.

Wala naman akong maibigay dahil wala akong trabaho ngayon.

"Wag naman po kayong highblood Aling Leng. Sige ka magkakaroon ka ng maraming wrinkles niyan. Sayang ang baby face niyong mukha." Pang-uuto ko sa matanda.

"Ganun ba? Baby face pa ako? Eh ang dami ko na ngang wrinkles." Malanding sabi ng matanda.

"Opo! Ang ganda niyo po kaya, At ni isa wala akong nakikitang wrinkles niyo." Kahit ang totoo ay punong-puno nang wrinkles ang mukha ng matanda, wala na ngang mapaglagyan eh. "Atsaka Aling Leng wala pa akong pera pambayad sayo, bukas pa po darating ang pera ko galing bangko, kaya easy lang po kayo, Patience is a virtue."

"Siguraduhin mo lang yan Tine, kung hindi itatapon ko ang lahat ng damit mo sa labas."

"Opo sigurado po ako." Nakangiting sabi ko, palagi namang ganyan si Aling Leng. Akala mo lang masamang tao pero hindi. Magiisang buwan na akong puro bukas pero andito parin ako. Konting uto lang yan.

Umalis na siya sa harapan ko at sa ibang bahay naman nag-iskandalo.

Sasarado ko na ang pinto ng biglang pumigil ang anak ni Aling Leng na si Bim.

"Itaw ase ting, tabi ko tayo magpakatal na tayo, para maabayad na itaw ay Mom." May pagkango-ngo si Bim, matagal na siyang may gusto sakin. Sabi niya pakasalan ko na daw siya para may pambayad na ako ng utang ko sa mama niya.

Billionaire Own's Me (PUBLISHED UNDER DREAME APP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon