Prologue: Waves of the Past

446 25 3
                                    

Note: Chapter ahead on Patreon.
-------

Waves of the Past

Ngumuso ako habang tinititigan ang nakatatandang kapatid na tumatakbo sa dalampasigan kasama ang mga kaibigan nito Nakahalumbaba at nakasalampak sa upuan dito sa veranda ng teresa ng aking kwarto habang binabaybay ng aking mga mata ang magandang tanawin sa malayo. The sun cast a golden hue over the sand, and I could hear the distant laughter of my brother's friends as they ran along the shore.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko kasabay ng pag lapag ni Aling Letty ng juice sa table na nasa aking tabihan.

"Inumin mo na itong juice na ginawa ko sayo at 'wag ka nang malungkot pa." Aniya

Nilingon ko siya at sumimangot, "Bakit kasi pwede si Kuya pero ako hindi?" Tanong ko bago muling bumaling sa kapatid ko at mga kaibigan niya.

It didn't seem fair that my Kuya got to enjoy the beach while I was stuck here, feeling every bit like a child despite being almost fifteen.

"Kasi may sakit ka pa, Isla. Kung wala kang sakit, ay sigurado naman ako na papayagan ka ni Señora na bumaba at makihalubilo sa mga bisita." Her motherly tone was always meant to soothe me, but today, it only made me more frustrated.

Bumuntong hininga ako at saka binalingan ang juice sa aking harapan para inumin na 'yun.

Simula umuwi kami dito sa De La Escalera noong isang linggo, ngayon lang ako hindi pinayagan na sumama sa kapatid ko at mga kaibigan niya sa dalampasigan.

Bata pa lang ay nakaugalian na namin pamilya ang umuwi dito tuwing bakasyon, ngunit ngayon taon ay nagpasya na ang mga magulang ko na dito na tumira para tuluyan nang maasikaso ang farm. It was an abrupt change in our lives, and I still hadn't adjusted. My friends were all in Manila, and now, here I was in this secluded paradise that felt more like a prison.

Ayos lang naman sa akin ang dito na tumira dahil mas gusto ko pang kasama sila Mommy kaysa ang palaging naiiwanan mag isa sa bahay dahil lang sa sobrang busy nila sa trabaho at farm. But something about this place always made me feel like an outsider.

Kaya ngayong senior highschool na si Kuya ay saka sila nag desisyon na lumipat na. I don't mind at all, pero minsan namimiss ko rin ang ingay ng Maynila. Mas gusto ko nga ang simoy ng karagatan kaysa sa polusyom sa siyudad, pero hindi pa rin nawawala ang pakiramdam na parang may kulang. Maybe it was the sense of isolation or perhaps the realization that my childhood was slipping away.

"Ang tigas naman kasi ng ulo mo. Pinagsabihan na kita kahapon na 'wag ka na munang mangabayo dahil sa ubo mo." Ani Aling Letty, na ngayon ay nakatayo na malapit sa pinto ng veranda.

Ngumuso ako at ibinaba ang baso sa coaster saka binalingan si Aling Letty. "Hindi ko naman po kasi alam na magiging lagnat ang ubo ko nang ganoon kabilis." Sagot ko, palusot na alam kong walang epekto sa kanya.

Umiling siya bilang pag protesta. "Bilisan mo na lang inumin 'yang lemon juice mo para tumalab sa sipon mo saka ka pumasok sa loob." Aniyang muli bago ako iwanan

Inilatag ko ang dalawang braso sa baradilya at saka ipinatong ang ulo habang nakatingin sa karagatan. The sun was starting to dip lower, casting a warm orange glow over the horizon, painting the sky in shades of pink and purple. It was the kind of sunset that could your breath away, if only I wasn't so distracted by my frustration.

Sa baba, masaya ang lahat na nagkakantahan, naghahabulan, at kung ano pa. Naririnig ko pa ang malakas na tawa ni Kuya kasama ang mga kaibigan niya. Noon, ako ang palaging nasa tabi ni Kuya. Pero ngayon, tila ba mas napapalayo na ang mundo namin. Siguro ay dahil na rin sa agwat ng edad naming dalawa.

De La Escalera Series 1: Midnight WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon