White Dress

46 0 0
                                    

Annyeong readers ! KPoppers kaway kayo jan ! kekekekekekeke . Errrrmm . So eto nga . Another one shot story from Author WannaBe. kekekeke . So Enjoy ? I guess mag eenjoy naman kayo sa isang to . Kaya wag na nating tong patagalin Vote and start reading . XD

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

----------------

WHITE DRESS

----------------

Lahat na ata ng babae pinangarap na magkaroon ng white dress, dahil kalimitan isinusuot ito sa araw ng kanilang mga kasal , sa pinakamasayang araw ng kanilang mga buhay .

Isa rin ako sa mga babaeng nangarap na mag-suot ng isang puting bistida sa araw ng aking kasal . Isa rin ako sa mga babaeng nangarap na magkaroon ng taong makakasama ko habang buhay.

Nakita ko na sya . Nakita ko na ang taong gusto kong makasama habang buhay. Third Year High School palang kami nung mga panahong yon , pero alam ko na sa sarili ko na sya talaga ang taong aking papakasalan , sya ang taong gusto kong makasama habang buhay. Sya ang kasama ko nung pinangarap kong isuot ang puting bistida.

Masaya ang naging pagsasama naming dalawa. Maayos ang lahat .

Pero anong nangyari nung naging college kami ?

Pareho kami ng school na pinasukan sa college, dahil ayaw naming magkalayo. May tiwala naman kami sa isa't isa , yun nga lang ayaw naming magkahiwalay . I don't know, I really can't stand without him .

Ang saya palang maging college student . Ang daming vacant . Minsan nga sa isang araw isang subject lang ang meron kami eh . Oo masaya . Pero bakit sa kabila ng saya nararamdaman ko nandyan ang kaba ? Di ko maipaliwanag dahil iba talaga ang kabog sa dibdib ko . Mas lalo itong lumala ng isang araw dumaan kami sa isang part ng school , kasama ko ang taong gusto kong makasama habang buhay, binati sya ng isang grupo ng kalalakihan . Hindi ko kilala kung sino sila . Ngunit bakit nila kilala ang lalaking aking kasama ?

Nung tinanong ko sya kung sino ang mga lalaking yon ang sagot nya lang ay "Wala yon . Wala ka bang tiwala sakin ?" Meron ! Meron akong tiwala sakanya . Pero sa kanila WALA !

Lumipas ang halos isang buwan , madalang ko nalnag syang makasama . Laging syang wala . Kapag wala , bussy . Pero dahil malaki ang tiwala ko sa kanya , hindi ko nalang ginawang issue yon , dahil pag aawayan lang namin ito . At ayokong mag-away kami .

Pero may isang pangyayari na di ko na kinaya . Nakita ko syng nkikipaghalikan sa IBA ! Ang SAKIT ! SOBRANG SAKIT ! Pinagkatiwalaan ko sya . Minahal ko sya ng sobra sobra . Sobrang mahal na mahal ko sya . Pero pano nya ko nagawalang lokohin ? Pano nya ko nagawang ipagpalit ? Pano nya ko nagawang pagtaksilan ? Nilapitan ko sila, at halata naman sa muka ny ang pagkabigla ng makita nya ko. Di ko maipliwanag ang emosyon sa kanyang mga mata . Malungkot. Nasasaktan. Sorry. Gulat. Habang patuloy ang pagpatak ng aking mga luh sa aking mga mata . Tiningnan ko sya . "Pano mo nagawa sakin to .? Mahal na mahal kita . Pero bakit ? Let's STOP this ! " tinalikuran ko sya kasama ang babaeng kahalikan nya . Nung umalis ako nakita ko ung mga lalaking nakita namin dati nung dumaan kami sa isang part ng school. Ngunit di ko na sila pinansin . Basta ang alam ko lang , guto kong mapag isa . Gusto kong umiyak . Ang sakit ng nararmdaman ko .

Pumasok ng school ng parang walang nangyari . Na parang walang sakit sa aking puso . Pero lalong sumakit nung nakita ko syang kasama ung mga kalalakihan , mga lalaking alam kong di gagawa ng mabuti . Di ko nalang pinansin kahit alam kong tumingin sya sakin ng ' Magpapaliwanag Ako. Please .'

Kahit may sakit , pinipilit ko paring maging normal ang bawat araw sa buhay ko, pinipilit kong sanayin ang sarili ko na maging isa , dahil sya naman ang lagi kong kasama. Sya lang naman ang pinagkatiwalaan ko ng sobra. nakaupo ako sa isang bench dito sa school ng may tumawag sakin . Unregistered number .Pinapunta nya ko sa isang lugar , nandon daw ang pinaka,amahal kong tao at gusto nyang magpaliwanag. Dahil gustong gusto kong marinig ang mga paliwanag nya , di na kong nagadalawang isip at pumunta ako sa nasabing lugar. Pagdating ko don . Maraming tao. Mga taong di ko kilala.Anong meron ? Sino sila ? Nandito ba sya ? Nagulat nalang ako ng makita ko ung mga lalaking lagi na nyang kasama at nakita ko sya , hinang hina , maraming sugat at pasa. Pumatak nalang ang aking mga luha . nilapitan ko sya . Tinanong ko sya kung anong nangyari " Mahal na mahal kita ." yan ang nakuha kong sagot mula sa kanya . Habang yakap ko sya hinigit sya nung isang lalaki at saka sinuntok at kinapitan naman ako nung dalawa pang lalaki . Wala akong maintindihan sa nangyayari . Basta ang alam ko lang sinasaktan nila ang taong mahal na mahal ko . Gusto ko syang tulungan pero wala akong magawa . Di ko kayang kumawala sa mga nakakapit sakin . Pagkatapos ng napakaraming suntok , tinigil na nila at bunitawan ako tsaka umalis silang laha . Kaming dalawa nalang ang natira . Yakap Yakap ko sya at wala paring tigil ang pagpatak ng aking mga luha . " Mahal na mahal kita . At kahit anong mangyari mamahalin parin kita . May dahilan ako . Sobrang mahal kita, kaya nagawa ko ang lahay ng yon . " hinang hina na sabi nya, bago pa sya nawalan ng malay . Dali dali akong tumawag ng tulong at dumating rin naman agad sila . Dinala namin sya sa pinaka malapit na ospital. Tinawagan ko na ang magulang nya at dumating din sila . Lumipas ang mga oras . Lahat kami ay nag-aalala . Wala kong magawa para sa kanya .

Lumabas ung doctor ............

at sinabing

" Sorry, we did our best . "

Ayaw mag sink in sakin ung sinabi nung doctor. Lahat sila umiiyak habang ako nabato sa kinatatayuan ko . Ayaw ng tanggapin ng utak at puso ko ang aking narinig. Ayaw kong maniwala . Hindi. Panaginip lang to. Isa lang tong bangungot , intayin ko lang at magigising din ako .

Pero bakit ? Bakit di ako magising ? Nilapitan ako ng Mommy nya at may binigay saking box at saka ako niyakap. "Pinasaya mo sya. Naging masaya sya sa piling mo. Wag mong sisisihin ang sarili mo sa nangyari. Tandaan mo . Kaya nya ginawa yon , kasi mahal na mahal ka nya. " sabi ng Mommy nya at tuluyan ng tumulo ang mga luha ko . Noon lang ako natauhan , na walang gigising sakin . Dahil lahat ng nangyayari ay totoo at hindi isang panaginip . Wala na sya . Wala na ang taong pinakamamahal ko . Wala na ang taong pinangarap kong makasama habang buhay. Binuksan ko ung box na binigay sakin ng mommy nya . Isang puting bestida at isang video recorder . Kinuha ko ung recorder nakita ko sya . Nakita ko ang taong sobra kong mahal , nagsasalita , humihinga at sinasabi kung gaano nya ko kamahal .

"Mahal na mahal kita at alam kong naramdaman mo yon . Mahahal na mahal kita to the point na alam kong nasaktan kita. Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung lumayo ako sayo . Diba sinabi ko sayo may dahilan ako . Mas gugustohin ko ng ako ang manakit sayo kesa, makita kitang sinasaktan ng ibang tao . Mas okay pang ako ang mapahamak wag lang ikaw. Mahal na mahal kita lagi mo yang tatandaan . kahit nasan man ako , kahit san man ako mapunta patuloy parin kitang mamahalin . Nasaktan kita ng sobra , pero di ko sinasadya yon . Ung mga lalaki na lagi mong tinatanong kung sino , isa silang gang at gusto nila akong isali sa kanila , nung una tumanggi ako , pero nung ginamit ka nila , wala akong nagawa kundi sumama sa kanila . Ayos lang sakin na ako nalang ang masaktan , dahil kapag ikaw ang sinaktan nila triple o higit pa ang sakit na mararamdaman mo . Wag mong sisihin ang sarili mo sa ginwa ko , desisyon ko un . Kaya kong isakripisyo ang buhay ko para sayo . You're worth it to die for . Kung pinapanuod mo to ngayon ...................... Wala na ko ..... Pero kahit wala na ko jan sa tabi mo , gusto ko maging masaya ka . Gusto ko magkaron ka ng magandang buhay . Gusto ko mahanap mo ung magmamahal sayo katulad ng pagmamahal ko . Nakita mo ba ung white dress ? diba sinabi mo sakin dati gusto mo ng ganyan , kasi isinusuot un ng mga babae sa pinakamasayang araw ng buhay nila kasi kasama nila ang lalaking makakasama nila habang buhay . Errrm sorry ha . kasi taliwas ang paggagamitan mo nyan eh . Gagamitin mo yan sa paglilibing sakin . Masyado ng mahaba ung speech ko . Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita . At hindi magbabago un san man ako mapadpad. Ikaw at Ikaw lang ang ititibok ng puso ko . I Love You Good Bye. "

Tumulo ng tumulo ang luha ko . Kinuha ko ang puting bistida . Ang mga puting bistida ay ginagamit sa pinakamasayang araw ng buhay ng isang babae , siguro nga sila yon . Pero ako isusuot ko ang puting bistidang ito sa paglilibing sa aking pinakamamahal na tao . Isusuot ko ito sa pinaka malungkot na araw ng buhay ko . Sa araw na alam kong Wala na ang taong minahal ako ng sobra at minahal ko rin ng sobra . Sa araw na alam kong di na sya babalik para sabihin sakin ang 'Till death do us part . Pero kahit wala na sya , mamahalin at mamahalin ko parin sya Habang buhay .

-----

END

-----

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Reader, ano tama ba ko ? Nag enjoy ba kayo ? kekekekekeke . thank you sa pagbabasa . Vote naman jan . Silent reader kaway naman jan . hahahaha . XD Labbyu everyone. XD

White DressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon