the guy behind the mask

41 1 0
                                    

Drashia's POV

Nagsasayaw Kami ng partner ko ngayon sa gitna ng gym dito sa school namin.

Nagulat na lang ako ng nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko..

O may gulay... is he going to kiss me?? Unti unti Kong pinikit ang mga Mata ko at....

"Drashia, may sasabihin sana ako sayo..."bulong ni Mr.mask guy sa tenga ko. Sayang yun ah bwisit di  tuloy na tuloy. Grabe, assuming ko ba? Hayaan niyo na minsan yang lang yan. Pasalamat na lang ako at Gabi ngayon kung Hindi baka makita niya ang pamumula ng pisngi ko dahil sa kahihiyan.

Kahit di ko makita Mukha niya ay masasabi Kong gwapo siya. Ang kinis ng mukha, mapupulang labi, matangos na ilong, medyo singkit na mata. Hayss ang gwapo niya talaga.

"Uhh... ano yun?"mahinang sabi ko at napakagat ng ibabang labi dahil sa kilig. Kung ganito ang makikita ko pagkagising ko sa araw araw, tiyak na buo na ang araw ko.

Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.

"Uhmm-------"

"ANAK GISING NA MALALATE KANA!!! 6:30 NA !!!"

" opo ma maliligo na po ako!"inis na sabi ko. Pano ba naman sasabihin na ni Mr. Mask guy eh!.

Napatingin ako sa orason na nakasabit sa wall ng kwarto ko ng mapagtanto na malalate na ako. Shit!

Dali Dali akong pumasok ng banyo at ginawa ang daily routine ko.

After 10 minutes....

Pagbaba ko ng hagdan namin ay nakita ko ang nanay ko na naghahanda ng breakfast naming. At napalingon ako sa bestfriend Kong kumakain este LUMALAMON at tila di ako napansin na nakatayo na ngayon sa harapan Niya....

" ARAY ko naman Ashia!! Ang sakit nun ha!!" Nagrereklamong sabi niya habang nakahawak sa ulo niyang Sinapok ko.... Grabe makakain eh parang naman muubusan.

"Teka nga JOHN KHEVIEL YOO!! anong ginagawa mo dito ha!!" Sigaw ko sa kanya. Ang aga aga nandito na yung pagmumukha niya sa bahay namin.

"Ahh... makikikain??" Patanong na sabi niya...abat sasagot pa eh

" oh kain ka muna drey" pagaalok ni mama kumain na galing pa sa kusina.

" ahh ano ma... sa school na lang ako kakain. Late na ko eh" pagtanggi ko sa alok ni mama..

" ahh ganon ba.. sige anak magiingat kayo sa school ha" nakangiting sabi ni mama.
"Opo ma kayo din magiingat ka dito sa bahay" paalala ko Kay mama. At sabay hila Kay JK (na tawag ko sa kanya) papuntang kotse niya, rich kid eh.

Pasakay na Kami ni JK sa kotse niya nang bigla siyang tinawag ni mama.

"Kheviel!! Ingatan mo yang anak ko!!" Pasigaw na habilin ni mama Kay JK. What was that for?? Bat kaylangan pakong ihabilin ni mama Kay JK?? eh kaya ko naman sarili ko..

"Opo tita akong bahala Kay Ashia!" Pabalik na sabi ni JK Kay mama.

"O sha umalis na kayo malalate na kayo niyan..... Kheviel may tiwala ako sayo" sabay kindat ni mama Kay JK. Para Saan yun.

"Opo tita makakaasa po kayo" then he chuckled. Parang may tinatago sila sakin.

Pagkatapos non ay sumakay na Kami ng kotse Niya.

After 7 minutes ay sa wakas na karating na Kami sa school. Tumingin ako sa wrist watch no at na pagtantong 5 minutes na lang ay bell na.

" Sh*t!! JK 5minutes na lang bell na!!" Natatarantang sabi ko sa kanya at hinila siya patakbong room namin.

THE GUY BEHIND THE MASK (one shot) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon