CHAPTER 5

75 42 35
                                    

CHAPTER 5

“Manang mirna Told us na nag hahanap ka daw ng trabaho. Is it true?” nakangiting sabi ng magandang babae. Para talaga syang model ng toothpaste. Ang puti ng ngipin nya.

Buti hindi sila na nga ngalay sa kakangiti. Napapansin ko kasi. Kung hindi sila tatawa, ngingiti naman.

“ Yes ma’am. so, did you— did you-- ” napatingin ako kay manang. At sa dalawang mag asawa. Nakatingin silang lahat sa akin tila’y naantay matapos ang sasabihin ko.

Nakaramdan akong namamawis ang noo ko.

“Did you--  ta-tanggap na po ba ako?” nag katinginan silang tatlo. Bakit, si ma’am nga ni manang, nag taglish eh. Syempre kaya ko rin yun.

Masyado bang mabilis ang tanong ko. sabi kasi ni manang kanina na tanggap na daw ako nung nag usap kami kanina.

“Sure. You’re hired. you can start today. Si manang na ang bahala sayo. Tuturuan ka nya sa mga gawaing bahay.” Ito naman ikinatuwa ko. alam mo yung feeling na sa sobrang tuwa ko parang gusto kong sumayaw ng gimme gimme. Kaso mamaya nalang nakakahiya sa makakakita.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at pinuntahan ang pwesto ni maam at niyakap ko sya at nag pasalamat. masayang masaya talaga ako hindi ko alam kung sa paano ko sila mapapasalamatan. dahil hindi na ako mahihirapan pang maghanap pa ng trahaho.

Naalala ko sila inay at itay. Parang gusto ko silang balitaan na may nahanap na akong trabaho. Mababayaran na namin ang utang namin kay mamantikang chicharon. Para hindi na sila mag alala pa.

Mababayaran naman naming ang utang yun. Hindi man ngayon, pero sa darating na panahon. Hindi ko lang alam kung kailan. Pero alam kong mababayaran namin yun ng buo balang araw.

Pahahalagahan ko talaga tong trabaho na ito. Dahil bihira na nalang ang makahanap ng trabaho na may mabait na amo, tulad ng magiging amo ko na simula ngayon.
Nag papasalamat din ako kay manang dahil nakita nya ako sa basurahan. Dahil sa kanya Nakilala ko ang dalawang mabait na amo.

Alam kong high school lang natapos ko. kaya natatakot akong makipag sapalarang pumunta ng maynila para mag hanap ng trabaho. Sabi nga ng mga kapit bahay naming tsismosa. Wala akong mahahanap ng trabaho dahil sa mababang antas na natapos ko. baka sa patay sinding ilaw lang daw ako maka punta.

Sa katunayan ayos lang din naman sakin yun. Lalo na’t marunong naman akong kumumpuni ng ilaw. Dahil tinutulungan ko si itay tuwing napupundi ang ilaw namin. Mas marunong pa nga ako kay itay eh.

“Ito ang magiging kwarto mo. may kasama ka dyan. Dalawa kayo ni mildred.” Malaki ang kwarto kumpara sa kwarto namin sa probisya. Naparang sardinas na kami sa liit.

Tig-isa kaming kama. At aparador. Medyo Malaki naman sya. meron din sariling CR an kwarto na ito.

“Hoy mildred gising, aba! Nauna pa ang mga amo natin gumising kesa sayo. Ano? Ikaw ang pag sisilbihan nila? Aba! gumising kana dyan. May makakasama ka sa kwarto na to.” Napangiti ako sa ginagawa ni manang. Naalala ko bigla si inay. Parehas na parehas silang armalite ang bunganga.

Nalungkot naman ako sa naalala ko. na mi-miss ko na sila. Kamusta na kaya si inay. Sana magaling na sya. sana hindi rin makalimutan ni buknoy na dag-dagan ng tubig ang sinaing, para sa ‘am’ ni bunso.

“Manang naman eh. Oo na po ito na tatayo na.” sabi ni mildred na kinukusot pa ang mga mata.

“Oh sya, mildred. Ito nga pala si clarise ang makakasama mo dito sa kwarto. ” napatingin saakin si mildred.

“Hi” nakangiting bati ko sa kanya.

“Hello. Ang ganda mo naman. Kala ko amo din kita eh. Hehe!” nahiya naman ako sa sinabi ni mildred. Sabi na eh maganda talaga ako. kaya marami akong manliligaw dun sa probinsya.

“Aray! naman manang. Mashaket ah.”binatukan ni manang si mildred ito naman ay ikita tuwa ko.

“ Kung ano ano pa ang sinasabi mo. Hala! Kilos! Gising na ang mga amo dapat maagang nagigising ang mga katulong.” Ang kulit nilang dalawa. Para silang mag ina. Nakakatuwa silang tignan.

“Opo ito na po. mag aayos na”

“Clarise, ito nga pala ang susuutin mo. Magbihis kana rin. Sabay na kayo ni mildred lumabas. ” kinaha ko yung damit na binigay nya. At nag bihis na.

“Bago ka?” binasag ni mildred ang katahimikan.

“Ah. Oo. Kanina lang” nginitian ko sya. at nag kwentuhan pa kami.

Ang daldal din pala nito ni mildred. Mag kakasundo kami nito.

“Alam mo. Feeling ko hindi ka rin tatagal dito tulad ng iba.” Napatingin ako sa kanya.

“Paano mo naman nasabi. Mukhang mabait naman ang mga amo natin.” Kunot noong sabi ko sa kanya.

“Nakita mo na ba ang mga a--” hindi natapos ni mildred ang sinasabi nya.

“Ano na? ang tagal nyo. Gising na ang mga sinyorito at sinyorita. Bilisan nyo.” Nakita kong nanlaki ang matani mildred. Sa sinabi ni manang.

”Ayan na ang sinasabi ko sayo. Bilisan mo na rin dyan, bago ka pa masisante. Bago ka pa naman”  anong nangyayare. Bakit sya natataranta.

The Promdi's Game #YourChoice2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon