Chapter 8: "My treat!"

431 4 0
                                    

(a/n: sorry for typos and wrong used of words, unedited pa po kasi iyan... ahm please vote /become a fan to promote the story... thanks a lot! )

NICK ALVAREZ:

Mukhang nainis si Sungit dahil di ako at wala akong ganang makinig sa kanya dahil kasi sa pakikialam niya kanina. Badtrip siya kanina! Buong akala ko magiging okay na kami ngayong araw dahil sa nangyari kagabi. Kaso hindi eh, nakakainis siya! Bakit kailangan niya pang pakialaman ang personal na buhay ko eh wala naman siyang alam. Nauna siyang umalis kaya umalis na rin ako hindi para umuwi kundi para magpahangin. Nagpunta ako sa may park sa loob ng school at doon nag-isip.

Ilang buwan na rin ang nakakalipas nung nahuli ko si Sandz na may kasamang ibang lalaki. Sobra akong nasaktan nung mga panahong iyon. Di ko matanggap. Nagmakaawa ako sa kanya at nangakong kakalimutan ang lahat basta magkabalikan kami ulit.

"Sorry Nick but I love Rico." Yun na ang naging katapusan ng lahat para sa amin ni Sandra. Simula nun, tinanggap ko na ang lahat. Tinanggap ko na na di na kami pwede. Na di niya na ako mahal. Kaya nga pumayag akong lumipat sa ibang section para kalimutan na ang mga nangyari. Si Sandz ang kaisa-isang babaeng minahal ko ng sobra. Ganun ako eh. Sobra kung magmahal. Akala ko nga siya na, pero nagkamali ako. Kahit maraming babaeng umaaligid at nagpapahiwatig sa akin, siya lang talaga ang nakikita ko. Mahal ko kasi siya eh. Pero kahit lubos akong nasaktan sa kanya, hindi ko siya nakuhang iyakan. Ewan ko kung bakit, di lang nakuhang tuluan siya ng luhaa nga mga mata ko.

Nagkita kami ni Sandz sa corridor sa labas ng room namin. Ikinagulat ko yun dahil lumipat din pala siya! Sinubukan ko siyang iwasan pero...

"Nick, please, pwede ba tayong mag-usap?" pakiusap niya habang nakatalikod ako.

"Ano pa ang dapat nating pag-usapan? Tapos na tayo diba?" cold ang pagkakasabi ko habang di pa rin natitinag sa kinatatayuan ko.

"Nick please? Nakikiusap ako. Last na talaga..." ok kung iyan ang gusto niya, wala akong magagawa. Pumunta kami sa may bintana malapit sa CR ng mga babae.

"Huli na ito. Ayoko na maulit pa ulit ang pag-uusap na ito. Oh, ano ba gusto mong pag-usapan?" malamig pa rin ang pakikitung ko. hindi ko nga makuhang tingnan siya eh.

"Wala na kami ni Rico. Ahm kaya lumipat ako ng school para makasama kita, pero napunta ako s ibang section eh, but at least nasa isang campus tayo."Di ko alam ang expression ng mukha niya.

"So anong gusto mong palabasin?" nakatingin pa rin ako sa may bintana habang siya nasa likod ko... di ko pa rin siya tinitingnan.

"Mahal pa kita, alam mo ba yun? Please, let's start again"ano? Ano ako laruan na pwedeng itabi kapag sawa na at pwedeng balikan kung kelan gusto?

"I'm sorry. Sandz, tama na yung nangyari sa atin, ayoko na. Sorry talaga" alam ko mas maayos na ako kesa sa dati. Ayoko na bumalik pa sa dati. Humarap ako sa kanya para makita niyang seryoso ako.

"Di mo na ba ako mahal? Nararamdaman kong mahal mo pa ako" umiling ako. Alam kong may natitira pang pagmamahal sa puso ko para sa kanya pero ayoko na talaga. Bigla niya na lang ako sinampal. Dahil dun bigla ako nakaramdam ng galit!

"Sandra! Move on! Let's move on! Di lang ako ang lalaki sa mundo, marami pa diyan! Napalitan mo nga ako diba? Besides, ayoko na sa mga babaeng katulad mo. Sorry pero di na ako nagrerecycle kapag alam kong wala na talaga."Tiningnan ko siya ng diretso habang nanlilisik ang mga mata ko. alam kong sobra ang nasabi ko. pero nasaktan ako. Sinaktan niya ako tapos ngayon babalik siya sa akin na parang walang nangyari?! T@nga ba siya?! Ako di na ako magpapakat@nga sa pag-ibig para sa kanya at para na rin sa lahat!

Pagkatapos kong sabihin ang lahat may narinig akong may lumabas sa pintuan ng CR... Si... Sungit!

Nasa loob pala siya at mukhang nakinig siya sa pinag-uusapan namin. Lumabas siya ng galit na galit. At mukhang ako pa ang nagmukhang may kasalanan sa kanya! lalo pa akong nainis dahil nakialam pa siya! Pagkatapos ng mga pinagsasasabi niya sa akin, umalis na siya. Nakuha niya pang mag-walk out! Kaya buong hapon di ko na siya pinansin! Nawalan na rin ako ng gana making. Akala ko okay na lahat sa amin. Pero mali. Nagugustuhan ko na sana siya, pero lilinawin ko, nagugustuhan ko siya bilang kaibigan hindi ka-ibigan.

Misfortunes of Love (MOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon