Prolongue

37 4 1
                                    

Patuloy pa rin ang pagsunod naming sa kanya.

Padilim na rin ng padilim ang paligid. Masukal, na halos di na kami magkakitaan sa taas ng mga damo at kapal ng usok na di ko malaman kung saan nagmula.

Pero sa palagay ko, alam na alam niya kung saan ang hangganan ng gubat na ito.
Narating naming ang gitna ng kawalan na kanina pa naming tinatahak.

Bigla siyang nagpakawala ng isang bolang apoy mula sa kanyangyang kamay , sa isang tumpok ng kahoy sa gitna naming.

Agad siyang nagsalita- " Sa laro ng buhay, ang marunong makinig lang , ang nakakaligtas " -Di ko alam kung ano ibig niyang sabihin, ang tanging naiisip ko lang ngayon sy kung paano ko matatakasan ang kapalaran na ito. Bigla siyang napatingin saamin ng may napakalamig na titig- " Lahat ng bagay sa paligid natin ay may kahulugan at may gamit sa sistemang ating sinusunod " -Nagkabanggaan ang aming paningin matapos niyang bigkasin ang huling salita niya.

Napako ang mga mata ko sa kanya ng magsalita siyang muli- "Pero di lahat ng mga ito mapoprotektahan tay" -iniwas ko ang mga mata ko sa kanya dahil sa kilabot na dinulot ng mga sinabi niya.

Parang ayuko ng makinig pero di ko magawa.- " Maari rin tayong ipahamak ng mga bagay na akala natin walang pwersang tinataglay" Napaisip ako sa sinabi niya.

Maaring isa sa mga kasama ko ang magpapahamak sa amin- " Dapat tayong matutong protektahan an gating mga sarili at mga bagay na mahalaga sa atin para maiwasan ang pagbaligtad ng sistemaat masira ang koneksiyon ng mundo sa bawat element nito" -Agad akong humarap sa mga kasama ko.

May nagkukwentuhan, nagaasaran, may nakatulog na rin, tila wala mi isang nakikinig ,maliban sa akin- " Wala na akong ibang dahilan pa kundi ang gabayan kayo" -Oo,siya nga ang tagapaggabay naming.- " Gabay ,saan?" - Biglang tanong ko sa kanya na ikinaseryuso ng mukha niya.

_ " Di ko pa pwedeng sabihin sa ngayon " -Bakit kaya- " Pero-" -Tutol ko ngunit kaagad niyang pinutol ang sasabihin ko- " Sa ngayon, wala akong ibang sasabihin, wala akong uulitin dahil tanging kayo mismo ang makakadiskobre nd itinakdang mangyari" -Naiinis na ako sa mga sinasabi, gusto niya ba kaming isabak sa gyera na hindi naming alam kung ano o gaano kalakas ang maaari naming makalaban?- " Pero ito ang tatandaan niyo, ang unang pangungusap na binigkas ko ang magliligtas sa inyo" - Bigla nalang akong naparalisa habang nakatingin sa mga pula niyang mata na tila nag-aapoy.- " Sa laro ng buhay, ang marunong makinig lang ang nakakaligtas" -Sa pagkakataong iyon, umakyat lahat ng kilabot sa katawan ko.
Kung kanina pa kayo naguguluhan kung sino ako at kung ano ang nangyayari dapat lang dahil di ko rin maintindihan ang lahat.

---Part end
A/N:
Hi/Hello everyone :) lalong lalo na mga bumabasa na nito :) thank you po :) sana po patuloy nyo pong subaybayan ang kwento na to :)
Sana maenjoy nyo ang mga susunod na kabanata :) Nagagalak akomg magbagi sa inyo... Kaya lagi nyong tandaan...😂😂
Kung may gusto ka... Wag mahihiyang magtanong😄😄 Mianhae✌😹annyeong ...Alis muna ako :)

Two-Faced Reality:Hidden School of Abilities(NeverbeenOrdinary)Where stories live. Discover now