Break Na Tayo

280 4 2
                                    

para kay IDOL!!!

you're such an inspiration po...

_____________________________________________________________________________

*PAK*

Isang lumalagapak na *PAK* ang natanggap ko mula kay Xy, ang girlfriend ko.

"B-bakit?" sabi ko. Kasi hindi ko alam kung bakit nya ako sinampal.

"Anong bakit?" galit na sabi nya. "Sinong kasama no'ong Sabado? Sabi mo meron kayong group activities. No'n pala may ka-date ka lang!!!"

Napamaang ako kasi hindi ko alam ang sinasabi nya. Nang makabawi tanging "Huh?" lang ang nasabi ko.

"Bwisiit ka! Nagmamaang-maangan ka pa. Nakita daw kayo ni Lenny sa mall, HHWW. Sabihin mo lang kung ayaw mo na sa akin at ayaw ko na rin sa'yo?!"

Ito ang ayaw ko kay Xy eh, lahat nang marinig pinaniniwalaan. Lalo na kay Lenny, ang babaeng wala nang ginawa kundi ang manira ng kapwa.

"Let me explain,okay?" kalmadong sabi ko. Ayaw kong sabayan ang galit nya baka hindi kami makapag-usap ng matino.

"Expalin? No need to expalin. Sinabi ng lahat sa akin ni Lenny. FROM NOW ON JEREMY TOLENTINO, BREAK NA TAYO!"

Hindi ko matanggap na mas pinaniniwalaan nya si Lenny kaysa sa akin, NA BOYFRIEND LANG NAMAN FOR THREE YEARS. Sa sama ng loob ko sa kanya dahil sa walang tiwala nya sa akin. Tumayo ako at galit na sinabing "OKAY FINE. BREAK KUNG BREAK!" sabay walk-out.

ALMOST one week na ang nakalipas matapos ang aming 'brek-up' at hindi pa rin kami nakakapag-usap.

Nagkakaroon naman kami ng away pero mga minor fights lang at hindi matatapos ang isang araw na hindi kami nagkakabati. Last week ang major fight namin.

Nami-miss ko na sya!!!

'Di mo pa ba nasabing mahal na mahal ko yung babaeng yun.

Haayy... tatawagan ko ba sya o hindi.... tatawagan ko ba sya o hindi.... tatawagan ko ba sya o hindi.... tatawagan ko ba sya o hindi.... tatawagan ko ba sya o hindi.... tatawagan ko ba sya o hindi....

Nasa ganyan akong pag-iisip ng tumunog ang cellphone ko. Number lang ang naka-register sa screen pero kilalang kilala ko ang may-ari ng number.

Binura ko kasi ang number ni Xy pero memorize ko naman. Hehe

Excited kong pinindot ang call button. Huminga muna ako ng malalim at nag-hello.

"Hello Jeje," mahina nyang sabi.

'Jeje' ang tawag nya sa akin meaning hindi sya galit.

Na-miss ko ang boses nya.

"Bakit Xy-xy?" malambing kong sabi.

"Ahmmn.. A-alam mo namang ngayong September ang Wedding Anniversary nila mama't papa, 'di ba?" Tapos matagal syang hindi nagsalita. "H-hindi pala tayo pwedeng mag-br-break ngayong month kasi ine-expect ka nilang a-attend. Ang sama naman na break tayo tapos a-attend ka, 'di ba? Kaya nagdecide akong next month na lang tayo mag-break." Kinakabahang sabi nya.

Break Na TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon