Lei
Naka-confine ako dito sa ospital kung saan ako nagpapacheck-up.
Natatakot ako na baka dito ako mag-stay sa mga araw na nalalabi ko.
Ayoko dito.
Umingit ang pintuan at iniluwa nung ang nag-aalalang mukha ni Sebastian.
"Are you alright?" Lumapit agad siya at hinawakan ang mga kamay ko.
Tanging tango lang ang ibinigay ko."Kumain ka na ba? What do you want?" Di pa rin nawawala ang pag-aalala sa kanya.
"Seb, ayoko dito. Ilabas mo ako dito." Ayoko talagang sayangin ang oras ko dito."You need to, kailangan mong magpalakas." Sabi nito.
"Please, Seb ayoko talaga dito. Kung ano-ano ang sinasaksak nila sa katawan ko." Sabi ko. Napansin kong namamasa ang mga mata niya."L-Lei, i- i need to tell you something." Nababasag na rin ang boses niya. Di ako kumibo pero hinihintay ko ng sabihin niya ang gusto niyang sabihin.
"Before it's too late, I want you to know na mahal na mahal kita." Nanigas ako sa kinauupuan ko. Mahal? Mahal niya ako? Mahal niya rin ako?
"H-hoy ikaw ha nagbibiro ka naman haha." Gusto ko pa sanang lalong tumawa pero bigla ng tumulo ang mga luha niya.
Di siya sumagot. Alam ko ng totoo ito.
"S-seb, wag ako." Tumigil muna ako para pigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. "Wag ako yung mahalin mo, wag ako yung piliin mo. Di ako yung tamang babae para sayo." At tumulo na lang ang luha ko. Hindi ko na kayang pigilan.
"Pero bakit?" Tanong niya.
"Hindi mo maiintindihan pero darating din ang panahon na mauunawan mo kung bakit hindi ako ang dapat mong piliin." Humahagulgol na ako."Ako, nung pinili mo ako, nung ako yung napili mong kilalanin, nung ako yung pinili mong halikan at ako yung pinili mong makasama sa lahat ng nasa listahan mo. Pwedeng bang ako naman? Ako naman ang pipili sayo." Naguluhan ako. Listahan? Pili? Alam niya na kaya?
"Alam ko na may taning na ang buhay mo, oo sobrang sakit nung nalaman ko. Tanggap ko na pwede kang mawala anytime. Pero pwede ba? Ako na lang ang kasama sa nalalabing araw mo dito sa mundo? Mahal kita." Di ko alam pero ang sakit, paano siya pag nawala na ako?
"Paano ka? Pag nawala ako?." Yun na lang ang nasambit ko.
"Wala akong pakealam. Ang importante ay ngayon." Di talaga pwede.
"Umalis ka na, Seb." Sabi ko ng ilipat ko ang tingin ko sa dingding ng ospital.
"Lei, mahal mo ba ako?" Oo sobra. Yan ang gusto kong isagot pero di ako nagsasalita. Nanatili lang akong nakatingin sa dingding.
"Lei, mahal mo ba ako?" Lumapit na siya at hinawakan ang magkabila kong balikat.
"Adelyda, mahal mo ba ako?""OO SOBRA!" napaharap na ako sa kanya ang nagpatuloy ang pagtangis ko. "Sobra kitang mahal kaya gusto ko iwan mo na ako, di ako ang babaeng para sayo. Di magtatagal magiging malamig na bangkay na lang ako at hindi mo na ako makakasama. Mahal kita kaya gusto ko maging masaya ka."
"Hindi ka magiging masaya sa aki--"
Hindi ko na naituloy ang sinasabi ki dahil inilapat niya na ang labi niya sa akin.
Hinalikan niya ng ng puno ng pagmamahal.
Ng humiwalay siya ang tumingin siya sa mga mata ko.
"Sayo ako sasaya, tandaan mo yan." At niyakap niya ako ng mahigpit.
...
Pangatlong araw ko na dito sa ospital at umay na umay na akong makita ang puting pintura ng dingding nito.
"Argh gusto ko na umuwi!" Bulaslas ko na may inis.
"Uy easy lang, baby, magpapagaling ka muna diba? Si Seb.Kami na ni Seb at wala ng hihigit sa sayang nararamdaman ko.
Pumayag na akong magpagamot at labanan ang sakit ko.
"Eh kasi naman, gusto ko na umuwi eh." Naiinis na talaga ako.
"Sige, magpapaalam tayo mamaya kay Doc kung pwede kitang ipasyal okay?"At ngumiti ako na may tango.
Hinalikan niya ako sa noo. Napaka-sweet ni Seb at matiisin. Kaya lalo akong ginaganahan na lumaban sa sakit ko.*tock *tock
Ay iniluwa ng pinto yung doctor ko.
"Goodmorning, doc." Bati ni Seb.
"Goodmorning din, goodnews, unti-unti ng lumalakas si Lei and pwede na siyang idischarge tomorrow." Excited na ako."Uy date tayo bukas ha?" Sabi ko habang nakangiti.
"Busy ako eh." At nakakaloko itong ngumiti na tila'y nangaasar."Break na tayo." Sabi ko.
"Uy joke lang, araw-araw tayo mag date kung gusto mo baby eh." At niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi."Okay, pwede na ba akong lumabas?" Ay andito pa pala si Doc, nakakahiya.
"Thank you, doc" at lumabas na ng tuluyan si Doc."So, saan mo gusto pumunta?" Tanong ni Seb.
"Kahit saan basta ikaw kasama ko." At hinigpitan ko ang kapit sa kamay niya.Sana hindi na matapos ito.
...
BINABASA MO ANG
The bucket-list
BeletrieAdelyda Mejia or Lei is given only 2 months to live. So she made herself a bucket-list that consist all the things she wants to do before she goes away. And along the way she will meet Sebastian Valeroso or Seb. Seb will be Lei's companion along her...