¬Marami kong gustong sabihin, gustong gawin.
Sa sobrang rami di ko alam kung san ba dapat ako magsimula.
Ang daming panahon na binigay ng diyos sa akin pero di ko alam kung pano to gagamitin.
Nagkaroon din naman sana ko ng lakas ng loob pero eto malungkot parin.
Di ko na alam kung pano pa maging masaya, bakit nga ba?
Noon, makita lang kita, okay na ko. Ikaw yung stress reliever ko e,
kahit anong pagod ang naranasan ko nawawala basta makita kita.
Yung mga mata mong nawawala basta tumatawa at ngumingiti ka,
Yung patangad mong pose, pati narin yung mga wackies mo.
Nung una, ang saya pa natin, tila nagagawa natin lahat ng gugustohin, tulad ng kumain sa labas, magbonding, mag movie marathon at kung anu-ano pang pwede magbigay aliw sa atin.
Pero bakit biglang nagbago, masaya naman tayo noon diba?
Di natin pinapatagal ang mga tampohan natin kasi alam nating hindi yun dapat.
Sabi mo pa nga pag may problema sabihin ko at paguusapan natin para maayos .
Pero bakit ngayon, biglang nagbago ang lahat.
Yung ngiting nagaalis ng lahat ng pagod na nararamdaman ko,
bakit parang nagpapabigat na sa loob ko sa tuwing nakikita ko.
Yung mga problemang dapat pinaguusapan ng maayos,
Bakit tila iniiwasan mo ng pagusapan.
Umabot pa tayo sa puntong itinigil na natin kung anong meron tayo
Para makapagisip-isip, pero sa mga panahong ibinigay natin sa isa't isa,
Mas lalo kong nalaman na mahal kita.
Tiniis ko lahat ng sakit sa tuwing nakikita kitang may kasamang iba
Hinahanggad na sana ako yun, nag bibigay saya at nagaalis ng pagod na iyong nadarama,
Ngunit , sino ba naman akong tanga diba? Humihiling na sana bumalik ka na.
Matapos ang ilang buwan, nagkausap tayo,
Sabi mo mahal mo pa ko, grabeng saya! Kasi hanggang sa panahong yun, mahal parin kita.
Sabi nila, love is sweeter the second time around,
Aaminin ko namiss kita at grabeng saya ang narasanasan ko sa pag babalik mo,
Sa pangalawang yugto ng ating relasyon
Mas natuto na tayo, alam natin kung pano at ano ang gagawin sa tuwing may problema.
Hiniling ko na sana mas tumigal pa tayo, sino bang ayaw nun diba?
Lumipas ang ilang buwan at naging maayos naman ang ating pagsasama.
Pero bakit parang nauulit nanaman?
Dalwang buwan madalan na tayong magusap at magsama,
Sabi ko okay lang, naiintindihan kita, kasi sabi ko mahal kita at may tiwala ako sayo.
Tila nasasanay na ko sa lahat ng nangyayari,
Ikaw na kasama ang mga kaibigan mo,
Ako, magisa, magisang ginagawa lahat ng hilig natin dalwa.
Magisang nagmomovie marathon, magisang kumain, at magisang pumunta kahit saan.
Hindi ko alam kung ano bang nagawa ko,
Kung may nasabi ba ako o nagawa na makakasama sa loob mo,
Puro ako akala, akala ko magiging masaya na tayo uli,
Akala ko magiging okay na tayo.
Di kita naasikaso ng mga nakaraang araw dahil sa nagging abala ako sa bagay bagay.
Hanggang sa dumating ang araw ng pagtitipon sa aming bahay
Naging maayos naman at naging masaya naman tayo kahit papano,
Napuri ka pa nga ng nanay ko dahil sa boses mo,
Ngunit nagkaproblema ka nung umabot ang gabi.
Nagtaka ako kung anong nangyari, kaya tinanong kita kung ano nga bang nangyari
Sabi mo may problema ka lang na iniisip at wala din mangyayari kahit ikwento mo pa sakin,
Tinanong kita kung ano bang meron, na pwede mo kong sabihan,
Ngunit sabi mo huwag na, problema mo na to
Eto naman ako alalang-alala sayo, ayoko nalang magsalita at kung ano pa
Kaya nagtext nalang ako ng sige po, dito lang ako kung kailangan mo ko,
Pero nagulat ako sa reply mo,
"diko nga alam, kung kailangan kita"
Yang mga salitang yan, tumatak sa aking isipan,
Tila nagtatanong kung anong nangyayari, wala kong kaalam-alam.
Masakit para sakin sapagkat di ko alam kung anong nagyayari,
Nagreply ako at nagtanong ng bakit? anong nangyari? May nagawa ba kong masama o ano?
Andaming tanong na lumabas sa isipan ko,
Hanggang sa magreply ka
"Wala kang ginagawa, gusto ko lang mapagisa"
Nang nabasa ko yun tila gumuho ang mundo ko, pero sinabi ko
"Sige po"
Yun nalang sinabi ko, wala ng iba.
Nagugulohan pero kinakaya ko kasi alam kong may problema ka.
Sumunod na araw matapos ang ating paguusap,
Nagkita tayo, ngumiti ka, ngumiti rin ako,
Para tayong mga tamang magkakilala lang,
Di ko napigilan at hinawakan kita sa braso,
Nagpaalam na may pupuntahan ako, sabi mo sige
Matapos nun, tulala akong umalis,
Nagiisip ng ano nga bang nangyayari?
Bakit ganito?
Bakit biglang ganito?
Masaya naman kami kahapon ah?
Bakit?
Nagugulohan ako.
Naiwan akong nagiisip, at nagtatanong sa sarili ko,
Ano bang nangyari samin ng mahal ko?
Maayos pa ba natin to?