14

44 1 0
                                    

Lei

Nagising ako sa isang malambot na kama. Wala akong maalala kung paano ako nakarating dito.

Pinilit kong bumangon at biglang kumirot ang ulo ko.

Oo nga pala, nagiinom ako kagabi huhu.

Pinilit ko ng makaupo at sapo-sapo ang ulo ko.
Napatingin ako sa suot ko, hindi na ito ang suot ko kagabi ah?

Malaking white t-shirt na ito at gray na pajama.

Tinignan ko ang pangloob ko, okay andun pa rin.

Tumayo ako ang lumabas ng kwarto. Bumungad sa akin ang hagdan pababa.

Nakarating ako sa kusina. At may lalaking nagaayos ng dining table ang bumungad sa akin.

Naririnig ko ito na humihikbi.

Nakilala ko ito ng tumayo ito ng derecho.

"Seb." Tawag ko.
Pinunasan nito ang mukha niya at saka humarap sa akin.

Namumula ang mga mata nito at ang tenga.

"Uy, okay ka na ba?" Tanong niya sa akin.
"Ah oo." tinignan ko ang hinanda niya at saktong-sakto ito sa #9 na Eat sushi.

"K-kumakain ka ba niyan? Pasensya na yan lang ang laman ng ref ko eh." Kinamot pa nito ang batok niya habang ineexplain niya.
"Nako okay lang, sa totoo lang gusto ko nga makatikim niyan eh." At umupo na ako sa table.

Di naman ako nagalit o nainis kung bakit dito ako nagising. Mabuti nga at siya ang nag-uwi sa akin at pasalamat ako na wala siyang ginawang masama sa akin. Safe talaga ako sa kanya.

Tyaka di ko na siya kukulitin kung paano niya ako binihisan dahil baka mao-awkward nanaman kami sa isa't-isa.

Tinitigan ko yung sushi, alam ko  hilaw tong mga isda na ito kasi yun ang sabi nila.

"Try it." Nakatingin siya sa akin habang ako nag-iisip kung gagawin ko pa ba.

Nah, wala namang mangyayare kung titikman ko.

Nilagyan ko ng wasabi yung kakainin kong sushi.

Pwe baho ng amoy.
1
2
3
At kinain ko ito ng buo.
Pwe ano ba yan, pero nginuya ko at tiniis then boom nilunok ko na.
Nakakaoffend naman kasi sa part ni Seb kung di ko kakainin kasi makikikain na nga lang ako magiinarte pa ba ako?

✅9. Eat sushi

"Okay ka na ba? Sumasakit ba ulo mo?" Tanong ni Seb.
"Oo eh." At sinapo ko yung ulo ko na parang bininiyak sa dalawa sa sakit.

"Hangover yan, ito inumin mo para mawala yung sakit." Inabot niya sa akin ang isang tableta ng paracetamol.

"Thanks." At ngumiti siya sa akin.

*dug *dug *dug
Naramdaman ko na parang may kumakarera sa dibdib ko.

Kaya napahinga ako ng malalim.

"Uhm Lei, may pupuntahan ka ba mamayang gabi?" Tanong niya.
"Hmm wala naman." Sagot ko.

"Pwede ba kita isama mamaya sa isang concert?" Omg concert!!
"Oo sige tara!" Excited na sabi ko.

"Sunduin kita sa inyo ng 6:00, okay?" Sabi niya.
"Sus tas 7 ka na darating." Naalala ko yung late siya dumating.

"Gusto mo 5 andun na ako sa gate niyo eh." Kumpiyansang sabi niya.
"Bahala ka, basta pupuntayo ha?!"  Excited talaga ako.

"Oo naman." Yiee excited na ako hihi.

Seb

She seems so excited, i smiled. Pero may kirot sa dibdib ko.

Pigil na pigil ako sa nagbabadyang luha.

"May i use the restroom for a minute?" At tumango siya.

Pagpasok ko, dun tumulo ang mga luhang kanina pang gustong kumawala.

...

The bucket-listTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon