Kabanata 1
" Nay inumin niyo napo itong gamut niyo para naman gumaling na kayo " pagpupumilit ko kay inay na nakahiga sakanyang kama , nginitian lamang ako nito sabay kuha ng gamut .
" nak pasensya kana ha? Pasensya na kung nagiging pabigat na ang nanay ikaw pa tong nag tratrabaho imbis na dapat sarili mo nalang ang iniisip mo "
Umiling ako sabay kuha ng kamay ng nanay at idinampi to saaking pisngi
" nay wag niyo ho isipin nyon ang mahalaga ngayon ay mag pagaling kayo para makapasyal na tayo "
Pag katapos uminom ng nanay ng gamot ay iniligpit ko na ang mga kalat sa kwarto nito saka lumabas. napatitig ako sa kabuan ng maliit naming bahay sa unang tingin sa labas ang aakalain mo na maliit talaga ito pero meddyo maluwag naman talaga para saming mag ina. May dalawang kwarto ito maliit na kusina at banyo. matapos mag muni muni naisipan kong maglinis. habang naglilinis ako ay biglang tumunog ang aking cellphone ng tignan ko ang caller id nakita ko ang pangalan nang aking matalik na kaibigan na si sheena
" hello? "
" girl , may trabaho ako na nahanap para sayo kaso lang baka hindi mo keri "
" nako sheena, hindi na ako mag aatubili na kunin niyang trabaho nayan alam mo naman na kailangan ko ng pera para sa pag papagamot kay inay diba?"
" alam ko naman yun isa kaso kasi medyo alanganin e kasi ganto yan kailanagan mo kasi mag panggap bilang asawa ng isang kilalang ceo "
Medyo natigilan ako sa sinabi niya ako? Mag papanggap bilang asawa ng isang mayamang lalaki? Mamaya isang matandang lalaki na to na nag hahanap ng batang asawa para sa pansariling kaligayahan
" hello? Girl andyan kapa ba??"
Napabalik ako sa wisyo ng biglang mag salita ulit si sheena
" uhmm ... wait shen pag iisipan ko muna ha? " sabi ko
" hays .. sige girl alam ko naman na medyo mag aalinlangan ka e pero kasi napaka laki ng ibabayad sayo pag nag kataon sige tawagan mo nalang ako pag nag bago ang isip mo ha? Ikamusta mo nalang ako kay nanay loyda sige bye ingat kayo"
" bye " pag papaalam ko at ibinaba ang tawag hayst kukunin ko ba ang trabaho?
iwinaksi ko muna ang ideyang iyon at pinag patuloy ang paglilinis ng buong bahay bandang tanghali na ng matapos ako kaya naisipan ko na magluto ng pananghalian namin ng inay napagdesisyonan ko na mag luto nalang ng kare kare dahil iyon ang paborito ng nanay ,
nang maluto ko na ito nag hain na ako ng dalawang plato at dalawang pares ng mga kubyertos ng nakita ko na kaayos na ang lahat pinuntahan ko na si nanay sakanyang kwarto upang tawagan at ng makakain.
kumatok ako ng tatlong beses ngunit walang sumagot pinihit ko na ang sedura ng pinto at halos man lamig ang buo kong katawan nang makita ang katawan ni nanay na nakabulagta sa sahig dali dali ko syang pinuntahan at agad na itinakbo sa ospital
--
lumabas ang isang doktor sa er at nag tanong kung sino ang kamag anak ng pasyente lumapit naman ako agad dito at nag pakilala bilang anak
" dok , ano pong kalagayan ni nanay?"
'' well Ms. to tell you honestly your mom is in a bad condition as you can see mayroon itong sakit sa puso at kaylangan niya ng ma operahan agad''
" ganun po ba doc? sige po mag kano naman po ang aabutin ng operasyon?"
" aabutin ng higit kumulang 300,ooo "
para akong pinagsakluban ng langit at lupa diyoss ko saan ako kukuha ng ganong kalaking pera?
nang masabi ng doctor kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin ay umalis na ito .nailipat na si inay sa isang kwsrto at may kasama siyang 5 pang pasyente na may mga malulubhang sakit . kahit gusto ko siya ilipat sa isang private romm ay hindi ko magawa dahiil napaka mahal .
pumasok na ako sa loob at nakita ang nanay sa pinaka dulo ng silid .nakaramdam ako nang awa ng makita ko na andaming aparato ang naka tusok sa katawan niya. lumapit ako at kinuha ang upuan sa tabi at tinignan ang payapa ngunit nahihirapan na mukha nang inay .
" nay, mag pagaling kayo ha? diba mag papatayo pa tayo ng bahay ? diba hahanapin pa natin ang itay? , nay naman wag ganito lumaban kayo ha?"
taitim na iyak ko habang hawak ang kamay ng inay . makalipas ng ilang sandali ay tumayo na ako at lumabas ng silid upang tawagan ang isang kaibigan .
" h-hello?...s-shen? tinatanggap ko na. "