Sa Ospital...
"Huwag kang masyadong gumalaw. Mabibinat ang katawan mo at hindi pa lubusang magaling ang mga sugat mo.", Ang sabi ng Doktor na nag-alaga sa akin noong panahong ako'y nagpapagaling.
Hindi ako makasagot dahil sa lungkot na aking nadarama. Hindi ko lubos maisip na mangyayari ang lahat ng iyon sa loob lamang ng isang araw.
Noon ay araw ng Martes, maaliwalas ang kapaligiran at masaya ang mga tao. Kasama ko ang aking kapwa pulis na si Jane Mendoza—(kasama ko sa kursong InfoTech bago pa man kami naging pulis) na kumakain ng Doughnut sa Starbucks ng biglang "Boom! Bratatatat!", ang alingawngaw ng mga granada at baril. Nagkaroon ng ingkwentro laban sa pinakamalupit na sindikato sa bayan ng Malolos. Sakto na katapat ng kinakainan namin ang bangkong ninanakawan nila kaya iniabot at inutusan ko si Jane na tumawag ng back-up at kontrolin ang mga mamamayan sa paligid. Bagama't Day-Off ko noong araw na iyon, tungkulin ko pa din ang mapanatili ang kapayapaan sa aming bayan. Ibahin mo kami sa mga pulis sa pelikula, hindi kami iyong katulad ng mga pulis na mas mabagal pa sa alas-kwatro kung rumesponde.
Dumating ang mga back-up at nagkaroon ng shoot-out sa pagitan ng dalawang panig. Nakita ko ang lider nila at bigla kong naalala ang aking nakaraan. "Ikaw... Ikaw... IKAW!", ang paulit-ulit na sinasabi ko sa aking isipan noong nakita ko ang lider na pumaslang sa aking kaibigang si Sean Manansala—(isa sa aking matalik na kaibigan na pinaslang ng mga sindikato, siya ang dahilan kung bakit kami naging pulis ni Jane). Nagbalak tumakas ang mga sindikato kaya nagmadali kami upang habulin sila. Halatang mga bihasa sila sa pagmamaneho dahil hindi namin sila mahabol. Buti na lang at may isang taong nagturo sa aking kung paanong magdrive noong ako ay nasa kolehiyo pa. Bago ko mahabol ang lider, hinarangan ng isang kotse na kanilang kasabwat ang daanan. Hindi ko naabutan ang lider kaya ang kasabwat na lang ang hinabol ko. Hindi ko napansin na napakabilis ng aming takbo. Noong mga sandaling iyon, alam kong buhay o patay lang aking kahahantungan subalit hindi ako nagpatalo sa tensyon. Sobrang bilis ng aming takbo at dahil doon, hindi namin namalayan na naliligaw na kami. Naabutan ko lamang siya dahil naubusan ng gasolina ang kanyang sinasakyan. Bumaba ako sa kotse sabay tutok ng baril sa magnanakaw. Dahan-dahan siyang bumaba sa kotse at sinubukan niyang agawin ang baril sa akin subalit hindi niya kinayang talunin ang aking lakas.
"Aw! Aray! Suko na ako.", ang sabi ng magnanakaw kasabay ng pagtanggal ko sa kanyang maskara.
Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Nataranta ako at nanlambot ang aking mga binti.
"Ikaw, ikaw si.... Si...", ang tanging nasabi ko noong nakita ko ang mukha ng magnanakaw.
"Oo, Francis! Ako nga ito.", Ang sagot ni Abby Cruz—(ang kaisa-isang babae na nagpatibok sa aking puso. Kaklase din namin siya sa kursong InfoTech bago pan man nangyari ang trahedya na bumago sa aming mga buhay halos limang taon na ang nakalilipas.)
"Inaaresto kita sa salang pagnanakaw!", ang matindi kong sambit habang nakatitig sa kanyang mga mata.
Gusto ko na ipakita sa kanya ang bagong ako matapos niyang durugin ng pino ang aking damdamin noon. Matapos kong iposas ang kanyang kanang kamay, minabuti ko na iposas ang isang bahagi sa kaliwa kong kamay upang hindi siya makawala habang hinahanap namin ang daan pabalik.
"Nasaan ba tayo?", ang tanong niya sa akin.
Napakamot ako at sinabi kong hindi ko din alam. Nais kong tawagan si Jane subalit naiwan ko nga pala sa kanya ang aking cellphone. Ang cellphone naman ni Abby ay walang signal. Tahimik lang kami na bumabagtas sa kawalan ng biglang naramdaman ni Abby ang tawag ng kalikasan.
"Ahm. Francis", ang sabi nya sa akin.
"Oh, bakit Abby? Natatakot ka ba?", ang mapang-asar kong sagot sa kanya.
BINABASA MO ANG
Chains
RomanceA lovestory between Francis (a cop) and Abby (a thief) who were once connected somewhere in their lives. this is one of my first stories. sinulat ko to may 3 years na ang nakakalipas. please tell me your comments and suggestions sa story ko. hehe...