Chapter 1

31 2 3
                                    

"Alice..."

Lumingon ako sa likod ko kung saan naririnig ang boses na tumatawag sa akin at dun ko nakita ang isang lalaki.

"Alice..."

Nakatitig lang ako and can't utter a word. Familiar kasi yung itsura nung lalaki. Pero baka nagkakamali lang ako, because the truth is, hindi ko naman makita yung itsura niya. Ang weird diba?

Hindi ko rin magawang gumalaw. Feeling ko kasi, may line na naghahati samin kaya hindi ko magawang makalapit sa kanya.

"Alice..."

Bakit ba paulit-ulit niya akong tinatawag? Siya kaya lumapit dito!

Tumingin-tingin ako sa paligid pero wala akong nakita kung hindi puno at mga halaman. Mayroon din mga bulaklak na may iba't-ibang kulay.

Napangiti ako dahil sa kakaibang ganda. Pero mabilis na naglaho ang ngiti ko nung biglang dumilim ang paligid.

Lumingon ulit ako para makita yung lalaki kaso wala na siya. Inilibot ko ang aking paningin para hanapin kung nasaan yung lalaki hanggang sa mapatingin ako sa aking kaliwa. There I saw him.

Bigla akong nakaramdam ng takot.

He's staring at me hanggang sa unti-unti siyang makalapit sakin.

Hinawakan niya yung isa kong kamay at sinabing, "Let's run,"

Bakit kami tatakbo? Anong tinatakbuhan nami-

"Tae! Bilisan mo!" sigaw ko sa kanya sabay hampas sa balikat niya.

Pagkalingon ko kasi, may mga kung anong nilalang ang humahabol samin. Mukha silang mga duwende, but ugly version. May matulis silang tenga tapos berde naman ang kanilang balat. Nakakatakot ang mga itsura nila.

"Kobald," he said out of nowhere.

Napatingin ako dun sa lalaki, "Huh?"

"Kobald ang tawag sa kanila."

Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa likod niya, "Di ko naman tinatanong-"

"Halata sa mukha mo."

Grabe lang ha! Napaka antipatiko pala nitong lalaking 'to! Leche eh!

Lumingon ulit ako para makita kung gaano na sila kalayo sa amin pero- lanjo! Ang bilis pala nilang tumakbo! Hindi ba sila napapagod?

Dahil sa takot, tumakbo ako ng pinakamabilis na takbong kaya kong gawin.

"Ajdhsjdk-" na lang ang nasabi ko nung matalisod ako sa isang malaking bato na nakaharang sa daan.

Napatigil yung lalaki sa pagtakbo at tumingin sa akin.

Umupo siya hanggang sa naging magka-level na ang mata namin.

"Can you run?"

"Sa tingin mo?!" Iritang sabi ko sa kanya.

Fudge! I can't move. Mukhang na-sprain pa yata ang ankle ko dahil sa pagkakatalisod.

At grabe lang ha! Ni hindi man lang niya ako magawang alalayan tumayo.

"Bilisan mo diyan! Malapit na sila," tiningnan ko ng masama yung lalaki.

"Ano?"

Leche. Nakakainis pala ang ugali neto eh!

Pero wala rin naman akong nagawa kung hindi ang sumunod na lang sa sinasabi niya. Kaysa sa makain pa ako ng mga panget na nilalang na to.

Nung makatayo na ako, hinawakan nung lalaki yung balikat ko at inalalayan akong mag lakad.

"Magtago muna tayo dito," pumunta kami sa likod ng isang malaking puno at dun kami nagtago.

Sa sobrang tahimik ng paligid, tanging sigaw lang ng mga Kobald ang naririnig namin.

Tahimik lang kaming dalawa pero pasulpyap-sulyap ako sa kanya, "Ano pangalan mo?" tanong ko out of nowhere.

Tumingin siya sakin. Pero kahit na nakatingin siya sakin, hindi ko pa rin makita yung itsura niya. Ang weird talaga.

Magsasalita na sana ulit ako nang biglang may lumabas na ball of light sa harap namin.

"Alice–", hindi ko na narinig yung iba niyang sinabi dahil bigla akong nakaramdam ng antok.

***

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 04, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Phantom BlissWhere stories live. Discover now