THREE
-THERE GOES THE JERK AGAIN-
Inayos ko ang mga gamit na dadalhin ko sa ospital. "Uy Yumi iwanan lang kita saglit ha. Kukunin ko lang kay Aling Ising yung pera ni nanay." Sabi ko sa kanya bago ako lumabas habang busy pa rin sya sa pagtitig sa cellphone. Naglalakad ako papunta kay Aling Ising at ang mga kapitbahay namin ay kinakamusta si tatay. "Naoperahan na po. Under observation pa rin po. Hindi pa rin nagigising simula nung inoperahan. Ipagdasal po natin si tatay ha." Sabi ko sa kanila tsaka dumiretso sa tindahan ni Aling Ising. "Tao po, Aling Ising!!!!" Pagtawag ko sa tindahan nya. "Yohooo!!!" umupo ako saglit habang iniintay sya.
"O Ali mabuti napadaan ka. Kamusta na ang tatay mo?" Sumulpot sya sa tindahan at halatang nag-aalala kay tatay.
"Okay naman po yung operation. Naiwan po si nanay dun. Iniintay pa naming magising si tatay. Pinapunta po ako ni nanay para daw po dun sa napagbentahan ng kakanin." Sagot ko kay Aling Ising at tila mas lalo syang naging balisa. "Ano pong problema? Hindi po ba naubos yung paninda? Ayos lang po yun."
"Naku hindi yun, Ali. Naitext ko sa nanay mo na naubos nga yung paninda nya. Bakit kasi ngayon ka lang dumating. Dapat napaaga ka." Umiwas sya ng tingin. "Kasi ano – yung kuya mo. Yung kuya mo kasi nung nakaraan umuwi kahapon at nakitang ako ang nagtitinda nung kakanin. Lumabas kaninang umaga at tinatanong nasaan daw kayo. Sinabi ko ang nangyari sa tatay mo tapos kinuha nya yung pinagbentahan. Pasensya na Ali ha." Nanginginig pa si Aling Ising siguro dahil sa takot kay kuya.
"Pe – pero hindi nyo naman po ibinigay lahat di ba? May natira naman po sa inyo kahit konti di ba? Kasi – kasi po kailangan po ni tatay yun." Naluluha na ako sa sinabi nya at nagagalit dahil sa wala kong kwentang kapatid.
"Kasi Ali tinakot nya akong guguluhin ang tindahan ko tsaka sasaktan nya ang anak ko kung di ko ibibigay ng buo sa kanya. Natakot ako para sa anak ko. Sana maintindihan mo. Maling mali ako na tumulong pa ako sa nanay mo. Pati tuloy ako napapahamak pa." Paliwanag nya sa'kin. Malungkot sya at mukhang na-trauma dahil sa nangyari.
"Naiintindihan ko po. Kahit sino naman po matatakot sa hukluban kong kapatid." Tumayo ako. "Pasensya na rin po sa abala ha. Una na po ako." Dismayado kong sabi tsaka ako bumalik sa bahay. "Ugh!!!!!!!!! G*go talaga yang kapatid ko!! Walanghiya!!!!" Nagdadabog ako papasok ng bahay. "Alam nyang nasa ospital ang tatay nya hindi man lang tumulong o dumalaw. Hayop talaga!! Ang kapal ng mukha!! Ang laki laki ng katawan batugan!!!!!"
"O bakit bes, anong nangyari?" Hawak na ni Yumi ang mga gamit na dadalhin ko.
"Yung kapatid kong hayop, kinuha yung pera kay Aling Ising. Nanakot pa dun! Dapat pina-blotter nya yun sa barangay eh!! Walanghiya!!!!!" Nanginginig ako sa galit.
"Paano na ngayon yan?" tanong ni Yumi.
"Hindi ko alam. Hindi pwedeng malaman ni nanay 'to dahil siguradong magagalit yun. Di yun mabuti sa kanya. Magiisip ako ng paraan para magkaroon ng three thousand." Tinulungan ko si Yumi sa pagdala ng mga gamit. "Mabuti pa umalis na tayo." Isinara ko ang pintuan at naglakad na kami papunta sa sakayan. "Uhm, Yumi alam mo naman kung saan makikita sila nanay di ba? Favor naman oh, ikaw na muna ang mauna dun. Hahanap lang ako ng pera para may madala dun. Kapag kasi wala akong naibigay magtatanong yun kung nasaan yung pera kay Aling Ising." Iniabot ko lahat ang mga gamit sa kanya. "Okay lang ba?"
"Naku okay lang, bes. Kung may pera naman ako papahiramin kita kaso wala eh kaya ito na lang ang itutulong ko sa'yo." Sagot nya sa'kin tsaka kinuha ang mga gamit. "O pano intayin na lang kita dun ha. Text ka lang para kapag nagtanong ang nanay mo may isasagot ko. Okay." Ngumiti sya at nagbeso sa'kin.
BINABASA MO ANG
My Life With The Jerks
Teen FictionOrdinary student lang si Dalisay Liwayway nang dumating ang maraming pagsubok sa kanilang pamilya na sisira sa lahat ng meron sya. Paano kung tadhana na ang gumawa ng paraan para makapasok sya sa buhay na kahit kailan ay never nyang naimagine. Will...