Chapter Eight

3.5K 176 33
                                    

Lissy's POV

Kanina pa kami nagbabyahe ni Kiel at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta. Ang sabi nito kanina ay may bibilhin daw kami, ilang malls na ang nadaanan namin pero diritso pa rin ang pagmamaneho nito.

"Saan ba talaga tayo pupunta? Ilang malls na ang nadaanan natin, ano ba ang bibilhin mo?"

"We are not buying anything, we are going on a short vacation." nakangisi niyang pahayag.

"What?! Vacation? With you? Seriously? Alam mong hindi magiging bakasyon kapag magkasama tayong dalawa." hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya. Kami magbabakasyong magkasama? Hell no!

"Ang sabi kasi ng iba, kapag nagbakasyon daw na magkasama ang dalawang tao mas nagiging malapit sila sa isa't-isa. Maybe we need this, us time together. Malay mo magkasundo rin pala tayo. Take this as my peace offering to you as well. Pleaseeeeee, lets give it a try." parang nagpapaawa pa na sabi niya.

"Nasisiraan ka na ng bait." naiiling na sabi ko sa kanya. "Dapat kinunsolta mo muna ako bago mo ako kinidnap."

"Kinidnap? Kusang loob kang sumama sa akin, hindi kita pinilit."

"Yeah, dahil iba ang sinabi mo. Kung sinabi mo na ito ang plano mo, hindi ako sasama."

"The same reason I didn't tell, dahil alam kong hindi ka sasama. Come on, Liz, don't be so childish, I am trying my best to make things work for both of us. Tulungan mo naman ako." tila may iritasyon na sabi niya.

"The only reason I don't want to make things work between the two of us is because you want me to marry you. I don't want to marry you or anybody else right now! Mahirap ba intindihin 'yon?" naiinis na turan ko.

I feel frustrated right now! Last night, we argued about the marriage thing again. At alam kong iyon din ang dahilan kaya niya ginagawa ang bagay na ito.

Tinigil nito ang sasakyan sa gilid ng daan at saka humarap sa akin. Hinawakan nito ang baba ko at ihinarap sa kanya para magtama ang aming mga mata.

"Okay. I'm sorry," may lungkot na sabi niya. "Maybe you are right, pinipilit kita sa bagay na ayaw mo. I'm sorry if I imposed on you on something as complicated as marriage. Maybe we can be friends, real friends. We can start from there, if we are really meant for each other, then let destiny make its work. So, friends?" inilahad niya ang kamay at puno ng sinseridad ang mga mata niya habang sinasabi ang mga salitang iyon.

"Not quite, but okay lets work on our friendship for Snow's sake. Friends." tinanggap ko ang pakikipagkamay niya sa akin.

"Alright! Now, let us enjoy this vacation, I promise you, you will love the place," masayang sabi niya saka ipinagpatuloy ang pagmamaneho.

Mga kalahating oras pa kami nagbyahe nang tumigil ito sa isang parking area. Wala akong nakikitang establisyemento na malapit kundi puro bundok. Nasaan ang mga hotel dito? tanong ko sa sarili ko.

"Nandito na tayo," masayang sabi ni Kiel saka bumaba sa sasakyan at pumunta sa likod.

Bumaba na rin ako ng sasakyan at inilibot ang paningin sa paligid namin. Malamig ang hangin kahit mataas na ang araw at masarap ang simoy ng hangin. Pero nakapagtataka talaga na wala ni kahit isang bahay kubo rito.

"Are you sure na rito ang punta natin? Uuwi rin ba tayo agad mamaya?" puno ng pagtataka na tanong ko kahit nasa likuran pa rin siya ng sasakyan.

Short vacation? Hmmm, baka buong araw lang naman ang ibig niyang sabihin. Isip-isip ko, habang nililibot pa rin ang paningin. Napaka-relaxing ng lugar. I am not adventurous, I prefer beaches and hotels as vacation. Pero itong bundok? Hindi ko pa nasubukan but I don't think I'll like this kind of vacation, kahit pa relaxing ang tanawin.

OPPOSITE POLES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon