Chapter 6: Jerk

32 2 2
                                    

     By 4:30 p.m. tapos na ang klase at uwian na namin. Inayos ko na ang gamit ko at ganun din si Marie. "Dadaan pa ba tayo ng locker?"
     "Oo, lalagay ko yung libro ko."
     Share kami ng locker ni Marie para tipid at lagi din kaming sabay na nauwi at napasok. I guess that's how best friends are.
Nakababa na kami ng building at paliko na kami papuntang locker room ng magsalita si Marie. "Pansin mo ba nagcutting yung bago mong love team?"
I rolled my eyes at her. "Marie hindi ko siya ka love team, okay? At wala akong paki kung nag cutting man siya."
"Ikaw naman! Masiyado kang defensive. It was just a question."
"Eh hindi ko naman kasi siya love team. Never na mangyayari yon."
She laughed at my remark. "Okay po. Bat ba kasi mas gusto mong umasa kay Christian?"
I looked around to check if someone heard what she said. "Wag ka ngang maingay diyan."
"Seriously nelle, move on na girl!"
Madaling sabihin yan pero mahirap gawin. Si christian ang first crush ko, never pa ako nagkacrush sa kahit na sino. Sa kanya ako unang kinilig at gusto ko siya ang unang maging boyfriend ko
Hindi ko siya basta basta makakalimutan. Malapit na kami sa locker namin but bigla na lang napatigil si Marie sa paglalakad.
"Oh bakit?"
Ngumuso siya sa di kalayuan. That asshole is standing at the end of the locker room, he's talking with his girlfriend.
Matapos ng ginawa niya kanina sa canteen, ngayon kinakausap niya girlfriend niya. Buti may naniniwala pa sa mokong na to?
Ang tanga na lang ng babaeng to kung magpapauto pa siya sa lalaking yan. Sayang lang ang ganda niya. Marie is looking at me with sympathy. I knit my eyebrows. Bat ba ganiyan siya tumingin sakin?
"Tutuloy pa ba tayo o tutunganga na lang tayo dito?"
Naglakad na siya ulit. She shifts her gaze between that asshole and me. They finally noticed us nung binuksan na ni Marie yung locker.
     Narinig ko yung mga hikbi nung babae. I tried my best na wag tumingin sa kanila. Naaawa ako dun sa babae dahil tong mokong na to pa ang minahal niya.
     "Ayaw mo pa din maniwala? Fine." He said slightly louder para marinig namin.
     Sa tono niya parang siya pa nagmamalaki. Janelle wag kang titingin sa kanila. Bat ba kasi ang tagal ni Marie maglagay ng libro niya?
Pagtingin ko kay Marie nakita kong nanonood pala siya dun sa dalawa. Kaya naman pala hindi kami umuusad dito.
Narinig kong naglakad yung mokong pero hindi ko pa din sila tinignan. I'm suddenly being forced to whirl around.
     Nakaakbay sakin ng mahigpit yung mokong. Ano bang ginagawa niya?
     I struggled to get away from him pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakaakbay niya sa balikat ko.
     Nakatingin samin yung girlfriend niya na para bang nawalan na ng pag asa. "Yes Sage. I cheated on you pero gusto kong makilala mo pa din siya."
     Ha?
     Hindi siya nagsalita at hindi din siya tumingin sakin. "No, ate wag kang mani-----"
     Hindi na niya ako pinatapos. "Sorry sage but mas pipiliin ko siya." He purposely said even louder to drown out what I said.
     Sa lapag na lang nakatingin si Sage. Damn bakit ba ako napapasali dito? I glare at him and he smirks in return.
     "Hindi po toto-----"
     Nilipat niya ng mabilis yung braso niya sa leeg ko at bigla niya na lang akong niyakap para hindi ko maituloy ang sinasabi ko.
     Naamoy ko kaagad ang pabango niya dahil nasa dibdib niya ang muka ko at mukang wala siyang balak na bitawan ako.
     Narinig kong tumawa siya habang nagpupumiglas ako. Sino ba siya sa akala niya? Kung yakapin niya ako ganon ganon na lang.
     Dinadamay niya pa ako sa mga kalokohan niya.
     "Thanks a lot aaron. I hope you're happy."
     Hindi ako tumigil sa pagpupumiglas kahit na narinig ko yung sinabi ni sage. Pagkatapos non binitawan na ako ng mokong.
     Nakita kong naglalakad na palayo si Sage. I glare at him. "Ang sama ng ugali mo eh no?"
     Tumawa siya. "Babycakes gusto mo ba ihatid na kita?"
     "Gusto mo bang sapakin na kita?"
     "Maghanda kana dahil nag uumpisa pa lang to."
     Ha?
     Nag uumpisa pa lang siya. Wag na ako please, pwede bang iba na lang?

***

Cheated by CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon