Chapter 37

6.8K 225 19
                                    

Autumn Nicole Miller on the media ^_____^

Enjoy the UD for today!

Read. Vote. Comment

-cutelittletiger18

Autumn's P.O.V

Pagkatapos maplay nung unang visual presentation ay nagpatuloy kami sa pagkain. Hindi na namin binalikan yung DJ dahil nainis ako sa DJ na yun! Paano ba naman ang kinuha nilang DJ ay babae! Bakit hindi nalang lalaki! Kung makatingin sa Mine ko parang tutunawin niya anytime eh! Tapos pag sa akin titingin, bigla nalang niya akong iirapan. Kaya niyaya ko na si Ice dito sa assigned table para sa amin dahil baka makalbo ko yung DJ na yun! Naiwan don si Trixie, siya nalang yung pinagbantay namin.

Hindi naman namin siya pinakiusapan basta iniwan na lang namin siya ni Ice.

"Snow, Storm, after nating kumain pakiannounce na magsisimula na yung dance churvaness." Winter.

Nangangapa sila Snow sa paghohost dahil wala talaga kaming practice. Pero buti nalang ay nagagawa pa rin nila yung role nila at enjoy silang maging host.

"Okay. Tapos diba after nung dance churvaness na sinasabi niyo ay may last pang ipiplay na visual presentation?"Tanong ni Snow

"Yeah. Yun na yung last tsaka after nun pwede na talagang mag-enjoy ng todo todo." Rain

"Okay." Sagot naman ni Snow

Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Kaso lang itong si Cloud hindi pa yata nakamove on sa sinabi ni Snow kanina.

"Autumn malakas ba?" Cloud

Wag mong sabihing yung tinutukoy niya yung ano ko!

"Anong malakas na sinasabi mo? Sasapakin kita Cloud kapag yung tungkol sa monthly visitor ko yung tanong mo!" Singhal ko sa kanya.

Nakita ko namang natawa siya maging ang iba pa naming mga kaibigan. Halatang pinipigilan pa ni Cloud yung tawa niya para lang makapagsalita siya pero wala eh di niya talaga mapigilan.

"Hahahaha laughtrip ka Autumn. Hindi yung bwisita mo yung tinu---" -_____-

Hindi niya matapos tapos sinasabi niya dahil bigla nanaman siyang tatawa. Seriously? Kung hindi ko lang talaga kilala tong si Cloud baka isipin kong baliw to.

"Panget umayos ka nga! Hindi maintindihan yung sinasabi mo eh!" Winter

"Oo nga Cloud! Ayusin mo nga yung sarili mo! Tignan mo oh nagagalit na yung Mine ko!" Ice

Tumikhim naman si Cloud at inayos yung sarili niya. Pero ang baliw lang talaga niya dahil di niya parin matigil ang pagtawa niya. Tinignan ko naman siya ng masama kahit nakamask pa ako.

"Sorry na hahaha!" Sabi niya

"Ano ba kasi yung sinasabi mo?" Tanong ko. Medyo tumaas na yung boses ko dahil naiirita na ako.

Siguro ganito talaga ako kapag meron. Moody ako eh.

"Tinatanong ko kung malakas ba masyado yung background music para sana mapahinaan natin sa DJ. Pfft!"

Napa-pokerface nalang ako dahil tumawa nanaman siya. Mabulunan ka sana!

"Acck! Acck!"

"Panget tubig oh!"

Nagmamadaling inabutan ni Winter ng tubig si Cloud. Pfft! Nabulunan nga! Hahahaha ang galing ko talaga!

"Yan kasi ehh tawa ng tawa! Nabulunan tuloy!" Sermon ni Winter sa kanya.

Princesses In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon