18

41 2 0
                                    

Lei

Dumating si Seb ng 6:30 at may dala itong susuotin namin.

Pares ng pajama, ang cuuute.

May design ito na polkadots na red tas white yung background.

At tuluyan na kaming umalis para pumunta dun sa party na guguluhin namin.

Nang makarating na kami sa party eh napakalaki ng bahay, parang mansion sa laki.

"Wow" sabi ko habang literal na nakawow ang bibig at nakatingala sa bintana.

Umikot si Seb sa kotse at pinagbuksan ako ng pintuan.

Pumasok kami sa loob at sobra akong namangha. Ang sososyal ng mga tao. Ang gaganda ng gown na suot nila at mga estilo ng buhok at sapatos.

Napansin kong nagba-bow ang mga maids pagnakikita si Seb.

Pinuntahan ko agad yung dessert table na may chocolate fountain at kumain.

"Hinay-hinay, puti pa naman yung suot mo." Di ko siya nilingon, ano ba kumakain ako eh.

At kumain ako ng maraming strawberries at sinawsaw sa chocolate sauce.

At nagstart ang slowdance at sumayaw kami sa gitna.

"Ano ba naman tong anak ni Marissa, nakapantulog, this isn't even a slumber party."
"Tama ka, amiga."

Naririnig kong usap-usapan. Anak ni Marissa? Eto? Si Seb?

"Hijo, you're here." Napatingin ako sa dulo ng hagdanan. Lalaking nasa 40's at may puting buhok. Nakablack tuxedo ito.

Unang lapag ko pa lang ng tingin sa kanya ay may naramdaman na akong kakaiba. Hindi ko maintindihan pero parang bagay na magaan sa loob.

"This is Lei." Tipid na pagpapakilala ni Seb. Napatingin sa akin yung lalaki, inobserbahan niyang maigi ang aking mukha.
"H-hello hija, nice to meet you." Inaabot niya sa akin ang kanyang kamay at sinalo ko naman ito.

"Nice to meet you din po." Nakangiti ito sa akin na medyo nagluluha ang mata.
"May i ask you something?" Tanong nito.
"Sure po, go ahead."
"Ano name ng mommy mo?" Tanong nito.

"Analisa po, Analisa Mejia" napatigil siya pero umayos din.
"Ah enjoy the night, kids and you too?"
"Adelyda po." At isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin bago siya umalis.

"Kilala mo yun?" Tanong ko.
"He's my stepdad but more of a dad, dad." Teka.

"Hoy bahay niyo to?!"
"Yes."
"Aba edi hindi gate-crashing ginawa natin, loko ka pala eh." Naloko ako ah.
"Well atleast nakapangslumber party ka sa isang sosyalin na party, right?" Uhm may point naman siya.

"Let's just enjoy the night." Sabi nito.

...

Day 40. May 20 days pa ako para mabuhay. Isa na lang ang natitira sa listahan ko. Nagawa na namin nung isang linggo yung pagtalon sa dagat. Naging maganda naman kaso kasabay nun ang panghihina ko.

Sumusuka na ako ng dugo at nadadagdagan yung pasa sa katawan ko. Di na rin biro ang bawas ng timbang ko. Pero hanggang ngayon clueless pa rin si Seb sa kalagayan ko, at ayokong malaman niya.

Palabas ako ng bahay ng maramdaman ko ang panghihina at panghihilo.

At tuluyan akong tumumba.

"Lei, Lei anak Lei? Tulong tulungan niyo kami." Sigaw ng kapitbahay ko habang nasa kandungan niya ako.

At unti-unti kong nasalubong ang dilim.

...

The bucket-listTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon