Chapter 44: Feelings

4.4K 157 26
                                    


Chapter 44: Feelings

Daphnie's Point of View

Napatingin ako nang bumukas ang pinto at niluwa si Luke. Dumiretso siya sa upuan niya at umupo sabay labas ng phone niya. Mukhang may katext ata.

"Oh. Mag-isa ka? Saan sina Anthony?" tanong ko habang nakaupo sa itaas ng teacher's table. Naiwan kasi akong mag-isa sa room kanina. Ewan pero ang alam ko nakatulog ako tapos paggising ko ako na lang mag-isa sa room. Sakit, maiwan. Charot! Pero okay na rin, lamig dito sa room eh.

Tiningnan niya ako saglit tapos bumalik na sa phone ang tingin. Kita mo 'to! Kinakausap eh! Napasimangot ako at napairap, "Suplado. Lamunin ka sana nyang phone mo" I whispered

"May sinasabi ka?"

"Sus, wala! Sabi ko ang gwapo gwapo mo po" pagcocompliment ko sa kanya para sana matuwa pero mukha hindi eh. Tutok pa rin sa phone! Sino ba kasing katext nito? Hay nako, "Suplado mo talaga eh no? Pinuri ka nga eh. Wala man lang bang pabalik na compliment dyan?"

"Wala."

"Or thank you man lang?" tanong ko ulit

"Wala rin."

"Fine, edi wala." I rolled my eyes at nakita niya yon. Napailing naman siya.

"Uhm... Luke?" I called

"Mm?"

Naglakad ako papalapit sa kanya tsaka umupo sa arm chair na nasa harap niya, nagkatitigan naman kami kasabay ng pagkunot ng noo niya, "Alam mo ba kung bakit hindi yellow at black si Jollibee kahit bubuyog naman siya?" tanong ko

Hahahaha!

"The hell I care about Jollibee? Tss."

"Basag trip, grabe! Joke kasi 'to!" inis kong sabi

"Hindi ko alam. Bakit ba?" kung naiinis ako sa pagiging basag trip niya, mukhang mas naiinis siya dahil sa pangungulit ko hahaha katawa! Kaya sarap inisin nito eh. Nagkakawaves yung noo.

I giggled kaya sinamaan niya ako ng tingin, "Make sure that will make me laugh or else--"

"Huwag na nga! Pagbantaan pa ako eh amp" tinalikuran ko siya at akmang babalik na sa teacher's table but he grabbed my wrist. Napaupo ulit ako.

He sighed and his cold eyes met mine, "All right...why?"

"Because yellow cab was her ex" I burst out in laughter but he didn't. Hindi ata gets!

AMP.

"So babae pala si Jollibee?"

Tumango-tango na lang ako, "Yep! Gusto mo ligawan?" Ngiti ko

He chuckled, "No thanks. I like someone else." sagot niya sabay tingin ulit sa phone niya. Nanlaki naman ang mata ko. Anong sinabi? He likes someone?

Pero wait!

"Hindi ka man lang tumawa sa joke ko! Hindi mo gets no? Oh dear, I thought you're smart!" I teased

Pinitik niya ang noo ko dahilan para mapapikit ako, "Hindi ganun magjoke. Tss."

He stood up and looked at me with his serious eyes. Napatayo rin ako. He is taller than me, kaya nakatingala ako nang bahagya sa kanya. Parang gusto ko tuloy ayusin ang magulo niyang buhok. Waht! Ano ba, Daphnie! Parang kang timang yoko na.

Kinawit niya ang takas kong buhok sa likuran ng aking tenga. My eyes literally widened because his hand caressed my cheek.

He leaned closer. Napaurong ako. Akala ko isang beses lang niyang gagawin iyon pero naulit nang ilang beses at patuloy lang ako sa pag-urong hanggang sa wala na akong maurungan. I felt the wall behind me. Mas rinig ko ang mabigat na paghinga niya. Napaiwas ako ng tingin dahil ang lapit ng mukha niya and he's freaking looking at me! Ano bang tingin yan! Pa-fall! ----JOKE. Stop it, Daphnie for Pete's holy sake!!

Newton's Princess Vol. 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon