Kabanata 26
"THALLIA! Am I seeing Thallia?" napangisi ako nang salubungin kami ni Zeijan na may malaking ngisi sa labi.
"Hi, Zeijan!" tawag ko sa pansin niya at bumilog ang bibig niya at napapalakpak.
"Finally!" he ran at nagulat ako nang bigla siyang yumakap. "Hindi na bugnutin si Kuya!" he exclaimed at napatawa ako pero hindi ko pa natatapik si Zeijan ay kaagad na itong nawala sa harapan ko.
"Fuck you, Zeij! How many times do I have tell you to stop touching her!" giit niya at natawa ako nang itago niya ako sa likod niya.
"I was just glad seeing my Ate!" he quoted pero mura lang ang isinagot sa kanya ni Iñigo at hinawakan ang baywang ko papuntang kusina.
"Ang damot! Bugnutin!" sigaw ni Zeijan na may pang-aasar at kinurot ko ang baywang ni Iñigo nang magmura siya at magdirty finger sa kapatid.
"He should really get himself a girlfriend," naiiritang sambit niya habang naglalakad kami.
Napangiti naman ako at sinilip ang mukha niya. "Bakit naman?"
"So, he will stop touching mine," sagot niya. Natigilan ako sa kanyang sinabi samantalang tumaas ang kilay niya at napangisi.
"What? May angal ka?" mayabang niyang tanong sa akin kaya ngumuso ako at siniko siya.
"Manahimik ka nga!" Tawa ang sinagot niya bago ako akbayan at iniangat ako sa may stool. I watched him as he got the donuts out of the refrigerator. Ngumiti ako nang ilapag niya iyon sa harapan ko.
"May bavarian dito?" tanong ko habang inaabot ang box at binubuksan.
"Yes, 'yon 'yong gusto mo, 'di ba?"
"How did you know?"
"Your sister told me." Nangunot ang noo ko at nilingon siya.
"She did?" I asked and he nodded
"Siya rin ba ang nagsabi na buntis ako?" ngumiti siya at umiling. "Then, who?"
"I have my own ways. Before the office incident, alam ko na na may baby tayo sa tiyan mo. Sorry if I have to be harsh and I ignored you, tapos pinatakbo pa kita. I just want to took care of you both," tumango ako kahit hindi ko makuha ang sinabi niya.
"I just asked your sister what foods you're craving for and she told me that, so, I made sure na makakabili ako niyan para kapag gusto mo ay may makakain ka," dugtong pa niya. Tumalon ang puso ko sa sinabi niya at matamis na napangiti.
"Really?"
"Hmm," tango niya bago iniangat ang daliri para punasan ang gilid ng labi ko. "Pumayat ka," aniya habang hinahaplos ang pisngi ko.
"I was just stressed," sagot ko naman sa kanya at bumuntong-hininga siya at inilagay ang buhok ko sa likod ng tainga ko.
"Ang gago ko talaga," buntong-hininga na naman ang pinakawalan niya at tinitigan ako.
"Ikaw rin naman e, see these bags under your eyes?" hinaplos ko ng daliri ko ang ilalim ng mata niya. "Have you gotten any sleep?" umiling siya ng bahagya.
"Not at all. And just like you, I am stressed. Work, plans, your safety," aniya at sabay kaming napabuntong-hininga. Nang mapagtanto ang nangyari ay natawa kaming parehas at kinurot niya ang pisngi ko.
"Come on, baby, eat more. Gustong-gusto ni baby natin niyan," nakangiting sabi niya at itinuloy ko ang pagkain ko. I even offered him some pero ayaw naman niya at kulang pa raw ito sa akin.
Habang kumakain ako ay bumalik ang tingin ko sa balikat niya at napansing mas lumaki ang mantsa ng dugo roon.
"Iñigo," I called his attention.
BINABASA MO ANG
Tempting The Heiress
RomanceSandejas Siblings First Installment (2023 EDITION) I Ñ I G O "The best way to not get burned is to never play with fire..." Thallia Josephine Raymundo has only one mission, which is to find the evidence of the crime her father has committed, she has...