Sa iyong mga matang tila nangungusap,
Na tuwing saki'y titingin para akong nasa alapaap.
Sa iyong mga ngiti na lalong nag pahulog sa akin.
Hindi ko alam kung ano sayo'y nakita.
Ngunit ang alam sa sarili'y mahal na kita.
Simula ng aminin sa sarili'y ako'y nangako na.
Nangakong pagka ika'y may mahal na, ako'y lilimot na.
Ilang araw ang nag daan, ako'y lalong nahuhulog.
Titingin ka sa'kin at may kasama pang ngiti.
Di ko mawari kung bakit, pero sa bawat sulyap at pagngiti mo
Ay parang may mga paru-paro sa aking tyan.
Sabi ng iba ako'y iyong pinapaasa lamang
Pero eto akong si tanga, sige parin ng sige.
Ngunit ilang buwan at linggo ang nag daan
Ika'y umamin
Umamin na may gusto kana.
May gusto ka ng iba..
Hindi ko tinanong kung sino, dahil ayokong masaktan.
Ayokong kalimutan ka,
Ayokong umalis kung saan moko iniwan.
Ayoko dahil ako'y umaasa
Umaasang ika'y babalik
At sa iyong pag balik baka ako'y wala na.
Ngunit ano pa bang gagawin ko?
Ikaw na mismo ang nag sabi na hanggang kaibigan mo lang ako?
Wala na talagang sing tanga ko.
Yung kahit ang sakit sakit na,
Heto parin ako nag hihintay na mapansin mo.
Ewan ko ba kung ba't kay manhid mo.
Pero hindi ko rin alam kung bat sobrang tanga ko.
Sabi ng iba ako'y dapat lumimot na
Dahil ako'y sobrang nasasaktan na.
Siguro nga tama sila
Ngunit hindi ko alam kung pa'no umpisahan
Ngunit kahit hindi ko alam
Pipilitin ko
Dahil, masakit na.
At ngayon ako'y lilimot na.
Lilimot kahit wala tayong naumpisahan.