Habol ko ang hininga habang tumatakbo ako palayo. Ang gusto ko lang ay makalayo na ditoUmagos ang luha sa mata ko at napahawak sa dibdib ko.
"Miss ayos ka lang?"
"Miss?"
"Anong nangyari?"
Wala akong pinapakinggan, Minsan pala nakakabingi nalang masaktan.
Takbo lang ako ng takbo,Saan nga ba ko pupunta? Kabisado ko ang daan pero bakit parang wala ng direksyon ngayon.
Tumigil ako at nagpalinga-linga. Bakit parang naging bago na lahat sa paningin ko?
May mga taong naglalakad pero humihinto pag nakikita ko.
"Kailangan mo ba ng tulong iha?"
Napatingin ako sa matandang lumapit sakin.
Umiling ako dito pero kasabay nito ay ang pag-agos na naman ng panibagong luha,nanghina ang tuhod ko at napaupo.
Pano nyo ko tutulungan? Pano nyo tatanggalin yung sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko?
Why...
Why i suddenly feel so lost?
Napabuntong hininga ako ng muling idilat ang mata ko at napangiti.
"Finally" After 6 years of living far away here it feels still the same.
"Clandestine!"
Lalo akong napangiti at sinalubong ng yakap si mama
"Mama I missyou"
Hinampas ako nito na ikinatawa ko lang pero maya-maya lang din ay halos hindi nako makahinga sa higpit ng yakap nya.
"Kung hindi pa namin sabihin na hahatakin ka namin pabalik dito ay hindi kapa uuwi"
Kumalas ako sa pagkakayakap dito at ngumiti "Mama uuwi naman talaga ko. Wala naman akong balak mag stay don"
Hinampas ulit ako nito kaya napahawak nako sa braso ko
"Wala kapa palang balak mag stay don? Halos dun ka na nga tumira.Aba! anong akala mo sa anim na taon? Parang isang linggo kalang nawala ah?"
Napatawa nalang ako "Si mama.Alam mo kung ano nakaka miss sayo? Yung sermon mo"
Akmang hahampasin na naman ako nito pero pinigilan ko na.
"Ma nasan ang papa?" Nilibot ko ang paningin ko
"Nako ang papa mo nasa kapitolyo na naman,Simula ng maging vice gov ang papa mo ay madalang na lang mag stay dito yon sa bahay"
Oo nga pala. 3 years ago ay nalaman ko na naging vice governor na nga si papa dito sa Cebu.
Inakbayan ko na lang si mama "Hayaan mo na po,alam mo naman si papa. Gusto non laging nakakatulong sa iba"
Bumuntong hininga ito "Uuwi na din yon maya-maya at alam na uuwi ka. Tara na sa loob ng makapag pahinga kana din"
Binitbit ko yung ibang bagahe ko.
"Hayaan mo ng sila Manang ang mag pasok ng iba mong dala"
Tumango na lamang ako at sumunod na dito papasok.
Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay namin pero wala naman ako halos makitang bago bukod sa nabagong pintura.
Pero kung ano yung iniwan ko non ay ganon pa din ngayon. Kahit kanina sa daan ay wala namang nabago
Napaisip nga ako kung anim na taon ba talaga kong nawala. Kase parang hindi naman
"Welcome back tine"
BINABASA MO ANG
Clandestine
General FictionWhen you thought that life is like a flowing river. Like a sky that can mesmerize your eyes. When you thought that your life is perfect you will suddenly realize that the people around you doesnt think the same way you do. The flowing river just st...