Sabi nila, kapag hindi mo madaan sa santong dasalan, idaan mo sa santong paspasan.
Kaya naman minsan sumasagi sa isipan ko na... bakit hindi kaya ako gumamit ng gayuma? Pero sa totoo lang hindi naman talaga ako naniniwala sa mga gayuma na yan, wala naman kasing shortcut pagdating sa pag-ibig, kasi naniniwala pa rin ako na hindi madidiktahan ang puso kahit ilang gayuma pa ang gamitin natin. Desperado na nga siguro akong matatawag at pati gayuma ay papatusin ko na.
Bakit kasi lahat nalang nang magustuhan ko eh hindi magkagusto sakin, hindi naman ako panget kung tutuosin gwapo naman ako at ang masaklap pa, lahat sila binasted ako.
"OY! ang lalim na naman ng iniisip mo dyan?"
Napatingin ako sa gilid ko para tignan kung sino ang nagsalita.
"Z-Zia ikaw pala!"
Tinapik niya ako sa balikat at saka tumabi sa akin.
Naka upo kami ngayon sa isang Bench na madalas naming pagtambayan, nasa dulo ito nang park na madalang na pinupuntahan ng tao, medyo tago na kasi ang lugar na ito. Actually ang akala ko, ako lang ang pumupunta dito pero hindi pala, madalas din pala si Zia dito. Natatawa nga ako pag naaalala ko noong unang beses kaming magkita sa lugar na ito.
Nung araw na yun Broken hearted ako, pano naman kasi basted na naman ako kaya naisipan ko na magpahangin at makapagisip-isip sa lugar na ito. Dahil nga sa pagiging broken hearted ko at wala sa sarili nung mga panahong iyon hindi ko napansin na may ibang tao din pala sa lugar na ito, na nakaupo sa katapat na bench. At si Zia nga yun, sumisigaw siya non habang umiiyak, marami siyang sinasabi basta ang naaalala ko na lang na isinisigaw niya e yung..
***Flashback***
"BAKIT GANYAN KAYONG MGA LALAKI, NAPAKASINUNGALING NIYO!!!!!!!!!!!!"
Ang nasa isip ko non, hindi naman lahat e, meron pa rin namang honest na lalaki, at dahil sa lalaki din ako medyo tutol ako sa sinabi niya.
"EHHEEEM EHEEEM!!"
Napalingon siya sa akin at makikita mo sa kanya ang pagkagulat, siguro dahil hindi niya din alam na may ibang tao din nung mga panahon iyon. Agad siyang tumahimik at mabilis na pinunasan ang luha niya at humingi ng paumanhin sa akin. Kaya lumapit ako para iabot ang panyo na dala dala ko.
"Salamat ha!!"
"OK lang yon! pero hindi lahat ng lalaki manloloko, eh kung sabihin ko din na.. lahat ng babae pa-asa, papayag ka ba? diba hindi, kaya kwits lang.."
Natawa lang siya non sa sinabi ko, Hanggang sa nagkapalagayan kame nang loob, nakapagkwentuhan nga kaming dalawa sa mga drama namin sa buhay, Nalaman ko na nakipagbreak siya sa boyfriend niya na two timer, ako naman nabanggit ko na basted ako, kaya naman natawa pa siya lalo, dahil karma daw sa mga lalaki yon. Kahit papaano naging masaya kami, ni hindi na nga namin namalayan na lumubog na pala ang araw at dumidilim na.
***End of Flashback***
"Hoy! Cue Bat ba ang lalim ng iniisip mo?"
"Ah-Eh wala lang!"
"Sus! wala daw! Iniisip mo siguro si Sophie noh? Ano na nga bang update sa panliligaw mo sa kanya? i-share mo naman saken... dali na!!"
"As usual nililigawan ko pa rin!!"
"Ang hina mo naman, hanggang ligaw ka lang ata eh, tapos in the end basted ka ulit!! HAHAHA!"
"Wag ka ngang mang-asar diyan hindi nakakatuwa!"
"ang SUNGET naman neto,nagbibiro lang eh"
Paano naman kasi ako hindi magsusungit, e hindi natuloy yung planong date namen ni Sophie, bute nalang kahit papaano nandyan si Zia na nagtatiyaga sa pag-susunget ko, pero napapa-isip ako, para kasing may nararamdaman na ako kay Zia, siguro dahil lang sa pagiging mabait niya saken o kaya naman dahil lang sa pagiging magkaibigan namen, sa tingin ko naman kasi wala din akong pag-asa sa kanya na kaibigan lang talaga ako, ayoko din naman na isa din siya sa babasted saken at saka ayoko din namang mawala yung pagiging magkaibigan namen.
BINABASA MO ANG
GAYUMA (Short Story)
Romance.....wala naman kasing shortcut pagdating sa pagibig, kasi naniniwala pa din ako na hindi nadidiktahan ang puso.... -Cue