Chapter 04: The New Kyrille
Kyrille's POV
Pangalawang araw na namin dito sa beach resort, aalis na kami mamayang gabi. Siyempre, babalik na kami sa America.Tanghaling tapat ngayon kaya medyo masikat yung araw tapos nakababad sa tubig yung dalawang bata.
Baka umitim sila kaya agad ko na silang pinuntahan.
"Sweetie" tawag ko sa kanila. Agad ko namang nakuha yung atensiyon nila.
"Mommy, halika po dito. Sama ka sa amin. Nagbubuo si Kuya Renren ng castle gamit yung sand" sabi ni Winwin.
"Mamaya niyo na lang iyan ipagpatuloy, okay? Mainit na oh, baka masira yung skin niyo niyan atsaka mamaya maglalaro tayo dito tapos sasakay tayo ng boat papunta dun sa kabilang isla bago tayo umalis" sabi ko.
"Sige po mommy" sabi nila at hinila ako.
"Ay Winwin. Iwan muna natin si Mommy dito" sabi ni Renren kaya napakunot naman yung noo ko.
"Huh? Why would we do that?" Tanong niya. Bumulong na lang si Renren kay Winwin.
"Sige po, mommy. You will just stay here for a while. Tawagin ka na lang po namin mamaya" sabi nila.
Kahit medyo nawe-weirduhan ako sa kanila ay tumango na lang ako sabay ng pag-alis nilang dalawa.
Umupo ako dito sa may buhangin at tiningnan yung alon ng dagat.
They say, salt water heals all wounds and I just think that I should live in the ocean forever to heal my own wounds. But I know, My wounds are too deep to be healed.
But I will never know if I wouldn't try. And maybe... just maybe the waves of the ocean... may get me back.
Naalala ko si Xander. Paano kaya kung sinabi ko sa kaniya noon na ako si Koreen? Ako kaya yung pipiliin niya?
Pero masakit lang isipin na mahal lang niya ako bilang Koreen hindi yung tanggap niya ko bilang si Kyrille.
Siguro akala nila hindi ako nasasaktan but I do. Maybe not physically but emotionally.
Paano kaya pag nalaman na nila ang totoo? Na buhay pa ako at ako ang tunay?
Lalo na siya.
Hindi ko alam pero parang may nakatingin sa akin kaya napalinga linga ako pero wala namang tao. Tumayo na ako at nagpagpag pero nagulat na lang ako ng pagtalikod ko...
Xander's POV
Nang mamukhaan ko siya ay agad kong tinawag sina Skyler. Ayaw pa nga nilang maniwala pero sabi ko puntahan namin para makita nila.Nang makalapit kami dun ay siyang pagtalikod niya.
Napanganga na lang ako. Hindi ako maaaring magkamali. Siya nga ito.
"Kyrille..." sabi ko at niyakap siya. Naramdaman kong bigla siyang nanigas dun pero agad din niya akong tinulak.
Hindi ako makapaniwala. Buhay siya. At nasa harap ko siya ngayon.
Ang laki ng pinagbago niya. Hindi mo makikita yung expression sa mukha niya.
"Who are you?" Nakakunot noong tanong niya.
"Kyrille..." bigkas ko ulit sa pangalan niya.
"Im sorry? I think your talking with a wrong person" sabi niya.
Napakunot noo na lang din kami sa inasta niya. Anong sinasabi niya?
"Kyrille, ikaw yan diba?" Sabi nina Skyler at Khionne tapos niyakap nila si Kyrille pero tulad ng ginawa niya sa akin, tinulak niya lang din sila.
BINABASA MO ANG
Book II: Love The Way You Die #YourChoice2018
RomanceHighest Rank #19 in Action/June-06-17 This is the Book 2 of The Gangster Heiress/ Love The Way You Lie. On-Hold po muna itong story due to some reasons and privacy concerns. tsaka focus muna ako sa study ko. Salamat sa lahat ng sumuporta.