Sa mundo kung saan makaluma ang panahon...
"Mahal na prinsesa! Wag po kayong tumakbo baka madapa ho kayo at masugatan! Mahal na prinsesa!"
Oras nanaman ng pag aaral. Nakaka bagot! Maaari bang mamasyal na lamang ako sa bayan? Alam ko naman na ang ituturo ni gurong seng.
"Kamahalan! Ikaw nalang po ang wala sa silid aralan! Andun napo ang ikaanim na prinsesa at ika walong prinsipe!"
"Hoy! Inuutusan mo ba ko na bumalik na doon'?" Tinaasan ko sya ng kilay at bigla syang namutla.
"P-Patawarin nyo ako kamahalan" sabi nya at lumunod.
"Pfft. Niloloko lang kita Benida" at humalakhak ako.
"Kamahalan naman eh nakakatakot ka, pabago bago ang iyong ugali"
Umupo ako sa upuan na malapit sa Hardin at ipinikit ko ang mga mata ko.
Ayoko na mag aral!!!!
"AYOKO NA MAG ARAAAAAAL!" Sumigaw ako sa abot ng makakaya ko.
"Prinsesa kailangan nyo mag aral" ani ni Benida na nakaupo din sa tabi ko.
"Para saan pa? Hindi naman ako magiging hari" sabi ko at inirapan sya.
Napahagikgik sya sa sinabi ko at napatakip ng bibig. "Kahit na kamahalan. Kailangan nyo po mag aral dahil prinsesa kayo. Kung ako yung nasa kalagayan nyo siguro ang saya saya ko kasi makakapag aral ako"
Napatingin ako sakanya at nakatanaw sya sa langit.
Habang ako sinasayang ko ang oportunidad may ibang tao dito na gusto malagay sa kalagayan ko?
"Hindi ba sinabi ko na sayo na Chiya nalang ang itawag mo sakin kapag tayong dalawa nalang ang mag kasama?"
"Pero kamahalan prinsesa ka at ako ay tagapaglingkod nyo lamang. Isang kapalastanganan po kung tatawagin ko kayo sa inyong pangalan"
"Aish! Hindi ba mag kaybigan tayo?" Sabi ko ng nakangiti sakanya.
Sya ang kasama ko mula Bata pa lamang ako. Palagi ko sya kalaro noon. Mas kapatid pa ang Turing ko sakanya kaysa sa mga prinsesa at prinsipe na Hindi ko naman palaging nakakasama.
"O-Opo. Salamat po. Prinsesa"
"Aigoo! Chiya nga ang itawag mo sakin!"
"O-Opo. Chiya"
Nginitian ko lang sya at tinanaw ulit ang kalangitan. Ano kaya ang pakiramdam ng mga ibon? Masarap bang lumipad at maramdaman mo ang hangin na tumatama sa iyong muka? Gusto ko maranasan! Katulad ng ibon na Malaya. Malayang gawin ang gustuhin nila...
"Prinsesa Chiya?"
"Kamahalan!" Bumati si Benita sakanya. Ganun din ako.
"Nagsisimula na ang klase kanina ka pa hinahanap ng mga taga pag silbi! Palagi ka nalang lumiliban sa iyong klase!" Sigaw at may otoridad na sigaw sakin ni prinsipe Lukas.
"Patawarin nyo po ako kamahalan ako po ang may kasalanan!" Sabi ni Benita at lumuhod sa harap namin.
"Oo tama! Kasalanan mo nga ang lahat, ang trabaho mo ay bantayan ang prinsesa pero ano--"
"Tama na kuya. Papasok na ako." Sabi ko at inirapan sya.
Aigoo! Sa lahat ng prinsipe bakit etong si Lukas pa ang naka hanap sakin!
Pinanlisikan nya ako ng mata at hinila.
Hindi naman kailangan manghila! Inirapan ko nalang ulit sya at nginitian si Benita na nakasunod sa amin.
BINABASA MO ANG
Not a princess anymore
Любовные романыPrinsesa ako, Nakahilata sa malambot na higaan, kumakain ng masasarap na pagkain.. madaming tagasunod... Kain, tulog, lakad sa Hardin, bisita sa hari, Kain, Tulog. ganyan nalang palagi ang buhay ko dito sa palasyo bilang ika apat na prinsesa. pero n...