Lei
Nagising ako sa isang magandang lugar.
Lugar na kailanman ay hindi mo makikita sa magulo at napakasamang mundo.
Napaka-peaceful at parang ayoko na umalis.
May natanaw ako na isang familiar na pigura. Nagwala ang puso ko sa saya na makita siya.
Tumayo ako patakbong sinalubong siya.
Pagkayakap ko at sinalubong niya ang labi ko ng kanyang.
At nung humiwalay siya at tinignan ko siya ng maigi.
"Buhay ka nga!" At nangingilid ang mga luha kong niyakap siya."
...
Umupo kami sa damuhan at hindi ko binibitawan ang mga kamay niya.
Baka kasi umalis nanaman siya.
"Baby, balita ko hindi ka daw kumakain." Sabi niya. At napatingin ako sa kanya.
"Gusto ko kasi ikaw kasabay ko." Sabi ko habang nakangiti.Ngumiti lang siya.
"Baby may ikekwento ako." Sabi niya habang nakatingin sa kalangitan.
"Go on, i'm listening." At hinigpitan ang kapit sa kanya."Nung nalaman ko na walang brake yung kotse ay wala akong ibang inisip kundi ang kapakanan mo. Ang gusto ko kasi, kahit mawala ako ay itutuloy mo ang pagpapagaling para ituloy ang mga pangarap natin." Napatigil ako. "Kahit masakit na hindi na kita makakasama ay hindi ko yun inintindi. Dahil kung mawala man ako ay sure ako na naging masaya ako kasama ka." Naguumpisa na siyang humagulgol.
"Kaya tinanong ko sayo kung gaano mo ako kamahal, at sa sagot mo lang ako kumapit." At tumingin siya sa akin. "At hanggang ngayon nasa puso ko pa rin yun kahit hindi na tayo magkasama." Hindi ako sumasagot dahil umiiyak na rin ako.
"Pinangako mo sa akin na kahit wala na ako ay magpapatuloy ka pa rin mabuhay, diba?" Tumango ako.
"Please, kahit yun lang. Tuparin mo para sa akin." Kahit mahirap, alam ko kasing yung ang magpapaligaya sa taong mahal ko.
"Promise." Sabi ko.
"I love you."
"I love you, too"At sa huling pagkakataon ay humalik ako sa kanya. At niyakap ko siya ng sobrang higpit.
...
Nagising ako sa isang puting kisame.
"Lei? Anak? Lei?" Ospital nanaman ako nagising. Panigurado suki na ako ng ospital.
Inilipat ko ang tingin ko sa nagsasalita.
Yung stepfather ni Seb.
...
"So, kayo po yung daddy ko?" Tanong ko kay Tito Arnold.
"Oo, anak, pasensya ka na at iniwan ko kayo ng mama mo. Hindi ko pa rin kasi matanggap na isa na akong ganap na ama."Sa totoo lang wala naman akong galit dahil pagkaulila ang nararamdaman ko.
"Tawagin mo akong Papa, kung okay lang." Sabi niya.
"S-sige po papa." Ngumiti ako at hinalikan niya ang likod ng kamay ko."Eto dapat yung surprise ni Seb, ipinaalam ko sa kanya na ako ang daddy mo." Napangiti ako.
"Sa totoo lang nung una pa lang kitang nakita, alam ko na ikaw ang anak ko. Kamukhang kamukha mo ang mommy mo." Kwento nito.
Napangiti ako, mahal na mahal nga talaga ako ni Seb.
Tinapos niya ang bucket-list ko.
Niyakap ko ang papa ko. Kahit papaano ay may rason na akong mabuhay.
...
BINABASA MO ANG
The bucket-list
General FictionAdelyda Mejia or Lei is given only 2 months to live. So she made herself a bucket-list that consist all the things she wants to do before she goes away. And along the way she will meet Sebastian Valeroso or Seb. Seb will be Lei's companion along her...