Chapter 38

6.3K 241 34
                                    

Blake Swift on the media ^____^

Enjoy the UD for today! God Bless readers! Spread the love and PID!

Read. Vote. Comment

-cutelittletiger18

Blake's P.O.V

'Everybody loves you Princesses, but me? I despise all of you!'

Paulit-ulit kong binabasa ang sulat na ipinadala sa bar kahapon para kina Snow. May kasama din itong kahong laman ay isang patay na pusa. Hindi ko ibinigay kina Snow ang sulat. Alam kong siya ang nagpadala nito. Kailan ba siya titigil? Hindi pa ba siya nakuntento? Nasira na niya ang relasyon namin nila Snow! Nalaman narin ng lahat ang tungkol sa sikreto nila! Pero bakit hindi parin siya tumitigil? Kung ano man ang pinaplano niya, I swear, I'm gonna stop her.

Pumasok ako sa office ni Tito Brian (Dad ni Snow) habang dala dala ang kahon at sulat.

"Good Morning po Tito!" Bati ko

"Good Morning din Blake. What brings you here?" Tanong niya

Inabot ko sa kanya ang kahon at sulat. Kita sa mukha niya ang pagtataka.

"Tito may nagpadala po niyan kahapon sa bar. Para daw po kina Snow. Binuksan ko na po. Hindi pa po nila nakikita iyan. Ang ikinatatakot ko po ay baka mapahamak po sila Snow habang nandito pa po sila sa Pilipinas." Pagpapaliwanag ko.

Nakita kong binasa niya ang sulat at binuksan din niya ang kahon. Kita sa mukha niya ang pagkagulat.

"I'll hire a private investigator regarding this matter. Habang hindi pa naayos ang mga visa nila ay gusto kong bantayan mo at ng mga kaibigan mo ang anak ko at mga kaibigan niya. Blake wag mong hahayaang may mangyaring masama sa kanila. Please hijo." Tito Brian

"Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya para maprotektahan sila." Sabi ko.

"Salamat Blake."

Tumawag siya ng isang guard at ipinatapon sa kanya ang kahon at ang sulat. Inaya niya na ako sa labas at nakita ko doon si Tita Brittany (Mom ni Snow). Binati ko siya at ganon din naman siya.

Nagkukwentuhan kami ng makarinig kami ng isang sigaw. Nagmula iyon sa kwarto ni Snow.

Kaagad naming siyang pinuntahan sa kaniyang kwarto. Nakita namin siyang nakaupo sa gilid ng kanyang kama habang umiiyak.

Kaagad siyang nilapitan ni Tita Britt at niyakap.

"M-mommy bakit po ganito? B-bakit po laging ako yung nasasaktan? Mommy ayoko na pong masaktan. Sawang sawa na po ako." Hirap na sambit ni Snow.

"Sshh baby stop crying okay? Everything will be fine." Sabi ni Tita Britt at pinunasan ang mukha ni Snow.

"Snow." Tawag ko sa kanya.

Lumingon naman siya sa akin at nakita kong nagulat siya.

"What are you doing here?" Tanong niya.

"Snow I'm sorry." Sorry for everything. Hindi ko sinasadya. Gusto kong sabihin ang lahat ng iyan sa kanya pero hindi ko magawa.

"Leave." Walang kaemo-emosyong utos niya sa akin.

"But---" hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil sumigaw siya.

"I SAID LEAVE!" Sigaw niya.

"Blake you should go." Sabi ni Tita Britt at nginitian ko.

Yumuko nalamang ko at lumabas ng kwarto niya. Galit parin siya sa akin. Kailan ba niya ako mapapatawad?

Princesses In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon