15

34 1 0
                                    

Lei

Pasado ala-sais nang sinundo ako ni Seb sa apartment ko at nagpunta muma kami sa isang fast food chain para kumain at pumunta na kami ng MoA Arena.

Pumila kami para sa entrance nung concert.

Bandang Parokya ni Edgar ang pupuntahan naming concert. Sa may standing ang pwesto namin para naman enjoy talaga at para makatalon-talon ako.

5 minutes na lang ay mag-uumpisa na ang concert kaya nakapwesto na kami at para akong di mapaanak sa di mapakali.

"Masaya ka ba?" Nilingon ko si Seb.
"Oo naman sobra, thank you ha? First time ko kaso to eh." Nakangiting bahagi ko sa kanya.

✅10. Go to a concert

"Talaga ba? Di halata." Sabi niya habang nakapokerface at nakatingin sa stage.

Sus. Nagsusungit nanaman siya. Pero kiber lang omg excited na ako hihi.

Mga ilang minuto pa.

Nararamdaman ko yung mata ni Seb sa akin.
*dug*dug*dug

Huy puso, behave.

Ayan nagstart na omg.

Ang starting song nila at Lago mong tatandaan na siya namang sinabayan ko ng bongga.

At dahil maliit ako ay nagtatatalon ako na parang paslit.

At iba't ibang kanta na rin ang pinatutugtog pero di pa rin ako napapagod.

And the next thing i knew is  sumasabay na din si Seb sa kanta.

Meron akong gusto sayo
Pasensya na ngunit iyan ang totoo
At di yun magbabago kahit na itago ko
Kaya mas mabuti ng malamam mo

Nakatutok na lamang ako sa kanya at napakacute niya habang kumakanta.

Wala na akong naririnig na ingay sa paligid. Parang kaming dalawa na lang yung tao sa lugar na to.

Nakafocus na lang lahat ng attention ko sa kanya. Parang wala ng ibang importanteng bagay sa mundo bukod sa kanya.

Naalala ko agad ang sakit ko. Oo nga pala, 2 months na lang ang buhay ko. 1 month and 9 nine days.

Sa bilang na araw lang, naging sobrang importante na ni Sebastian para sa akin.

Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko sa kanya pero gusto ko pa siyang makasama ng matagal. Mas matagal pa sa natitirang araw na nalalabi ko dito sa mundo.

Parang gusto ko ng labanan ng sakit ko para lang sa kanya. Gusto ko pang mabuhay para sa kanya.

...

The bucket-listTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon