CHAPTER 7:
KAITH TORREZ:
Maaga akong pumasok sa school. Ewan ko ba kapag wala si Dad maaga akong nakakapasok. Habang papasok ako di pa rin maalis sa isip ko yung nangyari kahapon between me and Nick. Akala ko may pagka bastos at walang modo yung lalaking iyon, yun pala gentleman at may pagka magalante. Kahit na pinakain niya ako ng bituka ng manok na kadiri pero masarap. Pero I swear! Hindi ako magpapadala sa mga pinakita niya sa akin. Naisip ko tuloy yung deal namin, mukhang lugi ako. Isipin mo, kapag nanalo siya, ililibre ko na nga, di niya pa ako titigilan sa pang-aasar niya pero kung mananalo ako, di niya na nga ako aasarin pero parang useless ang naging pag-aaral namin, dahil parang walang improvement. Nakakainis naman! Kaya pala pumayag agad ang mokong. Pero wag dapat ako mawalan ng pag-asa, dahil may range naman, kailangan maka-75% siya sa quiz mamaya. Sa 50 items na quiz dapat mali niya maximum na ang 12 kapag lumabis siya roon panalo ako! Edi okay na.
Naabutan ko na nasa room na sila Sam at Dara, sila Mico at Sab, at yung tropa nila Marco, siyempre kasama na dun si Nick. Nagulat ako sa nakita ko, naabutan ko silang nag-aaral pwera na lang sa isa, si Mokong. Hay, wala talagang tiyaga toh!
Di nagtagal dumating na si Ms. Lopez, as usual naalala niya na may quiz at ayun nag-test kami, 50 items. Medyo may kahirapan pero yaka naman.
“Ok class, i am giving you one minute to finalize your answers.” Ayun na nga nagtimer na siya, after a minute…
“Ok, stop writing and pass it forward, we will check it now.” Geez, nakakakaba naman.
Ayun nagcheck kami at natahimik kami sandali, kasi inarrange niya yung papers namin from highest to lowest. Lagi niya namang ginagawa yun eh.
“Here’s the result of our quiz today. As usual the highest is Ms. Torrez who got one mistake.” Ano? Isa lang mali ko? akala ko— napatingin sa akin si Nick kaya napatingin ako sa kanya.
“Mukhang matatalo ako sa deal natin ah, ang hirap ng test yung iba kasi di mo tinuro!” aba kapal talaga ng mukha nito.
“Lahat tinuro ko, baka di ka lang nakinig.” Yun ang sinabi ko. lahat naman na-discuss ko sa kanya eh.
“Next to the highest is—guess what?” naghulaan yung mga classmate ko…
“Mam is that Miss Young’s paper? No doubt…” sagot ni Myka. Si Sab naman masyadong nagpaapekto.
“No doubt. Of course that’s my paper! Tingin ko nga I have only two mistakes, I forgot some terms kasi eh, kung tutuusin nga dapat naperfect ko nay an eh kaso di naman ako nag-aral eh.” Sus, ang yabang talaga!
“Bakit nagme-make face ka diyan? Inis ka sa kanya noh?” napatingin ako kay Mokong at nakangisi niyang sinabi yun.
“Mind your own business!” naku, ayoko na sanang patulan eh. Akala ko ba nagbago na siya kagabi? Haayy… nagkamali ako… K
“No, it’s Mr. Gomez who got 45…” wow, si Mico. Matalino nga siya. Kung siya nga talaga si Koko, totoo na ganyan din ang makukuha niya. matalino naman talaga siya nung mga bata pa kami eh. Buti nga napahiya si Sab, lakas kasi ng fighting spirit.
“Next,, oh what a surprise!” napatingin sa akin si Mam tapos nag-smile. Ano kayang pinahihiwatig niya?
“Mr. Alvarez made it. He got 38 out of 50. Congratulations! I hope this will continue.” Nagulat yata ang mukha ni Nick. Di niya expected. Natuwa naman ako sa nangari though talo ako. Pero may quiz pa sa Math kaya tingnan natin kung ganun pa rin ang swerte niya.
“Hay, natalo ako sa part na ito, pero may Math pa.” yun ang bulong ko sa kanya.
“Di ko naman alam na mataas makukuha ko. Nilambang ko lang kaya yan.” Yun yung sinabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Roman pour AdolescentsSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...