Eraser and Pencil <3 Part 2

1.3K 23 2
                                    

Thanks sa mga readers!!! I love you all!!! 

Dedicate sayo to for a 'Thank You!' dahil sa pagcomment mo.

----------------------------

Continuation....

"Pleaseee tama na!!! Tama na pleasee lang!!!!!" sumigaw ako pero tuloy pa rin sila sa pagbugbog kay Cedric.

At yes hindi siya lumalaban. Naiinis ako sakanya dahil hindi niya pinagtatanggol ang sarili niya! tuloy-tuloy ang pagsuntok nila pati ang luha ko tuloy-tuloy rin sa paghagos.

Ilang minuto na rin nang sabihin ni Raul na bugbugin si Cedric eto ako ngayon umiiyak at nasasaktan para kay Cedric at wala akong maitutulong sakanya dahil tinali at hinawakan ako ni Raul.

"Cedric pleaseee..... Lumaban ka." tanging sambit ko ng mahina.

Sobrang rami na niya ng bugbog, puro pasa na ang mukha niya. Mahal na mahal ko si Cedric tanging siya ang nagpapaligaya saakin kahit napaka-sungit niya minsan saakin.

Pinoprotektahan niya ako kahit harsh ang paggawa niya. Kahit expressionless siya.

Oo, nagkakamali siya pero kahit na gkakamali siya natatama niya pa rin ang mga ito sa pamamagitan saakin.

Hindi naman sa nagmamayabang ako pero sadyang yun ang totoo kung wala ako para pagsabihan siya at sermonan para ma-realize niya ang ginawa niya hindi niya magagawang magsorry o maitama ang mga ginawa niya.

Lumingon ako kay Raul "Raul pleasee pakawalan mo na kami, Mahal na mahal ko siya" mahinang saad ko na ikinagulat niya.

Sobra na ang sakripisyong binigay ni Cedric para saakin. 'Love is Sacrifice'

Pinakawalan niya ang mga kamay ko na may naguguluhan na mukha. "Paano?" tanging tanong niya na hindi ko rin maisagot.

Ngumiti ako ng mapait "Gusto kong itama ang mga mali niya habang buhay" sagot ko na mas lalong nagpagulo sa utak ni Raul.

Lumingon na ako kung nasaan si Cedric. Tumigil na pala sila at tanging saamin nakatingin.

Dali-dali kong inalis ang pagkatali tinulungan ako ni Raul. Pagkaalis na pagkaalis ng tali saakin agad akong pumunta kay Cedric na umiiyak pa rin

Lumuhod ako at linagay ang ulo ni Cedric sa lap ko. Jusko Cedric!

"Cedric...." tanging sambit ko habang umiiyak.

Ngumiti siya kahit putok na ang labi niya at unti-unting pumikit ito na mas lalong nagpahagulgol saakin.......

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

After so many years.....

Hinalikan niya ako pagkarating niya sa office ko.

Napangiti ako at hindi ko akalaing mamahalin ko siya ng ganito. Mahal na mahal ko itong lalaking ito.

Hinalikan ko rin siya sa cheeks.

"I love you baby Chris." oo siya si Chris ang mahal na mahal kong---

"I love you too mommy!" masiglang sambit ng 'anak ko.'

"Where's your daddy?" tanong ko habang kandong ko siya.

Break time kasi ngayon at ako ang boss kaya pwede ang anak ko dito. Naging playground na nga ni Chris ang building na ito pati mga kasama ko na-wiwili sakanya.

"Parating na po siya mommy kasama niya po si Harry" sambit niya habang naka-puot. Ang cute kamukha niya ang daddy niya.

Sadyang hindi sila close ng daddy niya kaya ganyan kaya lagi ako ang nilalambing ni Chris or sa madaling salita favorite ako ni Chris kesa sa tatay niya. At ang tatay niya ay close kay Harry.

Yes, dalawang taon na kaming kasal ng asawa ko at may dalawa kaming anak. Twin sila si Harry ang panganay at si Chris ang bunso kaya spoiled pagminsan itong si Chris.

"Mommy!!!!" Nagulat ako at iniluwa ng pinto ang anak at asawa ko.

"Baby Harry!" sabay yakap niya saakin.

"Mommy I'm not baby anymore'' he said. Tamang tama talaga na panganay si Harry dahil napaka-mature at matapang na bata ito. Siya ang kamukha ko at si Chris ay kamukha ng asawa ko.

"Oo nga Hami hindi na siya bata." sambit ni Cedric ang aking asawa.

Nabuhay pa rin si Cedric sadyang napagod lang ito dahil sa bugbog niya nuon at duin ko rin nalaman na mahal niya ako.

"Okay fine." I said as I surrender.

"Mommy, pwedi po bang sumama si Tito Kit?" tanong ni Chris ang favorite tito nila. Maglalaunch kasi kami ngayon.

"With Tita Chienna?!" buglang nagning-ning ang mga mata ng mga anak ko.

(A/N: Kung hindi niyo po kilala si Chienna Siya po si Amanda sa Got To Believe)

"Okay kasama sila. Okay invite them on their office" Si Chienna ang asawa ni Kit ngayon at four months ng buntis ang asawa niya.

"Yey!!!!!" sigaw nila pareho at ito namang asawa ko nakangit at nakamulsa na nakatingin saamin.

Dali-daling tumakbo ang dalawa palabas ng office ko, pagkasara nito tumayo ako at linigpit ang mga gamit ko.

Lingid saakin ang pagyakap sa likod ng asawa kung baga back hug. Sinubsob nito ang mukha sa leeg ko.

"Hmmm... Hami..." parang inaamoy nito ang leeg ko.

"Ow?"

"Alam ko na kung bakit Eraser ka sa buhay ko" hindi ko pa rin kasi sinasabi kung bakit Eraser ako sa buhay niya.

"Oh ano?"

"Dahil ikaw ang magtatama ng mga pagkakamali ko kaya naging lapis or pencil ako" napaharap na ako

"After ilang years nalaman mo rin" sabay tawa ko kaya napatawa na rin siya

Nuong high school pa yun pero ngayong mag-asawa lang niya nalaman.

"I love you Hami. Hindi ko man nalaman ng mas maaga na mahal na kita pero ang importante tayo pa rin sa huli" ito ang pinagbago ni Cedric naging sweet at corny saakin minsan pervert. Haha. Pero hindi pa rin mawala ang pagka-hotheaded niya lalo na pagnagseselos siya sa mga lalaking nakikipag-usap saakin.

Pagkatapos niyang tumawa napatingin lang ito sa labi ko at nakapulupot pa rin ang mga kamay niya sa bewang ko.

Hinalikan niya ako punong-puno ng pagmamahal wala ng iba! Hinalikan ko rin siya syempre miss ko na rin siya.

"Lets ---Opps!" napahiwalay naman kami ng biglang tumambad saamin sina Kit at Chiena na nakaharang ang mga kamay nila sa dalawa naming anak.

Napatawa na lang kami at umalis sa office ko upang maglaunch.

Maraming nagkakamali pero may pagkakataon rin tayong itama ang mga ito or araw na mapatawad tayo ng mga taong nasaktan natin sa pagkakamali natin.

Sa Love kahit magkamali ka pa ng bilyong-bilyong pagkakamali eh kung tanggap ka ng mahal mo wala ng makakapaghiwalay sainyo.

Hindi 'maling' magmahal sa taong nagkakamali.

The End

------------------------------------

Sana po nagustuhan niyo paki-correct yung spell or chuchu ko kasi cp lang gamit ko para ma-update yan. Sorry sa tagal ng update. I hope you guys like my update pleasee VOTE ANG COMMENT!!!! lovelots!

Marceline_Marshall

KISSpirin [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon